CHAPTER #23 |Queen of the night|

117 8 0
                                    

Elizabeth Point Of View

.

Kanina pa namin hinahanap si jade ngunit bigo kaming mahanap siya. Halos lahat na ata ng posible niyang pinuntahan napuntahan na namin pero hindi parin namin siya nakita. Naiiyak na ako sa subrang pag aalala sa kaniya.

"Wala parin ba?"salubong na tanong ko agad kay ken na mukhang hindi niya parin nahahanap, nasaan kana ba jade? San kaba pumunta? Ang sabi mo iuuwi mo lang si niel pero bat hanggang ngayon wala ka pa?

"Baka naman kasi nasa apartment lang, natutulog na kasi pagod"kilala ko si jade, kapag sinabi niya tutuparin niya kaya napaka imposible ng sinasabi nila. Kung nasa apartment lang siya bat ang lakas ng kabog ng dibdib ko parang may masamang mangyayare sa kaniya.

"Ella"naramdaman ko ang kamay ni ken sa balikat ko. "Calm down, hahanapin natin siya bukas kapag hindi pa siya nakita"ramdam ko rin ang pag aalala niya. Tumango nalang ako at muling binaling ang attention namin sa unahan.

Kanina pa tinatawag ang pangalan ng mga pupunta sa stage at isa na dun ang pangalan ni jade pero hindi siya dumating. Muling lumingon si tian samin, makikita mo sa mga mata niya ang pag aalala sa kaibigan namin at parang gusto niya pa ata kaming samahan para hanapin si jade.

Huminga ito ng malalim ng hindi mahagilap ng mata niya ang mukha ni jade. Tumingin nalang ito sa unahan. Sana nga nasa apartment ka lang jade, kapag may masamang mangyare sayo. Naku! Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"Ms.Jade tyler"muling tinawag ang pangalan niya ni vice lee. Tumingin ako sa paligid baka maisipan niyang lumabas na sa lungga na pinagtataguan niya, if ever man.

"Masyadong paVIP, akala mo naman sobrang ganda!"

"Tssk! Kung wala lang gusto sa kaniya si principal malamang pinatay na rin yan sila"

"Feeling maganda ang potek!"

Kung hindi lang nakakapit ng mahigpit si bella at ken sakin paniguradong kanina pa dumudugo ang mga bibig nila. Masyado silang judgemental tang ina akala mo naman kung sinong maganda din. E, hindi nga sila nangalahati sa ganda ni jade, o sakin o kaya kay bella. Tssk!

"Okay! Mukhang wala si ms.tyler kaya naman ibang pangalan nalang ang tatawagin natin"nakakainis naman, sayang! Paano kung si jade pala ang gawin nilang queen of the night edi may maibubuga na siyang apoy sa mga tsismosang nasa paligid namin. Tssk!

[Now playing: Thats my girl by fifth harmony]

"Wait!"napalingon kaming lahat kung sino yung sumigaw, sa sobrang lakas ng pag sigaw niya para siyang nakalunok ng microphone.

Nabuhayan ako ng lamang loob ng makita siyang rumampa sa harapan naming lahat kasama ang isang napaka hot at gwapong si luke smith. What the fvck! Subrang bagay nilang dalawa. Opss! Nag iba ang aura ni jade naging maldita, ay matagal na pala siyang maldita pero mas beat ko yung ngayon.

Nganga ang mga taong nandito ng bigla siyang huminto sa harapan at nag maldita look! Fvck! Parang nakakaproud na naging kaibigan ko tong bruhang to

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nganga ang mga taong nandito ng bigla siyang huminto sa harapan at nag maldita look! Fvck! Parang nakakaproud na naging kaibigan ko tong bruhang to. Kahit maldita atleast may magandang puso din. Shit! Thats my baby gurl.

"Mas lalo siyang gumanda!"rinig kung wika ni bella samin, isang mahinang tinig lang ngunit rinig namin.

"Oh.my.god!"Ken said.

"Tssk! Wala naman palang binatbat ang mga tsismosa at pakialamerang nasa paligid"pagpaparinig ko.

Nagpatuloy na siya sa paglalakad, binigyan niya ng matamis na ngiti si vice lee ng magkaharapan na silang dalawa. Hindi agad nakaimik ang mokong halatang namangha din sa taglay na ganda ni jade.

"Wala na. May nanalo na"natatawang wika ko sabay tingin sa kanila. Ganun parin ang itsura nila, nakanganga habang nakatitig kay jade. Iba talaga ang ganda ng babaeng to. Tinalbugan kaming dalawa ni bella.

Inagaw niya yung mic kay vice lee sabay tingin samin ngunit ganun parin ang itsura niya, fierce."Hello everyone, Sorry kung pinaghintay ko kayo pero atleast dumating ako. Im jade tyler and I will do my best to win for tonight"sabay smirk.

Pinakauna na akong sumigaw pagkatapos niyang magsalita, at sumunod naman ang ibang lalaki at ganun din silang dalawa. Im so proud of you jade, alam kung ikaw ang mananalo sa gabing to. Wag kang mawalan ng pag asa.

"Okay! Now, may I call on Mr. Principal for a short message or announcment?"muli kaming pumalakpak, hindi ko inalis ang tingin ko kay jade. Sobrang ganda niya talaga ngayon pero masama ang kutob ko.

"Hello everyone, maraming salamat sa nag suggest sa event na to. Kung hindi niya yun sinabi malamang wala tayong lahat dito, so thankyou!"pumalakpak kami muli at binigyan siya ng pansin."Ngunit sa kasamaang palad kailangan na nating tapusin ang event na to ngayon, pagkatapos kung banggitin kung sino na ang bagong queen of the university"what?

Tapos na agad ang event na to? Akala ko may singing and dancing pa, bat ang aga naman masyado? At ano yung narinig ko? Siya mismo ang pipili kung sino ang magiging queen of the night? Anong silbi ng apat na judgest sa harapan kung siya din naman pala ang mag a-announce?

Nagsimula ng mag bulongan sa paligid namin, nawala yung music kaya naman medyo naririnig namin ang pinaguusapan nila, napatingin naman ako sa kanilang dalawa at sumimangot lang sila samin.

"Anong balak ni luke? Si jade kaya ang pinili niya?"tanong ko sa kanilang dalawa, nagkibit balikat lang sila pareho sabay tingin sa harapan.

Nag usap si vice lee at luke ngayon pero hindi nagtagal humarap din samin si luke ulit at mukhang sasabihin na niya kung sino ang taong napili niya. Muling kinuha ni luke ang microphone kay vice lee."I would like to introduce you, Ms.Jade tyler for the new Queen of university and at the same time she's one of the highest top six now"napahawak ako agad sa bibig ko dahil sa gulat, hindi lang ako kundi kaming lahat.

Seryoso? Hindi ako makapaniwalang siya nga ang magiging queen of the night at isang napaka himala na si luke pa mismo ang nag announce nun kahit hindi siya kasali sa mga nag ja-judge. Fvck! Kasali na din siya sa highest top six, ohmygod! Hindi ako makapaniwala.

"And thats all for today, you may go"muli niyang binigay ang mic kay vice lee at nagsimulang maglakad.

Muli kung tinignan si jade na mukhang kanina pa hindi makatingin samin, hindi ko alam pero parang may mali. Magkasama sila ni luke? Habang hinahanap namin siya? Anong plano ni jade bat siya pumayag ulit na paging close sila ni luke?

May lihim ba siyang tinatago sa amin?

Mysterious University |complete|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon