Jade Point Of View
.
Umuwi na ako agad pagkatapos ng lahat ng subject namin. Pagod na binagsak ko ang katawan sa kama, ang sarap sa feeling habang nakahiga ka ngayon. Haist! Nakakagaan sa loob.
"Jade?"napaupo ako agad ng marinig ang boses ni ella, mukhang may kailangan siya saken.
Pinagbuksan ko siya ng pinto, nagulat ako dahil silang tatlo nandito. Kita ko sa mga mata nila ang pagod at antok. Anong nangyare?
"Pasok kayo"wika ko.
"Pwede bang dito na muna kami maki-tulog?"tanong ni tian na ikinataas ng kilay ko. Bakit? Anong problema sa apartment nila?
"May hindi ba ako alam?"takang tanong ko, nagkatinginan silang tatlo na animo'y gulat ng itanong ko yun sa kanila.
"Wala ka bang narinig kagabi? Sobrang ingay kaya hindi kami nakatulog tska may kumakatok sa pintuan"so ibig sabihin kapag baguhan lang pala don sila magpaparamdam. Tumayo ako at isinara ng mabuti ang pinto at mga bintana bago bumalik sa pwesto ko kanina. Seryoso ko silang tinignan sa mata, nahalata ko agad ang takot at pangamba nila pero hindi kami maliligtas ng pangamba na to sa halip kailangan naming tatagan ang loob namin.
"Ganyan din ang una kung naranasan sa lugar na to pero hindi tayo pwedeng magpa-apekto kailangan nating tatagan ang loob natin"nakita kung mas lalo silang nagtaka kung anong ibig kung sabihin.
"A-ano pa bang meron sa lugar na to?"tanong ni ken, sumandal ako sa pader habang nakatingin sa kawalan.
"Hindi ko pa alam pero sa tingin ko manganganib ang buhay natin kapag nagtagal pa tayo dito"tumingin ulit ako sa kanila, biglang tumayo si tian at hinawakan ang doorknob. Pinigilan ko siya agad dahil nga malapit ng sumapit ang hating gabi, hindi na dapat pa kami lumalabas ng ganitong oras.
"Bukas na tayo lumabas, manatili nalang muna kayo dito hanggat hindi pa natin sigurado na ligtas sa labas"unti-unti na niyang binibitawan ang doorknob, medyo nagulat ako sa ginawa niyang pagyakap sakin.
"Mag iingat ka"hindi ko alam kung bat napangiti nalang ako dahil sa binitawang kataga ni tian.
"oum"
.
Ang bilis ng pagtakbo ng oras hindi ko alam kung paano ako nakatulog sa mga balikat ni tian. Ang himbing parin ng tulog niya at ganun din ang dalawa. Napapangiti nalang ako dahil sa nakikita ko ngayon, hindi ko hahayaan na may masamang mangyare sa kanila.
Ako ang dahilan kung bakit sila nandito kaya responsibilidad ko silang tatlo.
"Anong meron?"halos itakwil ko na ang mga taong nakaharang sa unahan ko dahil sa gusto kung makita kung anong nangyayare, bat sila nagkukumpulan.
Fvck!Nagulat ako ng makita ko na ang nakikita nila. Nanginig ako bigla ng makita ang isang batang babae na wala ng buhay. Anong ginawa nila? Bat nakapasok ang isang bata dito?
"Batang ligaw"rinig kung sabi ng katabi ko, napahawak nalang ako sa bibig ko dahil sa awa at sa takot.
Hindi nga talaga kami kailangan na magtagal pa dito. Isang napaka mapanganib na lugar ang pinasukan namin. Kailangan kung mag isip para makalabas sa lugar na to.
"Gusto niyo ng umalis?"inikot niya ang upuan at nakita ko muli ang mga mata niyang napaka seryoso, kailan paba siya naging friendly at palangiting tao? Tssk!
Okaysige! Nung unang pasok ko dito nakita ko siyang ngumiti pero simula nun wala na, malamig na siya kasing lamig ng bangkay at yelo.
"Wala kaba talagang nararamdaman sa paligid mo? Napaka manhid mo naman luke!"pasigaw na wika ko dahil naiinis na ako sa mga nangyayare. Ang pangit pala ng paaralan na to at kung sino mang gumawa nito ay napaka demonyo.
Tumayo na siya pero umupo din sa table niya."Makakalabas lang kayo sa lugar na to kung mahahanap niyo ang pinto palabas"nakita kung napangiti siya ng kunti na mas lalong ikinainis ko. Fvckshit! I hate this person. Demonyo.
"Demonyo ka talaga! Sana kunin kana ni satanas, hayop!"hindi ko na napigilan ang emosyon ko, nalabas ko na mismo sa mukha niya.
"Call me whatever you want"lumapit ito sa akin."I.Dont.Care!"mariin niyang sambit saka umupo ulit sa upuan niya kanina.
"Wala ka talagang puso! Sana man lang naisip mo kung anong nararamdaman ng mga taong nandito!"mahinahong wika ko bago umalis ng office niya. Sinara ko ng pabagsak ang pinto yung tipong masisira na yung office.
Kailangan kung malaman kung saan ang palabas sa lugar na to pero paano? Ang lawak ng lugar na to at nakalimutan ko na kung saan kami unang pumasok.
Napabuntong hininga nalang ako bago kinain ang pagkaing nasa harapan ko ngayon. Wala sana akong gana pero hinila nila akong tatlo kaya no choice ako kundi sundin sila.
"Anong plano mo niyan?"napatingin ako kay ella, hindi ko rin alam kung anong gagawin ko.
"Mas mabuting manatili nalang muna tayo dito as temporary dahil wala din tayong mapapala kapag naghanap tayo ngayon"may point si ken pero hanggang kailan kami dito? Hanggang kailan kami mananatili sa impyernong lugar na to?
Bumukas bigla yung speaker na nakakabit sa gilid ng bubong ng canteen, napatingin kaming lahat dun ng may biglang nagsalita."Dear students kailangan ng ating SGP ng secretary na makakatulong sa kaniya. If your interested hanapin niyo nalang si vice president gabriel lee, thankyou"namatay na ito ng kusa.
Bigla nalang may isang kampana sa ulo ko, wala sa sariling napangiti ako sabay tingin sa kanila. Tama ang naiisip ko. Kailangang isa samin ang makapasa sa pagiging secretary para mahanap ang labasan kung saan itinago nila.
Tumingin ako sa kanila ng may ngiti sa labi pero nakatago sa mga ngiting yun ang pag aalala ko."Kailangang isa satin ang makapasa para malaman kung saan ang labasan ng lugar nato"mahinang wika ko dahil maraming estudyante ang nasa loob.
Sumang ayon naman silang tatlo at agad na hinanap namin si vice lee. Hindi kami nahirapang hanapin siya dahil mukhang kami rin ang hinahanap niya."Hindi kayo pwedeng maging isa sa mga secretary ni president luke dahil baguhan palang kayo sa lugar na to"tumalikod na ito samin.Yung ngiti ko nawala bigla, napalitan ng pagkainis nanaman.
Napaka unfair naman nun, gusto lang namin malaman kung saan nila tinatago ang daan palabas at kapag nahanap na namin mag re-resign na kami at hinding hindi na kami babalik sa lugar na to.
Pinauna ko na silang tatlo habang ako sumunod kay vice lee."Napaka unfair naman nun!"wika ko na ikinalingon niya pero nagpatuloy parin siya sa paglalakad.
"That's not unfair"ang bilis niyang mag lakad na para bang may hinahabol siyang tao sa opisina.
Mas lalo ko ding binilisan ang paglalakad ko. Huminto siya at halatang hingal na hingal, kung hindi kaba naman tanga at inayos mo nalang ang paglalakad edi sana pareho tayong hindi hinihingal ngayon.
"Hindi paba malinaw sayo ang sinabi ko ms.tyler? Bawal kayong maging isa sa mga secretary ng isang SGP dahil baguhan palang kayo"e, ano naman ngayon?
Kaya din namin ang ginagawa ng matagal na dito sa university. Pare-pareho kaming tao at nag aaral dito kaya sobrang unfair talaga kung hindi kami pwede.
"Wait!"narinig ko nanaman ang malamig niyang boses, ngayon ko palang napagtanto na nasa tapat na pala kami ng principal office.
Tumingin kami pareho sa kaniya. May napansin akong kakaiba sa leeg niya at ngayon ko lang ito napagtuonan ng pansin. May nakalagay din palang tattoo sa leeg niya katulad ng kay gab pero hindi ko makita ng maayos kung anong nakaukit dun.
"Ms.tyler"natauhan ako ng muli kung marinig ang boses niya, sobrang lutang ko na talaga para hindi makinig sa pinag uusapan nila.
"Our SGP allowed you to be his personal secretary"ulit ni gab sakin.
Umalis na si luke sa harapan naming dalawa at pumasok sa loob ng office. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula sa kaniya.
'Isa lang ang layunin ko sa pagiging secretary at yun ang malaman kung saan ang labasan ng Mysterious University'
BINABASA MO ANG
Mysterious University |complete|
Mystery / ThrillerA school full of lies,scary, bloody, secret and mystery. Handa kana bang pasukin ang pinaka nakatagong university sa buong mundo? Halina't samahan ang kakaibang mundong pinasukan ng isang estudyante... . . MYSTERIOUS UNIVERSITY writter:pusakoH DATE...