ZOEY POINT OF VIEW
.
Sabay kaming napaupo pagdating namin sa GSC. I saw the pain in luke eyes, nagpatulong siya sakin at wala na rin naman akong magawa dahil ito rin naman ang gusto namin. Ang mapalayo silang dalawa.
"Whats your next plan?"hinilot niya ang kaniyang ulo, mukhang sumasakit nanaman ata.
"Ipagpapatuloy ko lang to"walang ganang sagot niya sakin.
Naalala ko bigla na ngayon pupunta sa office ang headmaster ng school na to, hindi si natalia kundi yung pinakamataas na pinuno sa university, si master. May isang napaka mahalagang sasabihin daw siya kaya sa Principal office nalang daw kami magkita kita.
"Alam mo na ba na pupunta si master?"tanong ko sa kaniya, tumingin siya sakin ngunit binawi naman niya agad. Inikot niya ang upuan niya patalikod sakin.
"Sabi nila ngayon na daw"sagot niya naman.
Ramdam kung wala ang utak ni luke ngayon dahil siguro sa nakita niya kanina na magkasama sila ni jade at tian, mukhang may something pa dahil sobrang higpit ng kapit ni tian sa balikat ni jade. Hindi ko naman masisisi kung ganun sila, mas gugustuhin ko pang sila ang magkatuloyan kesa sila ni luke.
"Tungkol nga pala sa kan---"hindi ko na natuloy ng bigla siyang tumayo at tinignan ako ng masama.
"Lets go baka magalit pa si headmaster kapag nalate tayo"malamig niyang wika na ikinatayo ko naman ng maayos. Haist! Ako naman yata ang naging lutang ngayon.
Nauna na siyang maglakad sakin habang nasa likoran naman niya ako. Tinitignan ko bawat kilos niya, damn! Ang lamig ng aura niya para siyang hari ng yelo ngayon. Sa tuwing may babati sa kaniya, aba'y walang respond.
Hindi kana dapat magtaka pa zoey dahil matagal na siyang ganyan, siguro nasanay lang ako nung sila pa ni jade. Yung tipong lagi siyang nakangiti 24/7 para na niyang binibinta ang ngipin niya, ganun!
"Buti naman at dumating na kayo"ramdam ko ang panginginig at pangamba ni natalia, halata masyado sa boses niya. Nandito na kaya si master?
Dire-diretso lang si luke sa kabilang table, lumapit naman si lia sakin at nung kinapitan na niya ang braso ko. Aba! Ang lamig para siyang bangkay. "Sorry, kanina pa talaga ako kinakabahan dahil galit na galit na si master"fvck! Bigla ding bumilis ang tibok ng puso ko.
Honestly, takot kami sa kaniya dahil may kakayahan siya na hindi namin kaya. Si luke lang ata ang may lakas ng loob na hindi kayang matakot sa kaniya kaya naman I salute to my bestfriend.
Umupo ako agad sa tabi ni natalia, nandito si vice lee,bryan,benjie at yana. Kompleto kami ngayon, lagi pala kaming kompleto kapag may meeting dahil patay kami kapag may isang wala dito.
Nabalik ang utak ko sa realidad ng sampalin ni master ang malaking table na gumawa ng subrang lakas ng ingay dito sa office. Tumayo siya habang tinitignan kami, yumuko naman ako agad dahil hindi ko kayang sabayan ang tingin niya sakin masyadong mabagsik haist! Nakakabulag.
"Mr. President luke smith"boses palang niya halatang galit na, ano kayang nabalitaan ng damolag na to para maging ganito siya ngayon sa meeting namin.
"Yes sir?"tinignan ko si luke na nakatingin lang ng diretso kay master.
"Hindi mo ba talaga kayang dumating ng tamang oras?"nanginginig na ako dahil maski ako late sa usapan.
"Sorry master"mahinang wika ni luke sabay yuko.
"Sa susunod na malate pa ang isa sa inyo may gagawin akong kaparusahan na hindi niyo magugustuhan"nakahinga ako ng maluwang ng umupo na siya ulit, haist! Sisimulan na niya ang meeting at hindi sermon.
BINABASA MO ANG
Mysterious University |complete|
Mystery / ThrillerA school full of lies,scary, bloody, secret and mystery. Handa kana bang pasukin ang pinaka nakatagong university sa buong mundo? Halina't samahan ang kakaibang mundong pinasukan ng isang estudyante... . . MYSTERIOUS UNIVERSITY writter:pusakoH DATE...