CHAPTER #33 | "I will protect you my sweetheart" |

99 6 0
                                    

Jade Point Of View

.

Pagkatapos ng 2nd to the last subject na papasukan ko ay may napansin akong lalaking papunta sa office, hindi siya familier sakin pero kakaiba ang aura niya nakakatakot at nakakapangilabot.

"Siya si headmaster"napatalon ang puso ko ng biglang sumulpot sa likoran ko si bella, fvck! Bumilis tuloy ang tibok ng dibdib ko.

"May nagtatanong?"pagtataray ko naman sa kaniya sabay snob at nauna na akong naglakad pero sinusundan niya parin ako.

Anong trip ng babaeng to! Bat niya ako sinusundan."Wag mo nga akong sundan"iritang wika ko sa kaniya at inikot ko ang katawan ko, tinignan ko siya ng masama.

Wow ha! May gana kapa talagang bigyan ako ng ganyang ngiti."Remember, magkaklase tayo sa subject na to?"haist! Alam ko, hindi ako makakalimuting tao. Damn! Naiirita ako sa ngisi ng labi niya buiset!

Hindi ko na siya pinansin pa hanggang sa matapos na ang last subject namin. Nilagay ko lahat ng gamit ko sa bag sabay tayo ng matapos na ako. Hinarang bigla ni bella ang daan na pupuntahan ko."What are you doing?"taas kilay na tanong ko ng mapansing hindi siya gumagalaw sa kinatatayuan niya. Kanina pa ako nabubuiset sa babaeng to, wala pa naman ako sa mood makipag biruan ngayon.

"Sige na nga lulubayan na kita baka masapak mo pa ako"nag puot siya bigla tapos tumalikod sakin, haist! Pinapakonsinsya naman ata niya ako this time.

Anong nakain ng babaeng to bat ganito ka sabog ang utak? Haist! Nevermind.

Ilang oras akong nasa playground dahil gusto kung mapag isa. Naiisip ko nanaman lahat ng magagandang alaala naming dalawa dito. Yung yakap niya, yung kamay niya. Subrang namimiss ko na yun. Sobrang namimiss ko na ang taong minahal ko sa kakaibang mundo na to.

"I miss you luke"

Para na naman akong tangang nakangiti sa kawalan habang tinutulak ang sarili ko para gumalaw sa swing. Kung alam ko lang sanang mangyayare lahat ng yun, sana sinulit ko na ang mga araw na kasama ko pa siya ngunit hindi na, e. Nangyare na lahat ng kinakatakutan ko, iniwan na ako ng taong mahal ko.

"Nag iisa ka ata"muling tumalon ang puso ko ng may mag salita, tinignan ko naman yun agad ng masama dahil storbo lang siya sakin ngayon.

Sa mga ngiti niya ngayon nakikita ko si bella sa kaniya ,yung maamo at magandang mga mata ni bella pero may kakaiba akong nararamdaman sa lalaking to. Pakiramdam ko may masama siyang binabalak sakin na mukhang hindi ko magugustuhan.

"Anong pake mo!"pagtataray ko sabay tayo para magkapantay kaming dalawa, mas lalo siyang ngumisi sakin. Damn!

Isang beses ko palang siyang nakita nung sa queen of the night pero bat ganito ang pakiramdam ko sa kaniya? Ang bilis ng tibok ng puso ko, nanginginig ang buong katawan ko.

Parang kilala ko na siya dati pero di ko lang maalala.

"Wag kang ganyan! Pumapatay pa naman ako ng mga babaeng matataray"binigyan niya ulit ako ng malapad na ngiti na ikina atras ng mga paa ko. Anong kailangan niya sakin? Bat siya nandito?

"Anong kailangan mo sakin? Mr. Vice principal?"

"Wala naman ms.secretary"sabay ngisi at patuloy sa pag atras ang pareho kung paa, tumingin siya sa mga paa ko habang patuloy naman sa pag abante. Damn!

Nung makontento na siya sa pwesto niya huminto siya sabay ngisi sakin. Sa totoo lang wala na pala akong maatrasan dahil nakasandal na pala ako sa pader. Ganun parin ang nararamdaman ko sa pesteng lalaking to. Oo, medyo close kami ni bella pero sa kuya niya..... Ibang usapan na yun, mukha tong killer at nakakatakot kaibiganin.

Mysterious University |complete|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon