CHAPTER #43 |Mark my world|

71 4 0
                                    

JADE POINT OF VIEW

.

Ilang araw na akong hindi bumabalik sa MU,sa bahay nalang ako nag aaral at kumuha ng tuitor sila mom para sakin. Minsan naiisip ko ang mga kaibigan ko lalo na si niel pero wala akong magawa para pigilan ang desisyon nilang wag nalang bumalik sa MU lalo na si niel. Nakwento niya sakin na nawawala lahat ng galit at inis na nararamdaman niya kapag nasa loob na siya ng university, hindi ko siya masisisi dahil maski ako galit parin sa parents namin dahil sa nalaman ko sa kanila.

Sa halip na pagbawalan ko din siya sa gusto niya, sinuportahan ko nalang dahil alam kung duon siya mas lalong sasaya.

Pinaliwanag na rin naman nila sakin kung ano ang dahilan nila. Inintindi ko sila dahil para din pala yun sa pag aabroad ng 'daddy' daw namin. Hindi namin siya totoong ama kaya naman pala ganun nalang siya kalupit kung dumisiplina samin lalo na sakin. Tssk!daig pa ang totoo naming tatay. Binisita ko rin ang totoo talaga naming ama, nag kwentuhan ngunit hindi ko yun binabanggit kay niel kasi mukhang ayaw niya paring makita ang mukha ng tunay naming ama.

"ready?"lumingon ako ng makita ko siya sabay tango at nginitian siya ng mapait, ayokong gawin to pero sa ikabubuti din to ng lahat.

"anak, sabihin mo lang sakit kung pagod kana"

"hindi ako mapapagod mom basta sa ikabubuti ng lahat basta yung pangako niyo sakin tuparin niyo sana"

"Oo naman, Lets go para matapos na natin agad"muli ko silang nginitian.

Ayokong gawin to at labag to sa kalooban ko ngunit kailangan kung isukat ang katawan at dugo ko para malaman kung ako nga ba ang hinahanap nilang tao para bumalik ang isang taong patay na, gamit ang isang formula na sila lang ang nakakaalam i-inject daw yun nila sakin malalaman naman nila agad kung tumalab dahil ibang tao na ang nasa katawan ko. Tatawagin nila ang kaluluwa ng yumaong at yun ang ipapalit sa kaluluwa ko at yung kaluluwa ko naman ay mapupunta na sa taas.

Nung nakaraang araw ko lang nalaman na kaya pala ang dami niyang tinisting na katawan sa laboratory dahil gusto niyang malaman kung kanino mag fi-fit ang dugo at katawan ng yumaon na anak sana nila ni mom. Sobrang hirap to sakin dahil ako naman ngayon ang mamamatay at siya ang mabubuhay kung sakali mang ako na nga ang hinahanap nila.

"Im sorry jade"mom whispered.

Tumingin ako sa kaniya at binigyan siya ng ngiti."Araw ko na siguro ngayon para mawala sa mundong to, hindi ako magtatanim ng sama ng loob sa inyo dahil gusto niyo lang buhayin ang kapatid sana namin sa ina. I was also trying to help you thats why Im here, sacrifice my own life and self"napayakap agad si mom sakin habang umiiyak, ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Sa lahat ng pinagdaanan namin sa buhay hindi ko alam na dito na magwawakas ang buhay ko.

"Hindi namin gusto to jade, ikaw ang nag suggest nito"tumingin ako kay dad sabay tango at binigyan siya ng mapait na ngiti.

"sabihin niyo nalang sa kaniya na mahal ko din siya tulad ng pagmamahal ko kay niel"natatawang wika ko pero may luhang tumulo sa gilid ng mata ko habang nakatingin ako kay mom.

Niel, sana mapatawad mo ako sa gagawin at decisyon ko sa sarili koat sana mapatawad mo din ang stepdad natin sa gagawin niya sakin. Sobrang delikado nito pero sana maging successful ang gagawin nila, ayokong pareho kaming mapunta sa langet at wala ni isang kaluluwa ang matira sa katawan ko ngayon.

Pumasok na kami sa secret laboratory, nandun na ang mga kasamahan ni dad sa trabaho niya.

"Alam mo na ba ang posibleng mangyare sa buhay mo kapag ginawa mo to?"I look at her, punong puno siya ng pag aalala sakin at ayokong makita ang mukhang yan kapag nawala na ako.

Mysterious University |complete|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon