Jade Point Of View
.
Ilang araw na kaming hindi nagpapansinan para naman makita rin nila ang halaga na meron ako sa buhay nila. Isa to sa mga mahirap sakin, yung tipong hindi ko sila nakakasama dahil subrang taas ng pride nila. Hindi pa ata nila ako napapatawad dahil sa kasinungalingan na ginawa ko.
"Can we talk?"sinulyapan ko si vice lee na seryosong nakatingin sakin. Tumango lang ako sabay tayo, nasa GSC ako ngayon kaso wala si luke pinatawag sa office.
Nauna na akong umupo ng nasa harapan na ako ng swing. Nakatingin lang ako sa baba habang hindi ginagalaw ang aking sarili."Anong pag uusapan natin?"panimula ko, bago niya ako sinagot umupo na muna siya sa isa pang katabi kung swing.
"Naniniwala ka bang isang panaginip lang lahat ng to?"natigilan ako sa tanong niya, inangat ko ang ulo ko at sinulyapan siya.
"Anong klaseng tanong naman yan? Tapos na ako dyan kaya wag mo ng balak balikan!"inis na wika ko dahil kasi sa pesteng yan, nagkagulo at nagkasira kaming lima tapos babalikan pa niya? Para saan pa?
"Sorry, Im just asking"kinalma ko ang sarili ko bago alisin ang tingin sa kaniya, may mga bagay kasing dapat hindi na sila makialam pa dahil personal life ko na yun at labas na sila dun.
"Yan lang ba ang pag uusapan natin?"
"One more question"
Sinulyapan ko siyang muli, napatingin na rin siya sakin. Tinignan ko siya ng matulis na tingin ng magtama ang mga mata namin.
"Mahal mo ba talaga si luke?"medyo nagulat ako sa tanong niya, inalis ko agad ang paningin ko sa kaniya.
"Oo at kahit na anong sabihin nila hindi ko hihiwalayan ang taong napamahal na sakin"matapang na sagot ko dahil totoo lahat ng lumalabas na salita sa aking bibig.
"Kung mahal mo siya! May tiwala ka ba sa kaniya?"muli ko siyang sinulyapan, tumayo ako at hinarap siya. Ano ba talagang ibig niyang sabihin sa mga tanong niya sakin? May hindi pa ba ako alam kay luke?
"Malaki ang tiwala ko sa kaniya kaya ko siya minahal"yumuko siya at ramdam ko ang mabigat na aura sa katawan niya.
"Oo alam ko"napangiwi ako sa sinabi niya sabay taas kilay.
"Alam mo naman pala e, bat nagtatanong kapa?"napipikon na ako sa isang to ah! Isang tanong pa sisipain ko na talaga to palabas ng earth.
"Sinisiguro ko lang baka kasi darating ang araw na iiwan mo rin siya tulad ng ginawa ni hanna sa kaniya"natigilan ako sa narinig ko mula sa bibig niya, si hanna? Yung ex ni luke?
Ramdam ko na unti-unting bumibigat ang pakiramdam ko. Hindi ko iiwan si luke at yun ang pinangako ko sa sarili ko. Kahit na anong mangyare sabay kaming aalis sa pesteng lugar na to. Hindi ko siya pwedeng iwan.
"Magkaiba kami ni hanna kaya wag mo akong ikompara sa kaniya"may binitawan siyang ngiti na kakaiba sa kaniyang labi.
"Sigurado ka?"oo at alam ko ang sinasabi ko.
"Wala ka ng pakialam sa pagmamahal ko kay luke kaya pwede ba tantanan mo na ako"iritang wika ko bago siya tinalikoran pero napatigil ako ng may binitawan siyang salita.
"Pare-pareho lang kayo. Hindi ka rin magtatagal sa lugar na to at nararamdaman ko na malapit ka na ring mawala, iiwan mo ring luhaan at wasak ang presidente namin"yumuko ako bago tuluyang iniwan siya sa playground.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at parang tangang naglalakad na subrang bilis ang mga paa ko. Nawawalan nanaman ako ng control sa sarili ko. Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ni gab kahit pinapasok ko sa utak ko ang sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Mysterious University |complete|
Mystery / ThrillerA school full of lies,scary, bloody, secret and mystery. Handa kana bang pasukin ang pinaka nakatagong university sa buong mundo? Halina't samahan ang kakaibang mundong pinasukan ng isang estudyante... . . MYSTERIOUS UNIVERSITY writter:pusakoH DATE...