Jade Point Of View
.
Hindi ako masyadong nakatulog dahil sobra kung inaalala ang mga sinabi niya sakin kagabi. Hindi ko parin alam kung mag titiwala ba ako sa isang katulad niya dahil kagabi ko palang nasilayan ang isang kagaya niya.
"Pupunta kapa ba sa GSC mamaya?"nilingon ko si daniel na abalang kumakain habang ako nag sisintas ng sapatos, wala akong ganang kumain ngayon siguro mamayang break time meron na.
"Hindi na muna sa ngayon"mahinang sagot ko, kailangan kung makausap si luke about sa sinabi sakin ng babaeng yun kagabi, gusto ko ng maliwanagan sa lahat.
"Okay! Matatapos na rin naman ako"
Hindi ko na siya pinansin sa halip hinila ko na ang bag ko paalis sa apartment at naglakad papunta sa classroom namin. Halos nandito na silang lahat ngunit wala pa ang guro namin, mukhang hindi ata papasok si bella ngayon kasi wala pa siya. Magkaklase kasi kami sa isang subject pero dahil minsan lang ako pumasok hindi ko siya nakikitang pumapasok din.
"Good morning class"nabaling ang attention ko sa adviser namin, mukhang may anouncement dahil hindi naman siya ang first subject namin.
"Good morning maam"bati ng ilang kaklase ko.
Huminga muna ito ng malalim bago ngumiti saming lahat."Magkakaroon kayo ng night event at kailangan niyong magpaganda dahil pipili si mr.principal kung sinong magiging QUEEN OF THE NIGHT, kailangan niyo ding mag handa sa singing and dancing contest na dapat ay meron kayong isa o limang representative"ang tahimik ng bawat sulok ng silid aralan namin pagkatapos banggitin lahat ng advicer namin yun, wala pang isang minuto ay sumabog ang isang napaka lakas na ingay mula sa section namin.
"Maam, kailan po gaganapin yun?"tanong ng kaklase namin.
"This coming friday kaya naman nagbigay ng permission ang principal natin na hindi na muna tayo magkaklase para makapaghanda kayo"ramdam ko ang sigla at saya ng mga kaklase at guro namin, maski ako excited na sa friday.
Nagsiuwian na lahat ng estudyante kailangan na daw nilang maghanda para sa event kaya naman wala na akong ibang nagawa kundi ang umalis na rin. Wala ng matinong nangyare sa araw na to dahil sa bawat sulok na madadaanan ko maririnig ng dalawa kung tenga ang QUEEN OF THE NIGHT. Teka lang! Bat hindi ko alam ang about sa event na gaganapin this coming friday? Diba dapat alam ko rin to dahil monitor ako sa school na to?
Nadatnan kung nag uusap sila sa GCS kasama na dun si vice lee na nakaupo sa mismong table ni christian. Dahan-dahan akong pumasok at buti nalang hindi nila ako napansin dahil nakatuon ang attention nila kay vice lee.
"Mamaya may meeting sa office ni luke at kailangan niyong mag attend including you, ms.jade tyler"tumingin sila sakin, tssk! Hindi talaga ako makakalusot sa lalaking to dahil ang talas ng pandinig at paningin.
"Mga anong oras?"tanong ko.
"Pagkatapos nating mag usap dito, sumunod na kayo sakin"pabalang niyang sagot kaya napangiwi nalang ako.
"Tara na. Dun nalang tayo mag usap"malamig na wika ni christian sabay tayo, mukhang wala ata siya sa mood ngayon.
.
Magkatabi kami ni daniel habang kaharapan ko naman si vice lee habang si tian naman katabi si vice lee at kaharapan si bella na mukhang kulang sa tulog kasi inaantok. Nandito rin si mr.quezon.
"Anong plano niyo sa friday? Any suggestion?"tanong ni luke habang nakatingin samin."You, ms.tyler total dati na rin naman kitang secretary. Anong gusto mong mangyare sa event?"
Tumayo ako para formal naman at may galang pa naman ako sa mga matataas na nasa harapan ko."Lahat sila excited kasi first time atang mangyayare sa loob ng university na to ang event na sinasabi mo mr.principal kaya naman sa ngayon palang kailangan nating maghanda na para sa friday, yung mga disco light, gown, make up's at lahat ng kailangan ng mga estudyante ay dapat nasa kanila na ngayon"pwede na kaya yung naisip ko?
BINABASA MO ANG
Mysterious University |complete|
Mystery / ThrillerA school full of lies,scary, bloody, secret and mystery. Handa kana bang pasukin ang pinaka nakatagong university sa buong mundo? Halina't samahan ang kakaibang mundong pinasukan ng isang estudyante... . . MYSTERIOUS UNIVERSITY writter:pusakoH DATE...