CHAPTER #27 |SWEETHEART|

113 7 0
                                    

Jade Point Of View

.

Tinulungan ko na siyang ilipat ang mga gamit niya sa council dahil may iba ng magmamay ari sa pwesto niya. Haist! Masama talaga ang kutob ko sa babaeng bruhang yun kahit na kadugo pa yun ni luke.

"Okay ka lang?"sinulyapan ko siya sabay tango, nawawala nanaman ako sa sarili ko dahil lumilipad ang utak ko. Haist! Kailan kaya mawawala ang problema ko sa skwelahan nato?

Sa tingin ko kapag pinatay na lahat ng tauhan ni author, malamang tapos na ang problema sa buhay ko.

"Hey! Anong problema?"gusto kung sampalin ang sarili ko para matauhan ako. Nandito ka para kay luke hindi para lumipad ang utak ko kahit saan, fvck jade!

"Nothing"muli akong umiling at binigyan siya ng matamis na ngiti.

"Come with me, may ipaparinig ako sayo"hinawakan niya ang palad ko sabay hila palabas ng GSC, sa bawat paglakad namin wala kaming nakakasalubong na mga estudyante.

Napangiwi ako agad ng makita na kung saan kami pupunta. Music room? Anong gagawin namin dito? Kakantahan niya ako? Magaling ba siya? Marunong? Baka mamaya panget lang boses nito.

"Sit"utos niya na parang alagang aso ang kasama niya, wala akong magagawa kundi sundin ang amo ko. Pagkaupo ko pumunta siya sa maliit na stage sabay kuha sa guitar at umupo siya sa high chair na gawa sa kahoy.

"This is for you my sweetheart para naman mabawasan ang nasa isipan mo"tumawa pa ang mokong tsk! Pero ang cute niyang tignan.

Sinimulan na niyang igalaw ang kamay niya sa guitara at yun ang gumawa ng ingay sa loob ng bawat sulok na sa kwartong to. Hindi ko lang maimagine na kakantahan niya ako para lang mawala tong nasa isipan ko.

'Can I touch you?
I can't believe that you are real
How did I ever find you?
You are the dream that saved my life
You are the reason I survived
Baby'

Isa sa mga masarap pakingan ang boses niya, damn! Ang ganda solid parang mas lalo akong nainlove sa lalaking to. Napapangiti nalang ako habang tinitignan ko siyang nakangiti rin habang kumakanta habang ginagalaw ang kamay niya para tumunog ang guitara.

'I never thought that I could love
Someone as much as I love you
I know it's crazy but it's true
I never thought that I could need
Someone as much as I need you'


Inangat niya ang ulo niya habang ginagalaw parin ang kamay niya. Honestly, nawala lahat ng nasa isipan ko napalitan yun ng magandang alala nanaman naming dalawa. Gusto ko rin luke na ganito nalang tayo, yung tipong parang tayong dalawa lang ang nasa mundong to at wala ng iba pa.

'I love you'

Huling binitawan na kanta sa kaniyang bibig, pumalakpak ako ng malakas dahil sa performance niyang subrang galing. Siya dapat ang manalo sa singing bee kaso lang di natuloy. Tumayo na ako nung palapit na siya sakin.

"Okay kana ba?"He asked while holding my hands.

Tumango ako sabay ngiti, kantahan mo ako araw-araw para mawala tong mga buiset sa utak ko.

"Thankyou. Ikaw lang talaga nagpapagaan ng nararamdaman ko"binigyan ko siya ng matamis na ngiti na ikinangiti niya rin.

"Basta para sayo lahat gagawin ko, mapasaya ka lang"enebe nemen luke! Pinapakilig mo nanaman ako e, sira ulo ka talaga.

Tumaas bigla ang kilay niya na parang may demonyong pumasok sa loob niya. Tinitigan niya ako bigla habang nakahawak sa baba niya at mukhang nag iisip kung anong magandang gawin sakin. Honestly, hindi ko nagugustuhan ang mala manyak niyang ngiti at titig. Anong iniisip ng mokong na to!

Mysterious University |complete|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon