Jade Point Of View
.
Sobrang amo ng mukha niya habang tulog. Magkatapat lang kami ng lamesa pero kitang kita ko parin ang maamo niyang mukha, sobrang ganda niyang pagmasdan. Napapangiti nalang ako dahil sa naiisip ko. Bat parang nawala ang mala demonyong meron sa itsura niya kapag tulog siya?
Haist! Mag focus ka nga sa ginagawa mo jade para kang tanga!
Tumingin na ako ulit sa hawak kung mga papeles sabay lapag sa sahig. Kailangan kung ihiwalay ang dalawang notebook na magkadikit at gawin yung isa ,sobrang dami pa nito para magawa ko to lahat. Muli kung tinignan si luke, bat ganito? Ang gwapo niya.
Hoy! Jade, ang landi mo! Tumigil ka nga!!
Focus!!
Focus!!
Umiling iling nalang ako habang ginugulo ang buhok. Nababaliw nanaman ako. Hindi ko dapat hangaan ang katulad niyang demonyo. Tandaan mo jade kung bakit ka nandito at kung bakit kailangan mong gawin lahat ng to!
Alisin mo na kung ano man yang nasa isipan mo. Oo, gwapo nga siya malakas ang appeal pero hindi siya ang pinunta mo dito, okay?!
Naisip ko bigla ang nasa leeg niya kaya napahinto ako sa ginagawa ko. Tumayo at lumapit ako sa kaniya. Napalunok ako ng makita ng malapitan ang maamo at gwapo niyang mukha.
Tinignan ko ng mabuti ang leeg niya, kakaiba ito. May nakaukit nga din duon ngunit hindi siya kagaya ng kay vice lee, makikita mo talaga na sobrang tagal ng nakaukit sa leeg niya ito at ang nakakapagtaka pa ay pula ito lahat, hindi siya isang dragon kundi sawa ang nakaukit doon.
"Fvck! Bat ganito? Wowowo------shit!"gumagalaw. Gumagalaw yung larawan na tattoo sa leeg niya. Anong nangyare?
"What are you doing?"naamoy ko ang mabango niyang hininga kahit na kanina pa siya tulog, ngayon ko lang namalayan na sobrang lapit ko na pala sa kaniya.
Umiwas agad ako ng tingin sabay lakad papunta sa table ko. Ramdam ko parin ang mga titig niya sakin pero hindi ko na lang yun pinansin sa halip ay nag bisi-busihan lang ako. Fvck! Nakakahiya ang ginawa mo jade, sira ulo ka talaga.
"Nandito si queen"yumuko si vice lee bago siya umalis sa harapan ni luke.
Tumingin lang si luke sakin at nag sign siyang umalis na muna ako, sinunod ko naman siya agad pero pagkapasok ng isang babae ay nag stay lang ako sa labas, nakabukas ito ng kunti kaya maririnig mo ang pinag uusapan nila.
"Good job brother, you made it"halata sa boses niya ang sayang naidulot ng kapatid niya.
"What are you doing here?"hindi ko akalain na kahit pala sa mismong kadugo niya ay malamig siyang makikipagtungo.
"Nandito ako para i-congrats ka. Ang dami mong napapasok sa paaralang to"rinig kung mahina itong pumalakpak, sumilip ako ng kunti at ramdam kung hindi nagugustuhan ni luke ang sinasabi ng kapatid niya.
"Wala akong panahon para makipag usap sayo at isa pa alam naman natin kung sino talaga ang nagpapasok sa kanila dito kaya dapat hindi ka saken magpasalamat."kinuha niya ang papel na nasa table niya sabay basa, nakita ko kung paano nainis ang kapatid niya dahil sa inasta ni luke.
"Listen luke! Kung patuloy mo silang susundin posibleng makabalik pa tayo sa buhay natin noon kaya kung ako sayo wag muna sila ulit pang kalabanin dahil baka mas lalo tayong hindi makaalis sa lugar na to "napalunok ako dahil sa sinabi ng ate niya, tinitigan ko ng mabuti ang mukha ng nakakatanda niyang kapatid.
Mukha lang silang kambal dahil hindi halatang matanda pa ito kay luke. Sobrang fresh ng mukha niya na parang hindi siya tumatanda.
"Alam ko yun at kung maaari wag mong ulit-uliting sabihin sakin na parang wala ako sa sarili kung katinuan"inis niyang wika sabay lingon ulit sa kapatid niya.
BINABASA MO ANG
Mysterious University |complete|
Mystery / ThrillerA school full of lies,scary, bloody, secret and mystery. Handa kana bang pasukin ang pinaka nakatagong university sa buong mundo? Halina't samahan ang kakaibang mundong pinasukan ng isang estudyante... . . MYSTERIOUS UNIVERSITY writter:pusakoH DATE...