Jade Point Of View
.
[NOW PLAYING: One last cry by: brian Mcknight]
Ilang oras nalang at kailangan ko ng bumalik sa totoong lugar namin. Hindi ko maiwasang hindi malungkot dahil hindi ko na talaga sila makikita kailanman lalo na ang pinakamamahal kung tao sa buong buhay ko. Hangang dito nalang talaga siguro ang buhay na meron ako kaya susulitin ko na habang hindi pa lumalalim ang gabi.
"Saan tayo pupunta?"magkahawak ang mga kamay namin habang naglalakad sa hallway, medyo hindi maganda ang panahon.
Alam kaya ng panahon ang pinagdadaanan ko kaya ganito din siya ngayon?
"Gusto kung makasama ka ng matagal kaya naman naisipan kung puntahan ang lugar na una tayong nagkita"tumingin ako sa kaniya sabay ngiti kaya binigyan niya din ako ng ngiti, mas lalo kung hinigpitan ang pagkakahawak sa mga palad niya.
Sana, hindi na matapos ang araw na to. Ayokong iwan ang taong mahal ko ng hindi man lang ako nakakapagpaalam sa kaniya ng maayos, ngunit paano? Paano ako magpapaalam sa kaniya kung hindi ko sinasabi ang totoong nangyayare sa buhay ko! Kung bat ako bumalik sa lugar na to.
Umupo ako sa swing habang nakakapit parin ang kamay ko sa kaniya, ayokong bitawan ang kamay niya. Gusto kung may nakakapit sa katawan niya dahil paniguradong mamimiss ko yun.
Umupo siya sa harapan ko at yung isa niyang kamay inilagay niya sa hita ko."May napapansin ako sayo ngunit ayokong itanong"ganun na ba ako kaobviuos?
Umiwas ako ng tingin sa kaniya baka tumulo nanaman ng di oras ang luha sa mga mata ko."W-wala kang kailangan itanong sakin, okay lang ako"sa ibang parte parin ako ng playground nakatingin, ayokong tumingin sa mga mata niya.
"Sweetheart"naramdaman ko ang palad niya na hinaplos ang aking mga pisngi, damn luke! Gusto mo talagang malaman ang totoo ngunit paano? Paano ko sisimulan? Ayokong makita kang iiyak sa harapan ko, ayokong magmakaawa ka sakin, ayokong marinig ang mga huling sasabihin ng mga labi mo. "Wala nga ba, mahal ko?"
"Wala"matapang na sagot ko at binigyan siya ng matamis na ngiti.
Tumingin ako sa mga mata niya na punong puno ng mga katanungan. Ramdam ko yun, hindi ako manhid na tao."Bakit ganun? Gusto kung maniwala ngunit may pumipigil sakin"
Hinawakan kung muli ang mga kamay niya."May tiwala kaba sakin?"kailangan ko nga bang itanong yun sa kaniya o mali ba ang naitanong ko sa kaniya. Kailangan bang may tiwala o should I say, wag kang magtiwala sa isang katulad ko.
Marami kang naging kasalanan sakin dati luke ngunit bumabawi ka naman sakin ngayon at yun ang importante kaya nga patuloy kitang minahal diba. Hindi ko alam kung mapapatawad mo ba ako sa isang pagkakamaling gagawin ko. Hindi na ako makakabalik sa lugar na to at ang mas malala pa, kapag muli kang nabuhay sa totoo mong katawan, wala na rin ako. Hindi mo na ako muling makikita pa.
"Yes, of course"
I smiled."Thank you"binigyan niya ako ng ngiti din.
Tumayo ako at niyakap siya ng mahigpit."Sweetheart"I called him. Nanatili kaming magkayakap.
"Yes, sweetheart?"
Kailangan kung itanong to, magtiwala ka lang jade."Paano kapag nawala ako ulit sa lugar na to"ang bilis ng heartbeat ko, hindi ko alam kung anong isasagot niya.
Napabitaw siya sa likoran ko kaya naman napatingin ako sa kaniya."Aalis ka ulit? Iiwan mo ako ulit?"umiling ako at muling hinawakan ang palad niya.
"Paano nga lang diba! Ano kaba naman!"pagtataray ko para mawala sana yung paghihinala niya sakin.
Ngumiti siya bigla at labas ang mga ngipin niya na parang gusto niyang ipakita talaga sakin na sobrang puti! Tssk! Mas maputi pa ngipin ko sayo kaya wag kang ano dyan!
BINABASA MO ANG
Mysterious University |complete|
Mystery / ThrillerA school full of lies,scary, bloody, secret and mystery. Handa kana bang pasukin ang pinaka nakatagong university sa buong mundo? Halina't samahan ang kakaibang mundong pinasukan ng isang estudyante... . . MYSTERIOUS UNIVERSITY writter:pusakoH DATE...