Jade Point Of View
.
Matapos mangyare samin yun kahapon minabuti ko ng hindi na muna sila pumasok sa classroom nila para na rin makapagpahinga sila. Ako na mismo ang nagpaalam kay luke na wag na muna silang papasok sa ngayon.
Sigh.
Sobrang daming gawain naman sa office na to nakakainis, ang boring pa! Haist! Kinuha ko yung isa pang nakapatong na papel sabay lapag sasahig, pag natapos naman ako dito lahat ng ginawa ko simula kahapon ay ilalagay ko din sa stuck room, fvck! Sana pinadala nalang niya lahat sakin to sa stuck room kesa sa isa-isahin ko pa talaga.
"Nandito na po sila mr.president"rinig kung wika ni mr.quezon at kasunod nun nagulat nalang ako ng sobrang daming taong nandirito halata sa mukha nila ang pagkamangha sa skwelahan na to at hindi maiiwasan ang excitement. I feel sorry for them lalo na kapag mamayang hating gabi.
Tumingin sakin si luke na para bang gusto niyang ako ang kumausap sa mga bagong dating na estudyante, fvck! Bat ako? Dapat siya diba kasi siya ang principal dito.
"Follow us"tumayo na ito pero hindi naalis ang tingin niya sakin, tumayo na rin ako at sumunod sa kanila.
Pagdating namin sa gymnasium ay nangalahati agad ang paligid sa dami ng bagong dating na estudyante. May isang tao akong namukhaan at nung magtama na ang mata namin bigla siyang ngumiti sakin na ikinagulat ko. Peste! Anong ginagawa niya rito?
"Dahil marami kayo ngayon mas mabuting sa iisang apartment dalawang tao, pwede ba sa inyo yun?"yun lang ang narinig ko mula sa kaniya kasi mas nakatuon ang atensyon ko sa isang tao. Fvck! Ayokong maniwalang siya to pero ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Ms.tyler!"
"Ha?"tumingin ako agad sa kaniya at ang sama na pala ng tingin niya sakin. Inisnab niya ako at tumingin na sa harap, parang timang talaga tong lalaking to. Hindi ko pa siya nakitang ngumiti ng totoo dahil ang mga ngiting pinapakita niya sakin ay pawang hindi katotohanan. Tsssk!
"Samahan mo silang lahat sa apartment nila at ibigay mo na rin ang susi"walang emosyong wika nito at tuluyan ng umalis. Sinunod ko ang sinabi niya at pumunta na kami sa apartment building.
May nakalimutang sabihin si luke kanina. Yung number one rules dahil napaka importante nun sa kanilang lahat.
"Teka!"napahinto kami sa kalagitnaan ng paglalakad namin, seryoso ko silang tinignan."The one and only rules here is not to trust anyone"dugtong ko.
Mukhang wala naman silang pakialam dun kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad. Kaligtasan nila ang inuuna ko kaya ko sila sinasabihan pero mukhang easy lang sa kanila yun.
'Be careful who you trust because even salt looks like sugar '
Yan lagi ang tumatatak sa utak ko at hinding hindi ko makakalimutan ang mga salitang yan. Simple lang siya pero makabuluhan. Malalaman mo lang ang halaga niya kapag may nangyareng hindi maganda sayo.
Isang tao nalang ang naiwan dito. Tinignan ko siya ng masama sabay crossarm at sumandal sa isang pader."So tell me! What are you doing here?"nanlilisik na ang mata ko sa galit sa kaniya pero nakuha pa talaga niyang ngitian ako.
Lumapit siya bigla sakin at naglambing, hinawakan niya ang braso ko habang pinapahid niya naman ang ulo niya sa balikat ko. Haynaku! Hindi mo ako madadala dyan dahil hindi mo alam kung ano tong pinasok mo.
"Mag usap tayo sa apartment ko!"hindi ako marupok kaya hindi ko mapapatawad tong lalaking to. Nakasunod lang siya sakin, buiset talaga may panibago nanaman akong kailangang isipin at mas uunhin ko pa ang isang to kesa sa mga kaibigan ko.
"Tell me, why are you here?"sinamaan ko agad siya ng tingin sabay upo at nag crossarm.
Ngumiti ito sakin at naglambing ulit."Sinundan kita"diretsong sagot naman niya, inalis ko siya sa katawan ko at mas lalong tinignan ng masama.
"What the fvck daniel! Yun ang rason mo kaya ka sumama sa kanila?"pasigaw na tanong ko, hindi ko na napigilan ang emosyon ko dahil sa napaka tigas niyang ulo.
Kailan ba niya ako sinunod!? Ni isang beses nga hindi siya nakikinig sakin, gusto niya siya ang masunod at hindi ako."Im sorry, okay!"hindi ko na ulit siya tinignan pa kasi kapag ginawa ko yun, magiging marupok ako.
Yang mga mata niya kasi ang kahinaan ko. Ayokong nakikita siyang nagmamakaawa sakin. Bago ko buksan ang pintuan huminto na muna ako."Sana kahit ngayon lang pakingan mo naman ako bilang nakakatandang kapatid mo, mahal kita daniel kaya kita pinagbabawalan"hinila ko na ang doorknob sabay labas at isinara ko ang pinto.
Pumunta ako sa office dahil hindi pa ako tapos sa ginagawa ko kanina. Pagkapasok ko hindi ko napansin na may tao palang nasa loob basta nalang ako umupo sa upuan at ibinaling ang aking atensyon sa mga papel na nasa harapan ko."Ms.tyler"hindi ko siya binigyan ng tingin kahit na narinig ko ang boses niya.
"Alis na muna kami"rinig kung pagpapaalam ni vice lee at kasama niya si mr.quezon, hindi ko parin tinitignan si luke.
"Busy?"
Hindi ko parin siya pinansin. Buiset! Ano bang kailangan ng lalaking to?
"Jade tyler!"ramdam ko ang inis sa boses niya kaya huminto ako sa ginagawa ko at mariin na ipinikit ang dalawa kung mata.
"What?"walang emosyong tanong ko.
"Lunch time ngayon ayaw mo bang kumain mun---"
"Ayoko!"nagpatuloy ako sa ginagawa ko, concern ba siya sakin? tssk!
Nakita ko nalang ang kamay niyang nasa unahan ng mga papel na ginagawa ko. Kinuha niya bigla ang lapis na nasa kamay ko, tinignan ko siya ng masama."ano bang problema mo ha? Ayokong ngang kumain di--"
"Fvck! Can you just shut up! Your to noisy"tsk! Papansin ang potek kahit na hindi ko na nga pinapansin, inalis ko ang kamay niya sa papel at kinuha ang lapis na inagaw niya. Nagsimula ulit akong mag sulat
"Lubayan mo nga ako!"
"Damn! What is your problem?"wala kanang pake dun kung may problema man ako o wala.
"Umalis kana!"mahinang sigaw ko at binigyan ko ulit siya ng masamang tingin bago nagpatuloy sa ginagawa ko.
Mas lalo akong pinapahirapan ng tadhana ngayon dahil nasa loob din na ito ang kapatid ko. Napahinga ako ng malalim sabay sandal sa upuan at mariin na ipinikit ang daking dalawang mata."Im so fvcking tired!"hindi ko namalayan na bumuhos na pala ang luha sa aking dalawang mata.
Hindi ko alam na makakaramdam din pala ako ng pagod sa mga oras na to. Akala ko malakas ako pero hindi pala. Nandito ngayon ang kahinaan ko at ayokong may masamang mangyare sa kaniya.
May kamay akong naramdaman na pumahid sa mga luhang nasa pisngi ko na ngayon."This is your food, wag mo munang ididilat ang mga mata mo. Dumilat kana lang kapag wala ng luhang pumatak sa mata mo"i cant imagine na sa kaniya mangagaling ang mga salitang yun. Nang wala na akong maramdaman na kamay sa pisngi ko ay dumilat na ako, nakita kung paupo palang si luke sa upuan niya.
Tinitigan ko siyang mabuti, hindi ko lubos akalain na may tinatago din pala siyang pagmamalasakit sa ibang tao. Nagkamali ako, hinusghan ko siya agad.
"Ehem!"tumingin ako agad sa pagkain na dala niya ng pumasok ang dalawang taong matataas din. Hindi ko na sila pinansin sa halip ay kinain nalang ang ibinigay niyang pagkain sakin. Paano kaya niya nalaman na mahilig ako sa adobo at milktea?
That president is so weird! The fvck! Hindi ako sanay!
BINABASA MO ANG
Mysterious University |complete|
Bí ẩn / Giật gânA school full of lies,scary, bloody, secret and mystery. Handa kana bang pasukin ang pinaka nakatagong university sa buong mundo? Halina't samahan ang kakaibang mundong pinasukan ng isang estudyante... . . MYSTERIOUS UNIVERSITY writter:pusakoH DATE...