CHAPTER # 39 |First kiss|

93 4 0
                                    

DANIEL POINT OF VIEW

.

Paglabas palang namin sa kubong yun sumalubong samin si tian,ella at ken na pare-preaho ang expression ng mga mukha. Sinabi ko na rin naman sa kanila ang lahat dahil ayoko na muling magsinungaling sa kanila, alam na rin nila na bumalik si ate jade sa nakaraan. Nag aalala sila sympre lalo na si tian, mukhang type niya si ate jade pero hindi siya pasado sakin.

"Anong ginagawa niyo dito?"tanong ni zoey.

"Nandito kami para itanong sana kung kailan magaganap ang death night?"sagot naman ni ella, gusto ko rin itanong sa kanila yun pero ang tanging sinasagot lang nila ay malapit na, nalalapit nag mag hari ang kasamaan sa lugar na to.

"Malapit na"

"Bat ayaw niyong sabihin samin? May hindi paba kami alam sainyo?"medyo may inis sa tono ng boses ni ken kaya naman pinipigilan na siya ni tian.

"Alam mo ba, niel?"napalingon ako sa kanila ng diretso at nakatingin na rin pala sila sakin.

"H-hindi"sabay yuko, nag sasabi ako ng totoo. Hindi ko talaga alam kung kailan mangyayare yun.

"Pwes, sasabihin namin kung kailan"napatingin ako agad sa kanilang tatlo. Alam nila? Paano nila nalaman? Nakabalik rin ba sila sa nakaraan tulad ng nangyayare kay ate jade ngayon? pero paano?

"Naghahari na ang demonyo sa mysterious university ngayon kaya naman pinatawag lahat ng pinuno niyo ang mga estudyante para pag usapan lahat"nagkatinginan kaming lima at base sa itsura nila ganun din ang reaction ng sakin, puno ng pagtataka kung sino ang taong tinutukoy nila.

"Si master kaya ang tinutukoy nila?"takang tanong ni natalia samin, aba malay ko. Hindi ko pa nameet ang master na sinasabi nila.

"Sino yun?"tanong ko.

"Hindi namin siya kilala pero base sa mga naririnig namin sa mga estudyante, mataas daw ang rangko niya sa lugar na to"sagot ni ella sakin.

"Nasaan sila ngayon?"tanong ni vice lee.

"Nasa gymnasium pa siguro silang lahat"sagot naman ni tian.

Tumingin ako kay luke pero nanatiling nakatingin ang pareho niyang mata sa unahan."Simula sa araw na to hindi ko na hahayaang muling maghari ang kadiliman sa university na to! Kung kinakailangang pumatay tayo gawin na natin"seryosong wika niya sabay tingin sa amin.

"tara na"may tuwa akong nakikita sa mga mata nila ni natalia at zoey, hindi ko alam kung bakit.

Nagsimula na kaming maglakad pabalik sa university.

.

Pagdating namin sa gymnasium nandito lahat ng estudyante at mukhang sakto ang sinabi ni natalia kung sino ang tinutukoy nilang pinuno."Siya ba yung sinasabi niyo?"tanong ko sa kanila habang nakatingin lang sa taong nasa harapan namin ngayon.

Wala samin ang attention niya dahil mas nakafocus siya sa pagsasalita habang nakikinig naman ang mga estudyante sa kaniya, hindi niya rin kami napansin dahil nakatago kami sa gilid at isa pa malayo to para makita niya pa kami.

"Anong plano mo luke?"tanong ni vice lee na ikinalingon ko kay luke.

Siya ang mataas na posisyon sa lugar na to ng ilang taon kaya naman paniguradong alam na niya ang gagawin niya ngayon, napaka imposible kasi kung hindi niya alam.

"Ako ng bahalang kumausap sa kaniya para ibalik sakin ang pagiging presidente sa lugar na to"nalaman ko na rin yun dahil sinabi ng madaldal na si yana, hindi kami close sadyang FC lang talaga yung babaeng yun pero may napapala din naman ako sa kaniya kahit papano.

Mysterious University |complete|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon