CHAPTER # 44 |goodbye promises|

95 3 0
                                    

JADE POINT OF VIEW

Yung mga tingin niya, yung titig niya, yung kakaibang ngiti ng mga labi niya. Alam na kaya niya na hindi ako magtatagal sa lugar na to? Kung alam na niya! Paano? At sino ang nagsabi sa kaniya? Napaka imposible naman kung si dad diba? Paano siya makakarating dito kung hindi ko man lang maaninag ni anino niya, kaya imposibleng magkakampi sila.

Inalis ko sa utak ko ang mga tanong dahil kapag hindi pa namin sinimulan ang kasal namin paniguradong hindi na matutuloy to kahit kailan. Tumingin ako kay natalia sabay alis sa kamay niya na nakahawak sakin dahilan para mapatingin siya.

"Anong ginagawa mo?"nagsalubong na ang dalawa niyang kilay, wala akong oras para sagutin yun.

Nilagpasan ko silang lahat kahit na hinihila nila ako pabalik hindi ako nagpasindak, hinawakan ko ang kamay ni luke dahilan para mapatingin siya sakin at ramdam ko ang pagtataka niya."Wala akong oras para makipag thankyou dahil winelcome mo ko! Kung maari wag mo na muna kaming guluhin"ngumiti siya ng nakakaloka sabay alis sa kamay niya nakapatong pala sa balikat ni luke.

Hinarap niya ako ngunit wala man lang akong naramdaman ni kunting kaba sa ginagawa niya ngayon, dati kasi kinakabahan ako kapag mga matataas na naposisyon ang nasa haraapan ko ngunit hindi ngayon."Okay sige"at muli siyang bumitaw ng nakakalokang ngiti.

Ramdam ko parin ang mga titig at pagkahiwaga nila sakin dahil sa ginawa kung yun. Ni minsan kasi hindi ko nagawang sagutin ng ganun si benj sa harapan nila pero ngayon parang ang lakas na ng loob ko. Tumalikod na ako para makita silang lahat pero biglang sumigaw si benjie bago siya tuloyang umalis."Sa pagpatak ng bilog na buwan may magkasintahang mawawalay sa isat isa dahil ang isa sa kanila ay magsasakripisyo para sa kapakanan ng lahat"napalunok ako sa sinabi niya.

Natamaan ako ngunit hindi ko pinahalata, yumuko ako at hindi ko namalayan na sobrang higit na pala ng hawak ko sa kamay ni luke."Wag mo siyang intindihin, sira ulo lang talaga yun"

Pasensya kana luke kung iiwan nanaman kita at hindi na ako babalik pa. Kailangan ko yun gawin para wala ng taong mahirapan pa sa lugar na to, pasensya na kayo kung nagiging selfish nanaman ako.

Gagawin ko din to para sa ikatatahimik ng lahat. Basta luke hinding hindi kita makakalimutan kahit na mawala ako sa mundong to. Ikaw at ikaw parin ang taong minahal at minsan na ring pinagkatiwalaan ko. Isang lalaking sobrang lamig sa umpisa pero nag uumapaw ang taglay na kabaitan sa puso niya kapag nakilala mo na.

"I want to be with you for the rest of my life, my sweetheart"damn it! Mas masakit pa pala to kesa sa breakup!

"Me too"hinalikan niya ako sa noo na ikinapikit ng dalawa kung mata.

Huminga ako ng malalim at kailangan kung ipakita sa kanila na masaya akong bumalik sa lugar na to. Masaya akong nakasama ko sila ulit, alisin mo muna jade sa utak mo ang lahat ng kailangang alisin para sumaya ka kahit saglit lang. Tumingin ako sa kanila sabay ngiti kay natalia."Okay na ba ang lahat?"ngumiti ako ng mapait na parang walang nangyare, pumikit pa siya ng ilang beses na parang...................ewan hahaha.

Tumingin siya kay luke bago ibinalik ang tingin niya sakin."O-oo naman"tumawa pa siya ng pilit sabay hampas sa kaharapan niyang si niel kaya sinamaan siya nito ng tingin haha ang cute talaga ng kapatid ko, kanina pa wala sa mood haha.


[NOW PLAYING: Rainbow by south border]

Nabalik ang tingin ko kay luke ng pisilin niya ang palad ko, kanina pa pala niya ako tinititigan hindi ko lang napansin dahil masyadong nakatuon ang attention ko kay natalia."Pwede ba tayo mag usap? Yung-----"tumingin siya sa paligid namin, mukhang naiilang na siya pero hindi pwedeng mag uusap kami ng dalawa lang kami. Pagkatapos nalang ng ceremony."tayong dalawa lang sana"dugtong niya.

Mysterious University |complete|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon