CHAPTER #36 |Will you marry me?|

86 4 0
                                    

NATALIA POINT OF VIEW

.

Hindi na ako nag aksaya pa ng oras dahil kapag nalipasan pa to ng ilang araw paniguradong hindi na talaga mababalik si luke sa pwesto niya. Hindi pwede dahil mapapahamak kaming lahat sa naging pasya niyang pag alis. Si luke lang ang may kakayahang makipag usap kay master at wala ng iba pa. Minsan pa nga kay luke lang siya nakikinig at hindi ni isa sa amin kaya hindi talaga pwedeng mawala siya sa pagiging SGP niya.

Mukhang nakalimutan niya ring malapit na ang death night kung saan maghahari ang mga kasamaan at papatayin kami isa isa kapag hindi namin kayang lumaban. Kapag mahina ka sa gabing yun paniguradong hindi kana talaga muling mabubuhay pa, diretso empyerno na ang bagsak mo.

"Saan ka pupunta?"hindi ko nagawang lingonin si gab dahil nagmamadali akong maglakad, pupuntahan ko si master at pilit na mag makaawang wag alisan ng pwesto si luke.

"May problema ba?"si zoey naman ngayon ang nakasalubong ko, tulad ng kay gab hindi ko rin siya nagawang tapunan ng tingin ngunit nakasunod siya sakin.

"Hey lia!"hinawakan niya ang braso ko para tumigil ako kakalakad. Hinarap niya ako sa kaniya at punong puno siya ng pag aalala."Anong problema?"inalis ko ang kamay niya sa braso ko.

"Umalis na si luke sa pagiging SGP niya"nalaglag ang panga ni zoey ng sabihin ko yun sa kaniya, medyo nag iba na rin ang kulay ng mga mata niya.

"Paano nangyare yun at bakit siya aalis!?"sa tono ng pananalita niya halatang galit na siya ngayon."Nababaliw na ba talaga si luke? Seryoso ba talaga siya?"

"Yes, he is! Kaya nga pupuntahan ko si master ngayon para sana wag pumayag sa gusto ni luke"

"What? Yung demonyong yun pa talaga ang lalapitan mo?"bakit? Siya lang naman ang mataas ang posisyon dito kaya siya lang din ang magpapabalik sa pwesto ni luke.

"Tssk! Hindi mo pa ata alam ang ugali ni master"I know him pero wala na akong choice, ayoko talagang maalisan ng pwesto si luke dahil siya lang ang magliligtas sa amin kapag sumapit na ang death night.

"So? Anong gagawin natin? Tutunga nga nalang habang inaangkin na ng iba ang pwesto niya?"bullshit! I really hate it! Hindi ko alam na mangyayare pala ang araw na to, masyado akong napanatag, damn!

"Hmm.., may naisip na ako"muli ko siyang nilingon, sa mga mata at aura niya mukhang tatalab ang nasa isipan niya. Sana nga.

.

Jade Point Of View

Napatayo ako agad ng bumukas ang pintuan at mukha agad ni luke ang tumambad samin. He look so fresh, ang ganda ng mga ngiti sa labi niya na parang gusto kung titigan buong araw. I miss this men. I miss my sweetheart.

"Buti naman at naisipan mong pumunta pa"pabalang na wika ni ken, tumayo na rin sila.

"Sorry, may inasikaso lang ako"nakatingin lang siya sa mga mata ko habang sinasabi yun.

"Pwede na ba kaming umalis, medyo nakakaboring pala dito"maarteng wika naman ni ella habang sinusuklay pa niya ang buhok niya.

Naiilang na ako sa mga tingin at ngiti niyang kanina pa nakatitig sakin.Parang nalulusaw na ako pero hindi nakakasawang tignan ang mga ngiti niya.

"Yes"maikling sagot niya. Nalungkot ako bigla hindi ko alam kung anong dahilan, siguro babalik na ang normal na buhay namin sa labas kaya nalulungkot ako.

"Okay, tara na"hinawakan ni niel ang kamay ko at ganun si tian kaya napatingin ako sa kanilang dalawa.

"Seryoso? Ngayon talaga tayo aalis?"iiwan namin si luke dito? Hindi pwede. Magpapaiwan na rin ako.

Mysterious University |complete|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon