CHAPTER #31 |DATE|

103 6 0
                                    

CHRISTIAN POINT OF VIEW

.

Kusa nalang gumalaw ang mga paa ko para sundan siya sa kung saan man siya papunta ngayon, may kutob akong pupuntahan niya si luke. Hindi naman ako tutol sa relasyon nila sa halip nga gusto ko silang supportahan pareho dahil mukhang mahal nila ang isat isa. Matagal ko ng naging kaibigan si jade at mukhang ngayon lang siya nag seryoso ng ganito sa isang lalaki. Ang dali niya lang kasing itapon sa ere ang mga pinagsawaan niya.

Natigilan ako ng bigla siyang tumakbo palabas. Anong nangyare? Nag away ba sila ni luke? Gago yun ah! Pinaiyak niya ang kaibigan ko. Sinundan ko si jade kung saan man siya magpunta, delikado sa mga oras na to dahil hating gabi na baka mapano pa siya dito. Huminto ako sa harapan niya, hindi niya ako tinitignan parang wala siyang nakikitang tao sa unahan niya.

"Anong nangyare?"tanong ko agad dahil nag aalala ako sa kaniya, pangalawang beses ko palang siyang nakitang umiyak dahil sa lalaki.

Nabuhayan ako ng iniangat niya ang ulo niya pero may galit akong naramdaman ng makitang punong puno ng pighati ang itsura niya. Bullshit na luke yan! Anong ginawa niya kay jade?

"Anong nangyare?"tanong ko ulit, imbes na sagutin niya ako humagolgol lang siya sa pag iyak.

Damn! Ayokong nakikitang umiiyak si jade dahil lang sa pesteng yun, tama nga kami. Hindi sila pwede dahil sasaktan niya lang si jade, napaka gago niya.

"Gusto ko ng magpahinga, pagod ako ngayon"tumango ako agad sabay yakap sa kaniya para maibsan ang sakit na nararamdaman niya ngayon, wag kang mag alala jade simula sa araw na to. Ako na ang poprotekta sayo, ilalayo kita sa gagong lalaking yun.

"Hatid na kita baka ano pang mangyare sayo at isa pa pareho naman tayong babalik na sa apartment"mahinahong wika ko, ramdam ko ang panginginig ng katawan niya dahil siguro sa malamig na hangin na sumasalubong samin kaya naman hinubad ko ang suot kung jacket at sinuot ko sa kaniya.

"Sa mga oras na to dapat hindi kana lumalabas pa dahil delikado, napaka tigas talaga ng ulo mo"haist! Nagmumukha nanaman akong tatay niya dahil sa inaasta ko. Pagkatapos ko yung isuot sa kaniya tumingin ako sa mga mata niya na puno ng pighati.

"Hindi kana ba galit sakin?"napasmirk ako sa sinabi niya, matagal ko na siyang napatawad at isa pa hindi ko kayang tumagal ang galit na nararamdaman ko sa kaniya dahil higit pa sa pagkakaibigan ang tingin ko sa kaniya.

Tumango lang ako at inalalayan siyang maglakad."Salamat pero sila ni ken at ella mukhang hindi pa nila ako kayang patawarin"nakausap ko na sila pareho, hindi na sila galit sayo jade pero nawala ka bigla ng almost 3 weeks kaya naman nag alala sila ng subra sayo at bumalik ang sama ng loob nila.

"Wag muna silang isipin, nag aalala lang sayo yun"binigyan ko siya ng matamis na ngiti.

.

Pumasok sa utak ko na araw ng mga puso ngayon kaya naman para gumaan ang nararamdaman ni jade ida-date ko nalang siya total wala na rin naman sila ni luke diba! Ipaghihinganti ko ang kaibigan ko gamit ang pagseselos, tignan lang natin kung hindi siya magselos sa gagawin ko kapag nakita niya kami.

"Ang aga mo naman atang pumunta"kinukusot pa ni niel ang mga mata niya halatang kakagising lang, masyado na ba talaga akong maaga?

"Ate mo nasaan?"itinuro niya ang kwarto nila kaya naman nginitian ko siya ng malapad sabay tapik sa likoran niya bago ako pumasok sa loob.

"Huwow! Ang bagsik ng pabango mo dong!"

Muli ko siyang nilingon."Maghanda kana niel, magiging soon brother in law mo na ako"asar ko sabay tawa kaya tinignan niya ako ng masama sabay akbay.

Mysterious University |complete|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon