Jade Point Of View
.
Okay na rin naman ang katawan ko kaya pumasok na ako sa classroom, mukha agad ng mga kaklase kung tsismosa ang nakita ko. Bulungan at masamang tingin ang nakukuha ko habang papunta ako sa upuan ko sa likod.
"Siya diba yung babaeng binisita ni president luke?"
"Paano kapag nangyare ulit yung dati?"
"kawawa siya kapag nangyare yun"
"Ano naman kaya ang status nila bat pa siya binisita ni president"
Hindi ko na natiis ang mga naririnig ko sa mga tsismosang to! Lumapit ako sa pwesto nila kaya napatikom sila ng bibig.
"Kung hindi niyo ako nirerespeto! Pwess, yung pwesto ko ang respetuhin niyo dahil kahit anong sabihin niyo.... SECRETARY PARIN AKO NG PRESIDENT"tinignan ko sila ng matulis na tingin buti nalang hindi na nila ako kinalaban pa dahil kapag nangyare yun mag kakagera dito sa loob kahit hindi ko yun
"Your so confident"napalingon ang ulo ko sa pintuan kung saan nakatayo dun ang isang babaeng familier sakin, ang kapatid ni luke na si natalia.
Anong kailangan ng bruhang to?
Tumayo ako para harapin siya. Binigyan ko siya ng matulis na tingin pero ngiting halatang peke lang ang isinukli niya sakin. Kung makikipag plastikan siya sakin handa akong tanggapin ang hamon niya.
"Can we talk?"hindi ko alam anong klaseng pag uusap ang magaganap sa pagitan naming dalawa.
Halos lahat ng estudyante nakatingin na samin, tsismosa nga kasi.
Umupo siya agad sa upuan ni luke habang may ngiti sa labi. Walang katao tao ngayon, kaming dalawa lang."What do you want?"tanong ko agad.
"Lubayan mo si luke, thats it"diretsong sagot naman niya. Lubayan? Bakit, ako ba ang lumalapit?
"Mali ka ata ng nalanghap na balita"sabay smirk sa kaniya."Si luke ang pagsabihan mo hindi ako"dugtong ko.
Sinampal niya ng malakas ang table dahilan para umingay ang bawat sulok ng office. Hindi ako matatakot sa isang katulad mo dahil simula ngayon wala na akong dapat katakutan ni isang taong kagaya niyo.
"How dare you! Wala ka man lang bang karespeto sa katawan mo"maidiing wika nito habang dinuduro ang mukha ko.
"Kung respeto lang naman ang pag uusapan, meron ako nun ngunit sa inaasta mo ngayon nakakawalang ganang respetuhin ang kagaya mo"
"Kung hindi ka lang mas matanda at mas mataas sakin papatulan na kita at isa pa hindi ako ang lumalapit sa kapatid mo kaya hindi ako ang dapat na lumayo"hinila ko yung pintuan at lumabas na, naabutan ko sa labas na mukhang nakikinig ang dalawang mokong na to.
"Ha-hi"sinamaan ko agad ng tingin si vice lee at tumingin ang mata ko sa katabi niyang si luke. May binabalak ba sila sakin? Sorry nalang pero hindi na ako matatakot pa.
Wala na akong pakialam kung matataas sila sakin dahil mas gustuhin ko pang maparusahan kesa sa maapakan ang pagkatao ko. Sa inaasta niya kanina mukhang maling balita ang nalanghap niya, binaliktad ako sa kwento kung sino mang nagsasalaysay sa kaniya.
Pumunta ako sa milktea shop para magpalamig ng ulo. Dito lang naman ako pumupunta sa tuwing gusto kung palamigin ang ulo ko dahil sa mga buiset na nasa paligid namin.
"Jade, okay ka lang?"minulat ko ang mata ko at nakita ko silang tatlo, base sa mga mata at itsura nila namangha sila sa ginawa ko. Alam na kaya nila ang nangyare kanina? Malamang, dahil parang virus na kumakalat ang mga tsismosa sa paligid.
BINABASA MO ANG
Mysterious University |complete|
Gizem / GerilimA school full of lies,scary, bloody, secret and mystery. Handa kana bang pasukin ang pinaka nakatagong university sa buong mundo? Halina't samahan ang kakaibang mundong pinasukan ng isang estudyante... . . MYSTERIOUS UNIVERSITY writter:pusakoH DATE...