CHAPTER #35 |I quit|

85 7 0
                                    

Jade Point Of View

.

Kahapon pa hindi bumalik si luke kaya naman hindi ko maiwasang hindi kabahan at mag alala sa kaniya, kaming anim nalang ang natira dito dahil tulad nga ng sabi ni natalia samin kagabi hindi pwedeng pati sila mag stay dito dahil marami pa silang dapat asikasuhin medyo nawala din yung kaba ko that time pero bumalik naman agad ngayon.

"Hanggang kailan ba tayo magtatago dito?"iritang wika ko sa kanila habang palakad lakad sa sahig, damn! Ang boring sa lugar na to at ang sakit pa sa likod ng higaan namin, hindi ako nakatulog ng maayos kagabi sa totoo lang.

"Kapag okay na ang lahat"sagot naman ni bella kaya tinignan ko siya ng masama, hindi ko na kaya ang boring ng lugar na to. Gusto ko ng umalis.

"Pwede ba jade! Umupo kana lang muna, ako yung nahihilo sayo e"iritang wika ni ella kaya naman napabuntong hininga nalang ako bago inilapag ang pwet ko sa sahig.

"At isa pa ate, mas mabuting sundin nalang natin sila para hindi tayo mapahamak"

"Oo nga naman jade"hindi ko sila binigyan ng tingin, nakakainis! Gusto ko ng malaman kung okay ba ang lahat sa labas pero hindi ko magawa dahil ang daming matang nakamasid sakin.

"Anong plano natin ngayon?"tinignan ko silang lahat, hindi naman kasi talaga pwedeng dito nalang kami magtago habang buhay dahil jusko! Ayoko sa lugar na to!

"Plano?"nilingon ko si ken."Hintayin natin ang pagbabalik nila tska tayo magtanong kung pwede na bang umalis"halata sa boses niya na ayaw niya rin sa lugar nato pero wala kaming magawa.

Maliit na kubo tapos mukhang iisang kubo lang siya dito sa mga malalaking kakahuyan kaya naman medyo nakakatakot pag gabi. Tumayo ako muli at sumilip sa maliit na butas, hindi rin namin pwedeng buksan ang mga bintana at pinto dahil baka may makakita samin. Nalilito ako! Bat nila kami papatayin, anong kailangan nila samin? Kagabi ko pa yan iniisip pero hanggang ngayon walang pumapasok sa utak ko kung bakit!?

"Hindi ko siya kapatid"

"Huh? Sino?"

"Si benjie"napalingon ako agad dahil sa sinabi niya. What? Seriously? Paano nangyare yun? Ang sabi niya magkapatid daw silang dalawa pero hindi na ngayon? Anyare?

"Nagbibiro kaba?"natatawang wika ni tian.

"Natatakot kabang pati ikaw madamay?"seryosong tanong naman ni niel.

"Bat ka matatakot! Dahil kasabwat ka ng kuya mo kaya mo siya dine-dennay ngayon?"ang daming tanong ng binabagsak sa kaniya pero nanatili siyang walang kibo.

"Ano bang kailangan mo samin? Bat nila kami gustong patayin?"singit na tanong ni ken.

Nagkatinginan kaming lima ng walang man lang siyang sinasagot ni isa sa mga tanong nila sa kaniya. May hindi ba kami alam sa babaeng to? Dapat nga ba kaming magtiwala sa kaniya? Dapat nga ba akong magtiwala sa kaniya?

"Natamimi ka dahil totoo lahat ng hinala namin? Kakampi mo ang kuya mo kaya ka nag di-dennay ngayon na hindi mo siya kapatid"natatawang wika ni ella habang nakatitig kay bella, damn! Bat ayaw niyang mag salita? Natatakot ba siya na pati kami ay lalayuan ang isang katulad niya?

"Wag kang matakot bella"buti nalang nagawa ko ring ibuka ang bibig ko.

"Totoo!"ramdam ko ang pagpatak ng luha sa gilid ng mata niya.

"Tssk! Tama kami jade diba? Napaka plastik naman pala ng isang to, e"sigaw ni ken sabay tayo at lalapitan na sana si bella kaso inawat namin siya agad.

"Tumigil ka nga!"saway ko at tinignan ko siya ng masama.

"Bat kapa sumama dito? Para alamin lahat ng kinikilos namin at isumbong mo kami sa kuya mo!"

Mysterious University |complete|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon