Daniel Point Of View
.
Mabilis ang takbo ng oras kaya naman uwian na, hindi ko agad napuntahan si yana sa clinic kaya naman paniguradong galit na sakin yun ngayon.Ayoko lang naman kasing makita niyang galit ang itsura ko pag nagkatagpo na kaming dalawa. Pinilit ko nalang ang sarili kung hindi pansinin ang taong pinipilit na lapitan ako, sa tuwing lalapit siya umaalis ako agad kaya hindi niya magawang makapagsalita.
"Okay kana ba?"ang sama na ng tingin niya sakin na parang kakainin niya ako, anomang oras.
"Bat kapa bumalik!"pagtataray niya sabay upo at isinuot niya ang sapatos.
Nagcrossarm ako habang nakatingin ng diretso sa mga pinaggagawa niya."Pasalamat ka at binalikan pa kita"huminto siya sa ginagawa niya sabay tingin sakin.
"Magpapasalamat pa talaga ako dahil dumating kapa?? Mas gugustuhin ko ngang hindi kana lang dumating kesa naman sa dumating kapa"wag mo akong sisisihin kapag inasar kita dahil una sa lahat ikaw ang nauna hindi ako.
"Ang sabihin mo, namimiss mo lang ako kaya mo gustong makita ang gwapo kung muk----"Hindi ko nagawang tapusin ang sasabihin ko ng dumapo ang kamao niya sa mukha ko, tang ina napangiwi ako sa ginawa niya at ang kaninang nakaupo sa monoblock na upuan, napadpad ang pwet ko sa sahig.
"Fuck you niel!"tuloyan na siyang umalis ng clinic.
Tang ina ang sakit ng mukha pati pwet ko, ayos ng pagkalanding ng pwet ko sa sahig para silang nagka inlababan. Buiset talaga yung babaeng yun, sana pala hindi ko nalang siya binalikan at niligtas kanina kung ganito rin naman pala ang isusukli ng gagong yun. Ang sakit.
"Okay lang ba kayo?"napatingin ako sa nurse na nasa harapan ko ngayon, tumayo ako habang nakahawak parin sa pisngi ko.
"Oo naman"sagot ko agad sabay talikod na sa kaniya at naglakad paalis.
May oras karin sakin yana, matitikman mo rin tong kamao ko. Hindi sa lahat ng oras, mukha ko ang sinusuntok mo. May panahon ka rin sakin kaya mag handa handa ka ng amazona ka, hindi kita titigilan hanggat hindi dumudugo yang mga ilong mo at puro ka pasa sa katawan.
Pumunta na muna ako sa office ni luke para magpahangin lang dahil masyadong mainit sa labas, malapit rin naman ang bahay namin sa office nila kaya tatambay na muna ako dun. Pagkapasok ko palang tinanggal ko na agad ang jacket ko, yes! Double ang suot naming mga lalaki at ganun din siguro sa babae. Jacket na kulay blue tas tshirt na kulay white sa loob at brown na pantalon.
"Luke"tawag ko.
Nakita ko siyang nakaupo habang abalang nakatingin sa laptop niya, ang dami ding nakapatong sa table niya. Sos! Kaya na niyan, siya pa! Sa MU palang gawain na niya yan kaya hindi na ako mag aalala pa sa kaniyang tulongan siya.
Umupo ako sa sofa at kinuha ko yung mansanas na nakapatong sa mesa."Feel at home?"natigilan ako sabay tingin at ngiti sa kaniya. Hiniga ko ang katawan ko sa sofa habang yung isang kamay nakatukod sa ulo ko at kinakagat ko na yung mansanas.
"FYI! Kasal kayo ni ate kaya naman brother in law muna ako ngayon"nakangiting wika ko, hindi na niya ako pinansin sa halip ay muli niyang itinuon ang attention niya sa laptop niya.
First time kung makarating dito buti nalang di ako naligaw ganyan kasi ang mga matatalino, hindi basta basta naliligaw. Tumayo ako at pinagmasdan ang paligid, natigilan ako kakaikot ng may isang picture frame na nakadikit sa taas malapit sa inuupuan niya ngayon. Lumapit ako dun at ngayon ko lang napagtantong si ate pala ang nakadikit dun.
BINABASA MO ANG
Mysterious University |complete|
Mystery / ThrillerA school full of lies,scary, bloody, secret and mystery. Handa kana bang pasukin ang pinaka nakatagong university sa buong mundo? Halina't samahan ang kakaibang mundong pinasukan ng isang estudyante... . . MYSTERIOUS UNIVERSITY writter:pusakoH DATE...