CHAPTER #38 |Bereavement|

98 5 0
                                    

Daniel Point Of View

.

Ilang araw na kaming namumuhay ng wala si ate jade sa tabi namin. Yes, hindi pa siya bumabalik since nung huli naming pag uusap sa kubo. Alam kung masasaktan siya pero hindi naman tama na magsinungaling pa kami lalo sa kaniya dahil sabi nga ni natalia malapit na ang death night at dapat sulitin na namin ang mga araw dito dahil paniguradong hinding hindi na kami makakabalik pa sa lugar na to. Once na namatay ka dito, buhay ka sa totoo mong katawan at kapag patay na ang totoo mong katawan paniguradong sa empyerno o langet na ang punta mo. Kung ako kay ate jade susulitin ko na ang araw dito habang hindi pa araw ng gyera sa lugar na to. Nasa huli ang pagsisisi lalo na kapag hindi na niya naabutan si luke.

"Nandito ka lang pala"hinampas niya ako na parang wala ng bukas, solid! Sumakit bigla yung likoran ko dahil sa ginawa niya.

"Bakit ba?"iritang wika ko at sinamaan siya ng tingin, ano nanaman kayang kailangan ng bruhang babaeng to.

"Huy! Wag ka ngang feeler! Nandito lang ako para sabihin sayong pinapatawag ka ni talia"

Oo nga pala, ngayon namin bibisitahin si luke. Simula kasi ng gabing yun hindi na siya umalis sa kubo na yun dahil umaasa parin siyang babalikan siya ni ate jade, sana nga dahil naaawa na ako sa kaniya. Minsan ko na siya binisita sa lugar na yun, subrang naawa ako dahil tulala siya at mukhang wala na siya sa sarili niya.

"Huy panget tulala ka!"

"pake mo"pagtataray ko sabay tayo.

Wala akong oras makipag bangayan sa bruhang to. Months ang lumipas simula ng makilala ko to, maingay siya solid tska ang bigat pa ng kamay. Lilipad ka siguro pag hinampas ka niya sa subrang bigat.

"Taray? May period?"sige pa, mang asar kapa. "Menstration?"

Wala na siyang kailangan sakin pero bakit nakasunod parin tong hayop na to? Para asarin lang ako at mapikon, ganun?

"bakla kaba?"napahinto ako sa sinabi niya, huminga ako ng malalim bago siya tinignan ng may pekeng ngiti sa labi.

"Sumama ka sakin"hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya medyo nagulat pa siya ng hawakan ko yun dahil hindi ko naman to ginagawa, lord!

"San moko dadalhin?"ipapakita ko sayo ang dapat na hindi makita ng iba, tignan lang natin kung hindi kapa tumahimik.

Binitawan ko siya ng nasa tagong lugar na kami, which is sa locker. Walang taong dumadaan dito dahil madilim ang lugar at nakakatakot. Humarap ako sa kaniya ng seryoso ang itsura."Bat moko dinala dito?"takang tanong niya habang nakataas ang kilay.

Hinubad ko ang suot kung damit at ng makita ko ang itsura niya para siyang nastuck ng ilang buwan sa freeze, natatawa na ako sa itsura niya pero pinipigilan ko lang. Ngumiti ako ng nakakaloka sabay kagat sa labi ko ng tignan niya ako sa mata.

Ngayon mo sabihin sakin na bakla ako? Baka kapag napikon pa ako, maanakan na kita ng sampung libo.

"Tell me? Am I gay to you now?"sabay taas baba sa kilay at muli kung kinagat ang labi ko.

Ngayon niya palang ata narealized na nakahubad ako dahil bigla siyang sumigaw ng subrang lakas, mabibingi na ata ako. "Wahhhhhhhhh! Manyak! Help me! May manyak dito"shit? Ako manyak? Ew, hindi ako pumapatol sa isang katulad mo, no. Yuck, feeler!

Tinakpan pa niya ang dalawa niyang mata na akala mo naman hindi niya pinagpapantasyahan kanina pa.

Lumapit ako sa kaniya at tinakpan ang bibig niyang subrang lakas kung sumigaw."Tumahimik ka nga"iritang saway ko at isinandal ko siya sa locker dahil mawawalan ako ng kontrol pag hindi ko siya sinandal, masyado siyang malikot para hawakan ko at mag stay sa kinatatayuan namin.

Mysterious University |complete|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon