Jade Point Of View
.
Sa mga nakalipas na panahon wala namang magulo sa lugar na to. Tahimik lang at mukhang nagugustuhan nila ang ginagawa nila at masaya ako dun. Nasa daan ako ngayon papunta sa GSC para dalhan sila ng mga maiinom dahil mainit ang panahon ngayon kailangan ng maraming iniinom na tubig para hindi mastroke. May naiba sa kanila, umalis sa pwesto si mr.quezon at si bella ang pinalit niya. Hindi ko alam kung bakit basta yun lang ang kinukwento sakin ni niel.
"Saan ang punta mo?"nilingon ko si ella at agad naman niya akong inakbayan.
"Sa GSC sama ka?"yaya ko sabay ngiti. Tumango lang ito at agad kaming naglakad papunta dun.
"Nga pala, hindi kana ba secretary ni luke?"halata ba? Hindi ko na siya masyadong pinapansin para hindi na rin lumaki ang gulo. Masyadong makitid ang utak ng nakakatanda niyang kapatid baka kung ano nanamang gawin sakin."Sayang naman, ako nalang kaya"tsk! Hindi mo alam kung gaano kahirap maging isang secretary. Halos lahat pinapagawa sayo.
"Kung ako sayo mag apply kana lang bilang monitor para wala na talaga akong gagawin pang iba bukod sa pumasok sa classroom"advice ko na ikinangiwi niya sabay kagat sa labi niya. Minsan talaga napaka slow ng babaeng to sarap ikutin ng utak niya."Nevermind!"
Pumasok na kami sa loob kung saan tambak na papeles ang nakalagay sa bawat table nila. Ni hindi nga nila napansin ang pagpasok namin specially si tian ngunit mas madami naman ang kay bella dahil siya ang secretary.
"Huy!"medyo nagulat silang lahat ng sinigawan sila ni ella, kahit kailan talaga mapang asar tong babaeng to.
Nilapag ko sa table ang kanya-kaniya nilang tubig at juice na ininom naman nila agad. Haynaku! Ang init sa lugar na to, wala bang aircon man lang dito?
Lumapit ako kay niel at hinimas ang likoran niyang basang basa."Haynaku! Magkakasakit kayo nito e"inis na wika ko sabay kuha sa papel at nilagay ko sa likoran ni niel. Wala bang awa ang principal na to bat hindi man lang nilagyan ng electric fan or aircon ang GSC.
"Lagyan mo nga rin ako"pag iinarte ni tian habang kumikinang ang mata niya, tumingin ako kay ella at sininyasan siya.
Sinapok niya ang ulo ni tian kaya napatigil siya habang kinakamot ang ulo niya."Ang landi mo!"siya na ang naglagay ng papel sa likod ni tian.
Tinuon ko ang pansin kay niel na sobrang busy sa mga ginagawa niya. Nakakaawa naman tong kapatid ko, tulungan ko kaya para naman may magawa kami dito ni ella. Bahala na si bella mukhang hindi naman niya kailangan ng tulong.
Umupo ako sa kaharapang upuan niya at ganun din ang ginawa ni ella, tinulungan namin silang mag sulat sa mga notebook at papel. Nakakailang sulat palang ako ng maramdaman ang pangangalay ng kamay ko.
"Kaya ko na ate jade"napansin niya atang sumasakit ang kamay ko, hindi naman kasi ako sanay mag sulat no. Iba yung ginagawa ngayon sa dati, mukhang mas nakakapagod ata to.
"No! Hindi pa ako pagod"nagsimula ulit akong magsulat, para matapos na to at makauwi na kami ng maaga sa apartment.
Ilang oras ang nakalipas at natapos din kaming lahat except kay bella na marami paring nakatambak sa table niya. Lumapit ako para sana tulungan siya pero sinamaan niya lang ako ng tingin"Hindi ko kailangan ng tulong"napahinto ako sa sinabi niya sabay balik sa upuan ko kanina.
"Weird"mahinang wika ni niel bago tumayo.
"Mauna na kami, ikaw nalang ang mag sara ng pinto"wika ni tian sabay hila sa bag niya at lumabas na kami.
Wala kaming nadatnan na araw dahil gabi na. Sobrang tagal pala talaga naming ginawa yun para gabihin kami. Pagkapasok namin sa apartment humiga agad ang kapatid ko halatang pagod at inaantok na. Lumapit ako sa kaniya at hinamas ang likoran niya.
"Kawawa naman ang baby ko, pagod"pang aasar ko, nilipat niya sa kaliwa ang ulo niya, mukhang ayaw niya ng storbo.
"Tirhan mo nalang ako ng pagkain ate jade, matutulog na ako"pagpapaalala niya kaya tumango lang ako sabay tayo para kumain na.
Umupo ako sofa habang tinitignan ang kabuohan ng bawat sulok ng kwartong to. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa ganung posisyon.
Napadilat ako ng mata ko at nakita ko silang dalawa ni mommy at daddy.Hindi ko alam kung magiging masaya ba akong makita sila o hindi.May napansin akong kakaiba sa katawan ko, kaya naman napatingin ako dun may mga nakaturok sa buong katawan ko, nakahiga ako sa isang kama at nakita kung ganun din ang kalagayan nilang apat. Sobrang hina ng buong katawan ko na kahit anong pilit kung tumayo ay hindi ko magawa.
"Anong ibig sabihin nito?"hinawakan niya lang ang palad ko sabay ngiti.
"Have fun jade"may luhang pumatak sa gilid ng mata ko ng masilayan kung muli silang dalawa pero kitang kita sa mga mata nila na parang sobrang saya nilang nakikita kaming nasa ganitong sitwasyon.
Para kaming nasa isang hospital kung saan may oxygen na nakalagay sa bibig namin para makahinga. Anong ibig sabihin nito? Parang totoong totoo siya, gusto kung kurutin ang sarili ko ngunit hindi ko magawa dahil nanghihina ako.
"Anong ginagawa niyo?"muling pumatak ang luha sa parehong mata ko, may tinurok sila sa braso ko at unti-unti kung pinipikit ang dalawa kung mata. Gusto kung lumaban sa antok na yun ngunit hindi ko na napigilan ang sarili ko at tuluyan na akong nakatulog.
Dinilat ko ang parehong mata ko. Nasa apartment na ako, nakahiga ako sa sofa at gising na si daniel. Anong nangyare? Parang totoo yung panaginip ko. Posible kayang tama ang sinabi sakin ni bella? Kailangan kung magising ulit para makaalis sa lugar na to! Ngunit paano?
"Ate jade"nilingon ko si daniel, nakakunot ang pareho niyang kilay. Tumayo ako para magpantay kaming dalawa, hindi maalis sa isipan ko ang panaginip na yun pero panaginip nga lang ba talaga yun?
"Ate jade!"
"Ha?"
"Lutang ka nanaman"
Kailangan kung makausap si bella tungkol dito, kailangan kung magising ulit para makaalis na kami sa lugar na to."Isara mo ang pintuan, may kailangan lang akong puntahan"wika ko kay niel at umalis na ng apartment.
Sana alam ni bella kung paano magising sa bangungot na to. Kung talagang panaginip lang lahat ng to.
Pumunta ako sa apartment niya pero mukhang tulog pa siya dahil hindi nakabukas ang ilaw niya. Mag hihintay nalang ako dito, malapit na rin naman sumikat ang araw. Kailangan ko ng tulong ni bella ngayon.
Nakakapagtaka lang... Paano to naging isang napaginip kung totoo lahat ng to? Totoo na nakatayo ako ngayon sa harapan ng apartment na to? Ang weird! Bat ganun ang ikinikilos nila ni mom and dad, anong klaseng panaginip yun? Naguguluhan ako.
Ilang oras din akong nakatayo sa pintuan ng apartment niya. Ang lamig kaya hindi ko mapigilang hindi yakapin ang sarili ko.
Ang tagal naman niyang magising! Nakakabadtrip! Kung wala lang sana akong kailangan sa kaniya hindi ako pupunta ng ganito kaaga. Bumukas bigla ang pintuan kaya lumapit ako sa may pinto.
"Damn!"mura nito ng biglang sumulpot ako sa harapan niya."Ginu-goodtime mo ba ako jade, HA!"inis niyang wika.
Yumuko ako."Im sorry"nilingon ko siya ulit."kailangan kung malaman ang lahat ng nalalaman mo, please bella kailangan kita"gusto kung mag makaawa sa harapan niya kung kinakailangan. Gusto ko na talagang makaalis sa lugar na to.
"Anong kailangan mo?"hinawakan ko ang dalawang kamay niya habang may namumuong luha sa gilid ng mata ko.
"Gusto ko ng umalis sa lugar na to"damn! I really want to go out.
"Pasok ka muna"
Tumingin na muna ako sa kaniya. Wala na akong ibang maisip na paraan kundi ito lang talaga, kailangan kung magtiwala sa kaniya dahil siya lang ang tanging alam kung makakatulong sakin.
Fvck! Kung natutulog lang ako, please sana may gumising sakin.
BINABASA MO ANG
Mysterious University |complete|
Mystery / ThrillerA school full of lies,scary, bloody, secret and mystery. Handa kana bang pasukin ang pinaka nakatagong university sa buong mundo? Halina't samahan ang kakaibang mundong pinasukan ng isang estudyante... . . MYSTERIOUS UNIVERSITY writter:pusakoH DATE...