CHAPTER #15 |Be mine, jade|

159 12 0
                                    

Jade Point Of View

.

"Control nila ang buhay mo kaya wala kang magagawa kundi ang sundin ang gusto nila"kumunot ang noo ko dahil sa narinig ko mula sa bibig niya. Anong ibig niyang sabihin? Hindi ko talaga siya maintindihan.

"Honestly! Wala akong maintindihan ni isa sa mga sinabi mo"medyo binigyan niya ako ng gulat na itsura pero hindi niya pinahalata, kinamot niya ang ulo niya sabay hilamos sa mukha niya gamit ang dalawang palad.

"Napaka slow mo naman"inis na wika nito, aba! Kasalanan ko bang mahina tong ulo ko? Tssk!

"Explain mo kasi ng maayos hindi yung hindi ko maintindihan"galit na wika ko din sa kaniya, tumayo siya sa upuan habang nag iisip. Nilagay niya ang kamay niya sa baba niya.

Napahinto siya kakalakad ng may maisip na siya. Excited siyang umupo sa pwesto niya kanina at nag ningning ang mga mata niya."Ganito kasi yun... Napadpad ako sa lugar na to dahil may kumidnap sakin at nilagyan ako ng maraming tusok sa katawan, tapos hindi ko alam kung paano ako napadpad sa lugar na to"okay! And then? Yun lang.

"May naintindihan kana ba?"Anong connect ko naman sa buhay niya? Pakialam ko ba kung kinidnap tong mokong nato.

"Anong connect namin sa buhay mo?"takang tanong ko, tumingin siya sa taas sabay tingin ulit sakin.

"Naaalala mo paba yung kinukwento ko sayo sa rooftop?"alin dun? Yung isang binatang magaling mag expirement ng bagay-bagay at mga tao?

"Oo, anong connect naman niya satin?"muli kung tanong.

"Hindi ko alam pero ang lakas ng loob kung may kinalaman siya sa nangyayare satin ngayon"napakagat ako ng labi ko sabay tayo at tumingin sa labas.

"sino naman kaya ang binatang yun, bat niya to ginagawa satin?"sabay lingon ulit sa kaniya.

"Yun ang hindi ko alam"sagot niya.

Base sa panaginip ko, dalawang taong mahalaga sakin ang nakita ko. May tinusok si dad sakin na pampatulog dahilan para magising ako dito.

Possible kayang may kinalaman sila sa nangyayare samin ngayon at possible kayang si dad ang tinutukoy ni bella na batang marunong mag expirement?

Nabaling ang attention ko sa kaniya ng bigla siyang tumayo."May naiintindihan kana ba?"

Tumango ako."Slight"

"Kung meron na pala, umalis kana dito para makapag ayos na ako"tssk! Hindi parin sapat ang sinabi niya sakin, kailangan ko parin malaman kung sino yung binatang yun. Siya lang ang tanging makakaalis samin sa lugar na to pero saan ko siya mahahanap kung hindi gayong hindi naman ako pwedeng lumabas?

Hindi naman ako kinidnap tulad ng sinabi ni bella, sila mismo ni mom and dad ang nagdala sakin dito at possibleng kay niel at sa mga kaibigan ko rin. Hindi ko alam pero ang lakas ng kutob kung may kinalaman silang dalawa kung bat kami nabulok sa pesteng lugar na to.

Pumasok na ako sa classroom namin kung saan pinag tsi-tsismisan nanaman nila ako. Tssk! Medyo na sanay na rin ako kasi halos araw-araw nilang ginagawa sakin yan. Wala na din akong pake sa mga sinasabi nila about sa buhay ko.

"Ngayon lang ginawa ni president luke yun"

"Oo nga e, nakakabigla... Dahil kaya sa kaniya yun?"

"Sa tagal na natin dito hindi pa natin nakikitang naging ganun si president kaya nga siguro ginawa yun dahil sa kaniya"

"Pwede na natin siya apihin dahil ang pagkakaalam ko wala na rin naman siya sa pwesto niya"

Mysterious University |complete|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon