EPILOGUE ONE

153 5 0
                                    

|TRAITOR|

.

SOMEONE POINT OF VIEW

.

Simula ng pagkikita namin ulit ibang jade na ang nakikita ko sa kaniya, hindi na siya yung jade na madaling utuin dahil mukhang mas matalino na siya samin ngayon at mukhang hindi nga niya kami kayang traydorin dahil yung totoong master na namin ang nagsabi na kakampi nga talaga namin siya.

"Ihanda na lahat ng kailangan, yung mga baril dapat ang mauna sa meeting place bago ang mga mukhang onggoy!"wika ni jade sabay tingin sakin, nahihiwagaan parin talaga ako sa kaniya hindi ko alam kung bakit.

"Pwede ba tayo mag usap?"seryosong tanong ko sa kaniya, nginitian niya lang ako sabay tango at pumunta kami sa opisina ni master ian.

Umupo siya dun habang ako pinagmamasdan ko siya."Bukod sa maghihiganti ka sa kanila, ano pang iba mong plano?"sabay upo sa kaharapan niyang upuan.

"Hmm. gusto ko lang makaganti sa kanila at gusto kung iparamdam yung galit na nabuo sa puso ko"ramdam ko yung maitim na aura na bumabalot sa buong katawan niya.

Ako naman ngayon ang napangiti dahil sa sinabi niya."Akala ko ba mahal mo si luke bat mo to ginagawa?"natatawang tanong ko, natigilan siya sabay lapit sakin ng kunti at may ngisi akong nakita sa labi niya.

"Ikaw? Akala ko ba matalik ka niyang kaibigan bat ka traidor?"sabay smirk."Lahat tayo may dahilan kaya natin to ginagawa, tama ba ako?"muli niya akong tinignan sabay ngiti.

Napayuko ako sa sinabi niya, naaalala ko nanaman ang nangyare sa pamilya ko. Kinuwento sakin lahat ng uncle ko ang nangyare, maaabotan ko pa sana sila kung di lang sila pinatay ng gagong pamilya ni luke kaya naman ipaghihiganti ko sila at si luke mismo ang papatayin ko.

"Tell me, anong nagawa ni luke sayo para gawin mo to sa kaniya?"tumingin ako sa kaniya at kinuyom ko ang palad ko, pinipigilan ko ang sarili kung hindi siya masigawan dahil isa mas mataas ang posisyon na niya saken.

"Pinatay ng pamilya niya ang pamilya ko kaya naman wala na akong mauuwian na pamilya, si luke lahat ng may pakana nito at sisiguraduhin kung mag babayad siya"hindi nawala ang galit sa tono ng boses ko, nangangati na ang kamay ko gusto ko na siyang barilin at patayin.

Naramdaman ko bigla ang maliit niyang palad sa balikat ko."I know your pain, sabi ko nga kanina lahat tayo may dahilan kaya natin to ginagawa"pabulong niyang sabi pero dahil sa tenga ko nakatapat ang bibig niya rinig na rinig ko.

Sobrang ibang iba kana talaga jade, magugulat silang lahat kapag nakita ka nilang ganito lalo na si luke."Ikaw? Bat ka kumampi sa kanila, anong dahilan mo?"muling mas ngisi sa kaniyang labi akong nakita, umupo na siya sa upuan niya kanina sabay tingin sa may bintana.

"Actually kay luke lang talaga ako gaganti dahil siya ang dahilan kung bat namatay ang stepsister sana namin sa ama"si hanna ba ang tinutukoy niya? Magkapatid nga talaga sila.

"Si hanna ba ang tinutukoy mo?"

Ngumiti siya sabay tango."Namatay siya dahil kay luke kaya naman sisingilin ko siya sa lahat ng ginawa niya sa kapatid ko"muli akong napangiti sa sinabi niya."at isa pa, hindi sana nawala ang mga mahal ko sa buhay kung hindi lang pinatay ni luke si hanna"

"Ibang iba kana talaga jade, hindi na ikaw ang uto-uto na kilala namin"tumawa siya sa sinabi ko.

"Matagal na akong nag bago kaya wag mo akong ikompara sa luma"

Maghanda kana luke dahil hindi mo inaasahan ang makikita mong papatay sayo kapag nagkaharap na tayo, sisiguraduhin kung wala ka ng hininga kinabukasan.

Mysterious University |complete|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon