CHAPTER #2 |Nightmare?|

362 18 0
                                    

Jade Point Of View

.

Isang napakalamig na hangin ang dumapi sa pisngi ko. Nasa rooftop ako ngayon, tanaw ko lahat ng gusto kung makita dito. Nakakagaan din pala sa pakiramdam pag andito ka parang wala akong magiging problema sa skwelahan na to.

Napatingin ako sa malaking wall clock. 6:30pm na pala ang bilis ng oras. Kailan kaya ako makakabalik sa dati kung buhay? Kung saan lahat ng gusto ko nakukuha ko. Lahat ng pangangailangan ko pinupuna ng mga kaibigan ko dahil nga walang pakialam ang mga magulang ko.

"Anong ginagawa mo dito?"napatalon ang puso ko sa kaba ng may marinig akong malamig na boses. Tinignan ko agad kung sino yun, mas lalo akong kinilabutan ng ngumiti siya bigla sakin.

"W-wala. Bawal bang tumambay dito? A-alis na lang ako"tumayo na ako at hindi ko maiwasang hindi mabulol dahil sa kaba. Shit! Anong problema ng mga tao dito? Nakakatakot parang may mga sayad.

"Wag kang matakot"mahina itong natawa bago umupo sa bench chair sa gilid ng pader.

Sino bang di matatakot kung ganyang itsura ang makikita ko, diba? Isang sabog! Sabog na mukha at buhok. Haller!? Di uso suklay te?

Muli kung inilingon ang ulo ko sa kaniya, nandun parin siya nakaupo sa pwesto niya kanina. Isa lang ang pinapasok ko sa utak ko.

'WAG KANG MAGTIWALA KUNG KANI-KANINO!'

Kung hindi ako magtitiwala paniguradong wala akong magiging kaibigan dito. Tanging ang sarili ko lang ang magiging kakampi ko at mukhang yun ang pino-point sakin ni luke kanina.

"Pwede kang lumapit if you want"napansin niya atang nakatingin ako sa kaniya kaya binawi ko na agad ang ulo ko.

Unti-unti kung inihakbang papunta sa kaniya ang paa ko. Wala naman sigurong masama kung kausapin ko siya diba? Mas mabuti nga yun e, kasi may mag sasabi sakin kung anong meron sa paaralan na to.

Pagkaupo ko palang nagsalita na agad siya."Mali ka ng pinasukang paaralan"kumunot agad ang noo ko sa sinabi niya.

"What do you mean?"kinilabutan ako ulit ng pinakawalan niya ang kakaibang ngiti mula sa labi niya. Kailangan ko na talagang matakot, pakshit!

"Malalaman mo din ang lahat pero hindi pa sa ngayon"tinignan niya ako sa mata, nakipagtalo siya ng tingin.

Iniwas ko na lang ang tingin sa kaniya kasi kinikilabotan ako lalo."Hindi kita maintindihan"gulong wika ko.

Wala na akong narinig na salita pa mula sa kaniya kaya naisipan kung baka pinagti-tripan lang ako ng mokong to para matakot at umalis dito.

"Mauna na ako"pag papaalam ko.

Nakakadalawang hakbang palang ako ng mabilis niyang nahila ang braso ko. Naramdaman ko agad ang hininga niya sa tenga ko dahil sa sobrang lapit nito, mas lalo tuloy kumabog ang dibdib ko."Mamayang hating gabi may magpaparamdam sa bawat apartment, isang nakakabinging ingay maririnig mo. Wag mong hayaang may makapasok sa loob na kahit na sino kasi"nasulyapan ko ang kakaibang ngiti sa labi niya."Mamamatay ka rin"para akong nafreeze. Hindi ko maigalaw ang buong katawan ko.

T-totoo ba lahat ng sinabi niya? Tinatakot niya lang ba ako? Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Namamanhid ang tuhod ko, kahit na hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo.

Kailangan kung makabalik sa apartment bago mag hating gabi, hindi ako pwedeng magtagal dito.

Tumingin ako sa paligid, wala na yung babaeng nandito kanina. Subrang bilis niyang maglaho, napatingin ako sa relo ko. 7pm na! Ganun ba kabilis ang oras dito?

Mysterious University |complete|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon