CHAPTER # 52 |Plan|

97 6 0
                                    

Daniel Point Of View

.

Kahapon ko pa hindi nakikita si yana, ano naman ngayon! Wala akong pake sa kaniya! Wala nga ba? Haynaku! Nababaliw na talaga ako kakaisip sa babaeng yun, hindi man lang kasi niya ako nirereplyan sa lahat ng text messages ko sa kaniya. Hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataon na makapag paliwanag nung mga araw na yun, paano naman ako magpapaliwanag e, wala ngang lumalabas sa bibig ko sa sobrang kaba.

"Niel, malalim ata ang iniisip mo"napatingin ako kay lola, nasa garden ako ngayon nagpapahangin at nag iisip din ng magandang gawin.

"La, may tanong po ako"umayos ako ng upo at muli siyang sinulyapan.

"Ano yun, apo?"umupo na rin siya sa katabi kung upuan. Huminga ako ng malalim, paano ko ba yun sasabihin?

"Hmmm! Paano po kung may nasaktan akong isang taong sobrang minahal ako, dalawang beses ko na siyang napaiyak. Mapapatawad niya parin po ba ako?"

Ngumiti siya bigla na tila ba iba ang nasa isipan niya, magsasalita pa sana ako kaso naunahan niya ako."Alam mo apo, kung mahal ka ng taong yan kahit ilang beses pa siyang masaktan mapapatawad ka niya kaya lang kapag napatawad kana niya sana naman wag munang ulitin"tama si lola, sa pangatlong pagkakataon hindi ko na dapat saktan si yana.

Ang iniisip ko lang ngayon ay mapapatawad pa kaya niya ako? Nasabi ko lang naman yun dahil hindi ko alam kung anong isasagot kay luke, sobrang nagsisisi ako sa mga nasabi ko nung mga oras na yun. Hindi ko rin alam na sobra pala siyang masasaktan. Tinapik bigla ni lola ang balikat ko."Tandaan mo apo. Lahat ng tao nagsasawa kapag binabalewala sila kaya ikaw hanggat nandyan pa ang taong yun, bigyan mo siya ng halaga bago pa mahuli ang lahat"natulala ako sa sinabi niya.

Kailangan kung makausap si yana at humingi ng tawad sa mga nasabi ko sa kaniya, hindi ko dapat siya sinaktan kahit na alam kung my gusto siya sakin. Mali ako, inaamin ko yun. Sana talaga mapatawad niya ako.

Sinandal ko yung ulo at katawan ko sa upuan habang nakatingin sa langet. Ate jade,tulongan mo naman akong maliwanagan ang isipan ko oh! Nahihirapan na kasi ako hindi ko alam kung bakit. Sana bigyan ako ng pagkakataong magpaliwanag ni yana at humingi na rin ng tawad sa kaniya. Tulongan mo sana ako ate jade.

Huminga ako ng malalim, wala na akong pakialam kung saktan niya ako basta gusto ko lang humingi sa kaniya ng tawad. Kinuha ko yung phone ko at mag tatype na sana ng biglang nag text si natalia.

LIA
   Ang sama mo talaga kay yana no, hindi mo ba alam na simula nung sabihin mo yun hindi siya tumigil kakaiyak. Sana pahalagahan mo si yana dahil sobrang mahal na mahal ka talaga niya.

Hindi ko naman talaga sinasadya lahat ng sinabi ko. Hindi ko rin alam na nasaktan ko pala siya ng sobra. Yana! Sana mapatawad mo pa ako. Mag tatype na sana ako ng biglang tumawag naman si luke, sinagot ko naman agad.

[Niel, sana pahalagahan mo si yana habang mahal ka pa niya] ang seryoso ng boses niya, yumuko ako.

Hindi ko naman alam na ga--

[Magkaayos na sana kayo kasi naaawa na ako sa kaniya]

Luke! Alam ko naman na kasalanan ko pero ang OA naman niya!

[Hindi mo ba alam na ganyan ang mga babae?]

Hindi!

[May period si yana kaya siya emosyonal kaya kung ako sayo suyuin mo na yun]

teka! Paano mo nalaman? Sinabi ko ba?

[O-oo nung nagkita tayo, diba]

Hindi ko maalala.

Mysterious University |complete|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon