ISABELLA POINT OF VIEW
.
Ang ganda na sana ng araw ko kung di ko lang nakitang nakipaglandian sa ibang babae si tian, nakatitig lang ako sa kanila habang ramdam ko yung saya na dinulot nung babae sa kaniya. Napalukot nalang ako ng kamao ko dahil sa inis, buiset!
"Sige, babye"nag wave na siya at buti nalang naisipan pa niya na nandito pa pala ako hinihintay siyang bumalik sa pwesto namin. Nasa isang grocery kami namimili ng mga gamit para sa pasurprise ni niel kay yana.
Hindi ko na siya hinintay na makarating sa pwesto ko, nauna na akong maglakad papunta sa cashier."Sakto na ba yan?"tanong niya sabay hinto sa gilid ko, hindi ko siya pinansin.
Okay lang na matuyo ang laway ko kesa naman makipag usap sa isang katulad niya."Akin na, ako na magdadala"kukunin na niya sana yung dala ko kaso nilipat ko sa kabilang kamay. Ramdam ko na ngayon ang mga kakaiba niyang titig pero wala akong pakialam dun.
"Okay ka lang ba?"ano sa tingin mo? Tssk! Di paba obvious? Damn! Im jealous!
Hindi ko siya kayang lingonin kahit na kanina pa niya ako tinititigan, bahala ka sa buhay mo. Sana sila ken at ella nalang ang kasama ko kesa naman sa lalaking to. Natapos na ang lahat at papunta na kami ngayon sa parking lot ng hindi ko siya kinikibo kahit na kausapin pa niya ako parang wala akong naririnig.
Nasa tapat na kami ng kotse niya at hinintay kung buksan niya yun dahil nakasara."Whats wrong?"inalis ko agad ang kamay niyang nakahawak sakin.
"May nagawa ba akong mali para maging ganito tayo?"He asked again. Ano sa tingin mo tian! Magagalit nalang ako ng walang dahilan?
Hindi ako ganun kababaw na tao para magselos lang sa isang babaeng kakausap sayo. Grabe kasi yung nakita ko kanina kulang nalang ilabas niya ang dibdib niya at sipsipin mo sa sobrang lapit ng katawan niya sayo! Hindi ka man lang nandiri, ako nga gusto ko ng masuka sa nakita ko.
"Bella"medyo may lambing sa boses niya, hinawakan niya ang kamay ko pero inalis ko rin. Wala ako sa mood para sa mga lambing niya, naiinis parin ako.
"Buksan mo na yung kotse mo para makapunta na tayo sa bahay nila luke"pagtataray ko sabay talikod sa kaniya, badtrip!
Sinunod niya ako kaya agad ko yung binuksan sabay pasok sa loob. Nilagay ko yung pinamili namin sa likoran, sinuot ko na rin ang seatbelt para talaga hindi na niya ako abalahin pa. Pumasok na siya sa kabila at nagsimula ng magmaneho, hindi niya sinabayan ang pagkabadtrip ko sa halip nanahimik nalang siya at hindi na muling nagtanong sakin. Ilang oras kaming ganun, sa totoo lang hindi ako sanay dahil sa tuwing magkasama kami sweet kami sa isat isa at maingay pa pero iba ngayon. Hindi ko naman kasalanan yun! Problema niya yun!
Binuksan ko agad ang pintuan ng makarating na kami sa bahay nila luke, kinuha ko na yung gamit sa likoran sabay pasok sa loob. Hindi ko na siya hinintay pang makalabas sa kotse niya, may paa naman siguro siya at hindi ko na kailangan pang maghintay. Huminto ako sa main door sabay hinga ng malalim, ayokong makita nila akong hindi okay dahil paniguradong magtatanong ang mga yun kung anong nangyare samin.
"Oh! Nandito na pala si bella e"sinalubong ako ni zoey at bryan, sila na ang nagbuhat sa mga pinamili namin.
"Teka! Nasaan si tian, hindi kayo magkasama?"tumingin ako kay natalia sabay ngiti, magpanggap ka lang bella para hindi sila maapektuhan sa away niyo.
Tinuro ko yung labas sabay ngiti."Nandyan na siya, magkasama kami"sagot ko sabay upo sa tabi ni ken. Medyo nakapalibot kami ngayon sa mesa habang nakaandar ang tv. Bigla namang bumukas ang pintuan at iniluwal malamang si tian ngunit hindi ko siya tinignan, abala kunwari ako sa paglalagay ng mga pinamili namin sa mesa.
BINABASA MO ANG
Mysterious University |complete|
Misterio / SuspensoA school full of lies,scary, bloody, secret and mystery. Handa kana bang pasukin ang pinaka nakatagong university sa buong mundo? Halina't samahan ang kakaibang mundong pinasukan ng isang estudyante... . . MYSTERIOUS UNIVERSITY writter:pusakoH DATE...