Yana Point Of View
.
Ang cute niya. Sobrang cute niya kapag naaasar siya, napipikon lalo na kapag tumatawa. Hindi ko mapigilang hindi siya asarin dahil gusto kung kahit papaano ay magkaroon siya ng oras sakin.
Isa siya sa pinaka ideal type ko pagdating sa isang lalaki, pikon nga lang haha pero cute naman. Una ko siyang nakita nung pinasok siya ni luke sa mansyon at itinago dun, tinitigan ko siyang mabuti habang nakapikit ang pareho niyang mata, inshort ang himbing ng tulog niya.
"Anong ginagawa mo dito?"napalingon ako agad sa direksyon ni luke, lumapit siya agad sakin habang tinitignan kung may masama akong ginawa sa taong to.
"Sino siya?"curious na tanong ko, gusto ko siyang maging kaibigan and honestly, naging crush ko agad siya that time.
"Bakit?"binuhat na niya ito.
"Wala lang, ang cute niya kasi"i said while smilling.
"Daniel"sagot niya at tuloyan siyang umalis, nakatitig parin ako sa kaniya kahit hindi ko masyadong kita ang mukha niya.
Hindi pa ako lumalabas nun dahil tinatamad ako ngunit ng makita ko si niel gumagala na ako sa university para lang makita siya. Ayoko siyang lapitan dahil nahihiya ako? Oo, meron din naman akong hiya no. Nung una nga akala ko jowa niya si jade dahil sobrang close na close silang dalawa tas nakita ko pang hinalikan ni niel si jade sa pisngi, may selos agad akong naramdaman that time pero nalaman ko agad na kapatid niya lang pala si jade.
Wala akong balak mapalapit sa kaniya pero mukhang gustong gusto ng mga paa ko kaya naman nakipaglukohan na muna ako nung una, hanggang sa nag tuloy-tuloy. Dun ko nalaman na pikonin din pala siya tulad nilang lahat lalo ni luke at natalia.
Ang sarap niyang asarin at gusto kung hindi na matapos ang asaran na yun kahit mga masasakit na salita ang natatanggap ko sa taong lihim na gusto ko. Ayoko siyang layuan dahil mahal ko siya at gusto kung mas lalo pang mapalapit sa kaniya.
Lahat na ata ng pang aasar nagawa ko na sa kaniya para lang mapansin niya ako, nalaman na din nila zoey at natalia ganun din ni bry na may gusto ako sa kaniya. Medyo naiilang nga ako e dahil first time ko tong maranasan sa MU, pare-pareho ba namang tao ang makakasalamuha ko sa mansyon malamang magsasawa din ako pero kapag si niel siguro.....Hmmm! Hindi haha.
.
Papunta ako sa council para sana bisitahin si luke pero habang naglalakad ako nakita ko siya,kasama niya si natalia. Hindi ko sana sila papansinin pero nabigla ako sa kasunod na ginawa ni lia, she hug niel. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, pero ang nasa isipan ko lang ngayon ay nagseselos ako. Ayokong may ibang gumawa sa kaniya nun gusto ko ako lang pero......
"Okay ka la--"hindi ko pinansin si vice lee, tumakbo ako paalis para hindi ko na ulit yun makita pero bat ganun? Nakikita parin ng mga mata ko ang ginagawa nila?
Napagod na siguro ang mga paa ko kaya naman naglakad na ako, hindi ko namalayan na basa na pala ang mukha ko dahil sa luhang pumapatak sa pareho kung mata. Hala! Nagseselos lang ako ngunit bakit ako umiiyak? Bat ganito ako ngayon?
Kapag ba nagseselos, umiiyak talaga? Normal lang ba to para sa taong minahal at sobrang mahal kona?
Muli ko siyang nakitang naglalakad at mukhang wala ata siya sa mood ngayon base sa aura niya at sinisipa pa niya ang mga nakaharang sa harapan niya. Huminto ako sa harapan niya para sana tumigil na siya kakasipa, tama naman ako. Tumigil nga siya pero binigyan niya ako ng inis na itsura, haist! Ang bilis ng tibok ng puso ko ng makita ko ulit ang mukhang yan. Damn! Nababaliw na talaga ako sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Mysterious University |complete|
Mystery / ThrillerA school full of lies,scary, bloody, secret and mystery. Handa kana bang pasukin ang pinaka nakatagong university sa buong mundo? Halina't samahan ang kakaibang mundong pinasukan ng isang estudyante... . . MYSTERIOUS UNIVERSITY writter:pusakoH DATE...