Jade Point Of View
.
Umupo ako sa kama habang hinihimas ang ulo ko dahil masakit. Tulog parin hanggang ngayon si daniel dahil maaga pa naman. Hindi pa sumisikat ang araw. Kinuha ko ang gamot na nakapatong sa lalagyan ng baso sabay inom. Feeling ko lalagnatin ako ngayon araw na to pero sana hindi.
Pagkatapos ko yung inumin humiga ako ulit habang nakatitig sa kisame. Isang panaginip? Sana nga panaginip lang lahat ng to. Ayoko ng matagalan ang pag gising ko dahil gusto ko ng makawala sa pesteng lugar na to. Kailangan ko nga bang magtiwala sa isang taong hindi ko pa lubos na kilala?
Tama nga kaya si bella sa mga isinalaysay niya sakin?
"Ate jade, inaapoy ka ng lagnat"pinipilit kung idilat ang mata ko ngunit hindi ko magawa. Sobrang lamig naman ng panahon ngayon, ramdam kung ilang kumot ng nakapatong sa katawan ko ngunit bakit parang ang lamig parin?
"Dalhin natin siya sa clinic"rinig kung wika ni tian at naramdaman kung lumutang ako sa ere dahil binuhat na pala nila ako.
Idinilat ko ng kunti ang mata ko, sobrang lanta ng katawan ko ngayon. Hindi ko maigalaw ng maayos, nanghihina ako at sobrang sakit ng ulo ko. May kinalaman kaya to sa nangyare kahapon? Yung pag punta namin sa bahay nila luke? May naramdaman akong kakaiba sa katawan ko, maya-maya bigla nalang akong nawalan ng malay.
Madilim nanaman sa paligid. Wala akong maaninag kahit na ano. Bumilis ang tibok ng puso ko at nanginig ang tuhod ko ng may maaninag na akong kakaiba. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero walang katapusang paglalakad ang nilakbay ng mga paa ko. Nabuhayan ako bigla ng may makita akong isang tao, taong sobrang familier sakin. Siya lage ang nasa panaginip ko sa tuwing nasa dilim ako, siya ang nagbibigay liwanag sakin. Napangiti ako ng sinalubong niya ako ng matamis niyang ngiti sa labi. Hinawakan niya agad ang kanang kamay ko para alalayan ako sa paglalakad.
Ngayon. Hindi ko na ramdam na nag iisa pa ako dahil nandito na siya. Ewan ko ba pero may tiwala ako sa kaniya bawat sandali na magkasama kami. Napahinto ako sa kalagitnaan ng paglalakad namin, yumuko ako dahil ramdam na ramdam ko ang pangangatog ng dalawa kung tuhod. Hindi ko na ito magawang ilakad pa.
"Trust me"nilingon ko siya at nakatingin lang siya sakin. "Magiging okay ang lahat kapag nagtiwala ka sakin"
Fvck! Nakaramdam ako ng pananakit sa buong katawan ko kaya napamulat ako ng dalawang mata. Nakita ko silang lahat na nakatingin sakin, inalalayan naman ako ni niel para umupo sa kama.
Anong nangyare? Parang may patay! Ang lungkot ng mga itsura nila.
"Okay kana ba?"alalang tanong ni tian at inihakbang niya papalapit ang paa niya sakin ngunit may humila sa kaniya pabalik.
"Hindi ka niya asawa kaya dyan ka lang"seryosong wika ni luke habang nakahawak parin sa likoran ng damit ni tian. Anong problema ng lalaking to.
"Bakit! Asawa lang ba ang pwedeng lumapit sa kaniya"inis na wika naman ni tian habang inaalis ang kamay ni luke sa damit niya.
"Oo at hindi ka pwedeng lumapit sa kaniya"
Ang tulis ng mga tingin nila sa isat isa na parang pati kami ay natutusok. Kahit kailan talaga hindi mo sila mapagsusundo dahil pareho silang hindi magpapatalo specially Luke Smith, the President of this Mysterious University.
"Teka nga! Anong ginawa niyo dito?"tanong ko habang yung paningin ko na kay luke lang.
"Hindi kaba pwedeng bisitahin? Nag aalala kasi kami sayo"sagot ni tian at muling inihakbang ang mga paa niya.
BINABASA MO ANG
Mysterious University |complete|
Mystery / ThrillerA school full of lies,scary, bloody, secret and mystery. Handa kana bang pasukin ang pinaka nakatagong university sa buong mundo? Halina't samahan ang kakaibang mundong pinasukan ng isang estudyante... . . MYSTERIOUS UNIVERSITY writter:pusakoH DATE...