CHAPTER #13 |GSC|

138 7 1
                                    

Jade Point Of View

.

Kung inaakala niyang matatakot na ako dahil sa ginawa niyang pagtusok sa tagiliran ko ng hindi ko alam. Nagkakamali ka natalia dahil kahit anong gawin mo, hindi na ako matatakot sayo, hindi na ako takot mamatay.

"Sino namang tao ang gagawa sayo nito?"ginamot na ang sugat sa tagiliran ko, hindi naman masyadong masakit dahil para lang itong tuldok ngunit malalim.

"Hindi ko alam"mahinang sagot ko kay christian sabay upo sa kamang hinihigaan ko kanina.

Haynaku! Pangalawang beses ko ng napuntahan ang clinic na to baka kapag naging tatlo to patay na ako. Tama nga kaya ang hinala ko na si natalia ang gumawa sakin nito? Hindi niya kayang makipaglaban ng patas at mukhang tinago pa talaga niya ang mukha niya para hindi siya makita ng ibang tao.

"Sigurado ka bang okay kana?"tumingin ako kay ella sabay ngiti ng napipilitan, gusto ko lang iparating sa kanila na sobrang okay ko na dahil nandito sila sa tabi ko, hindi nila ako iniwan.

Wala na dito si niel dahil may pasok pa siya, hindi ko alam kung may pasok din ba silang tatlo dahil nandito pa sila."Okay na rin naman ako, pwede na kayong umalis"ayokong maabsent pa sila ng dahil lang sakin.

"Sure kana ba talaga?"tumango ako ng may ngiti sa labi, bago sila umalis niyakap na muna nila ako.

Tinignan ko ang sugat sa tagiliran ko.

Ito siguro ang tanging alam lang ni natalia para matakot at lubayan ko na ng tuloyan si luke. Hindi ba niya naisip na sa ginagawa niyang to mukhang si luke pa lalo ang lalapit sakin para protektahan ako. Teka nga! Bakit niya naman yun gagawin sayo kung isang ordinary student lang ang tingin niya sa isang katulad ko.

Haller! Ginawa ka nga niyang secretary at tinulongan ka pa niyang hanapin ang kapatid mo at isa pa....... naguguluhan ako.

Inayos ko na lang ang sarili ko dahil pupunta ako ngayon sa office paniguradong tambak na ang gawain ko dun. Pagkapasok ko palang ramdam ko ang malamig na nasa loob nito, paano ba naman kasi. Ang mga taong nasa loob, ang lalamig ng titig at katawan para silang na freeze ng ilang buwan.

"Peste!"seryoso?

Ilang araw lang akong wala, i mean ilang oras lang akong wala at sobrang daming papeles at notebook ng nakatambak sa pwesto ko. Wala talaga silang awa ah! Tssk! Magtataka paba ako? Wala naman talaga sila nun.

"Okay kana ba?"hindi ko nilingon ang pwesto ni luke, ayokong makipagtalo sa kaniya ngayon. Inalis ko yung notebook na nakapatong sa upuan ko sabay upo. Haist! Ganito ba talaga kalala ang magiging sitwasyon ko kapag hindi ako pumasok sa office na to?

"Guys listen"lumingon ako kay vice lee at may hawak siyang isang kapirasong papel, hindi ko nililingon si luke pero ramdam ako ang mga titig niya sakin.

"Mr. President luke decide na kailangan natin maghanap ng mag mumuno ng GSC para hindi na tayo masyadong matambakan ng trabaho"bat ngayon lang nila na isipan to? Mga bobo!

Tumayo ako kaya sakin nabaling ang attention nila. Hihilain ko na sana ang pinto ngunit may pumigil sakin."Saan ka pupunta? Hindi pa tapos"tumingin ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ko, inalis niya naman ito agad.

"Maghahanap diba?"walang emosyong tanong ko kay vice lee, mukhang nalilito siya kung tatango ba siya o hindi."Edi sisimulan ko na ngayon"dugtong ko.

"Actually, may nasulat na kami"binigyan ko siya ng matulis na tingin bago bumalik sa pwesto ko, sira ulo ba to! Sabi niya maghahanap kami ng bagong mamumuno ng GSC tapos ngayon may list na pala sila, gago!

Mysterious University |complete|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon