CHAPTER #16 |Office Confession|

156 10 0
                                    

Jade Point Of View

.

Tinulak ko siya ng malakas palayo sakin at pinilit kung itayo ang sarili kung paa. Nahihibang na talaga siya! Hindi niya alam ang sinasabi niya sakin, kung biro man lahat ng to! Hindi nakakatawa.

"Bulshit luke! Can you just stop, this is not funny!"ginagalit niya talaga ako lalo, kung inaakala niyang madadala niya ako sa mga ganyan niya nagkakamali siya.

Hindi siya tumayo nung pagkabagsak niya sa sahig. Nanatili siyang nakayuko. Nag simula ng maglakad ang mga paa ko ng may biglang humila sakin at naramdaman ko ang init na katawan niya sa likoran ko.

"Hindi ako nag bibiro, seryoso ako"ayoko ng muling marinig ang mga kasinungalingang lumalabas sa bibig niya.

Kahit na anong tulak ko ayaw niya akong bitawan.

Nakaramdam ako ng pagod kaya hinayaan ko nalang siya total bibitawan niya rin naman ako kapag nangalay tong buiset na to.Hindi ko tuloy lubos maisip kung bakit ako? Bakit ako ang napili nilang pag tripan? Wala na ba talaga silang alam kundi ang saktan at gawin akong alila? Tanga? Bobo? Pagod na ako! Gusto ko ng makawala sa pesteng lugar na to.

"Jade"

Hindi niya first time na tawagin ang una kung pangalan ngunit may kakaiba akong naramdaman ng pagtawag niya sakin nun."Bibigyan pa kita ng kunting oras pero hindi ako susuko sayo"nababaliw na talaga siya.

"Wala ka ng magagawa pa para baguhin kung ano mang nasa isipan ko ngayon"dahil kahit na anong mangyare hindi ako magkakagusto sa isang demonyong kagaya mo.

Hinigpitan niya pa lalo ang pagkakayakap sakin, naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko. Damn! Hindi ikaw ang luke na nakilala ko, pagkapasok ko sa paaralan na to. Nasaan na yung cold man na yun?

"Hindi ko man mababago ang nasa isipan mo ngunit ang puso mo naman ang babaguhin ko"

Lumuluwag na. Binibitawan na niya ang bewang kung kanina ay pinulupot niya gamit ang kaniyang dalawang kamay. Siguro nga. Hindi na magbabago ang nasa utak ko ngunit hindi ako sigurado kung magbabago ba ang nasa puso ko.

Lumingon ako sa paligid. Wala na siya. Ako nalang mag isang nakatayo sa silid aralan na to. Hinawi ko ang kurtina at tulala kung tinitignan ang likoran niya paalis sa classroom na to. Anong meron sakin bat ako ang nagustuhan mo? Kung may balak kang pagtripan ako, sisiguraduhin kung hinding hindi ka magtatagumpay sa pinaplano mo.

Nag cut class ako dahil ang sama ng pakiramdam ko. Ramdam ko parin ang pananakit ng buong katawan ko dahil sa ginawa nila lalo na sa bandang likoran ko. Kinuha ko yung isang gamot at ininom ko pagkatapos humiga na ako sa kama. Nilamon ako ng antok kaya nakatulog na ako.

Ang dilim. Wala akong maaninag ni isang ilaw. Pinipilit kung itayo ang sarili ko ngunit hindi ko magawa dahil nanghihina ako. Nasaan ako? Bat kakaiba ang lugar na to? Ang daming puno na malalaki at ang lalabong ng mga dahon. Maya-maya may isang kamay akong nakita sa unahan ko, dahan-dahan kung inaangat ang ulo ko para makita siya. Laking gulat ko nalang ng muli ko siyang masilayan. Bat siya nandito? Bat kami nandito?

"Wag kang matakot, po-protektahan kita"

Binuhat niya ako bigla. Nawala yung kabang naramdaman ko dahil sa sinabi niya. Napapangiti nalang ako dahil kahit papano ay may isang taong katulad niya pa rito sa mundong to.

"Ate jade"minulat ko ang mata ko at si daniel agad ang nakita ko. Umupo ako sa kama habang kinukusot ang parehong mata.

Napanaginipan ko nanaman si luke. Magkasama nanaman kami sa isang madilim na lugar. Hanggang kailan mangyayare ang mga panaginip na yun? Talaga bang kailangan ko siya sa buhay ko? Naguguluhan ako.

Mysterious University |complete|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon