CHAPTER # 50 |Pagkikita?|

75 5 0
                                    

Jade Point Of View

.

Tulala akong nakatingin sa pader habang pinapasok sa isipan ko lahat ng sinabi niya sakin. Ayokong maniwala dahil si luke na mismo ang nagsabi sakin na mahal niya ako at ayokong mag isip ng iba dahil lang sa sinabi ng buiset na lalaking to.

"Think about it jade! Ginamit ka lang ng isang halimaw para makalabas sa pesteng lugar na yun"tinignan ko siya ng masama.

"Mas halimaw ka kaya wag mong ikukumpara ang ugali mo sa kaniya"pabalang na sagot ko, kung hindi lang sana ako nakatali ngayon paniguradong patay na tong mokong na to.

Lumapit siya sakin sabay pisil sa magkabilang pisngi ko."Kaya mo ba talagang mahalin ang isang taong ginamit ka lang? Napaka tanga mo naman jade kung ganun"dinuraan ko siya.

"Isa lang ang masasabi ko sayo ngayon, nagsisisi akong nilapitan pa kitang hayop ka! Tama nga ang kapatid ko, pareho kayong demonyo"sigaw ko sa mukha niya, natawa sya bigla sa sinabi ko sabay tayo pero nakakailang hakbang palang siya bumalik siya sa pwesto niya kanina at sinampal ako ng malakas.

"Ano ba! Tama na please, wag mong saktan ang sarili mong anak"tssk! Kahit anong magmamakaawa pa ang gawin mo sa kaniya mom, kung magkasing ugali sila ng ian na yun wala kang mapapala.

"Wala akong anak na bastos!"iniangat ko ang ulo ko sabay tawa.

"Kung wala kang anak na bastos! Mas wala akong amang demonyo at hayop"tumawa ako ng mahina."hindi ko sinabing ikaw yun pero parang ganun na nga"mas lalo ko pang nilakasan ang pagtawa ko para mas lalo siyang mainis.

"Hindi kaba talaga naaawa sa amin? Pakawalan mo na kami"pagmamakaawa ni mom, pareho kaming nakagapos ang paa at kamay sa isang poste. Hindi kami magkalapit kaya naman walang pag asang matanggal tong nasa kamay at paa namin.

"Bat naman ako maaawa sa inyo, hindi ko naman kayo pamilya at isa pa mas malaki parin ang kinikita ko sa pagbabantay sa inyo"tumawa siya ng malakas.

"Hindi ka pamilya?"wika ko sabay smirk at muli siyang tinignan."Ano ka? Kapuso"pang aasar ko, hindi naman ako nabigo dahil kita ko sa mga mata niya na naasar na siya sakin.

"Jade, tama na"

Tumingin ako kay mom sabay ngiti sa kaniya."Kung hindi ka lang sana lumandi, wala tayo sa posisyon na to ngayon"walang ganang wika ko.

"so? Sinisisi mo na ngayon ang nanay mo kaya ka nandito ngayon?"tsismoso ang gago.

Tumingin ako sa kaniya at may ngiti akong binitawan sa labi ko."Sino ba dapat ang sisihin ko? Ikaw? tss! Matagal ka ng gago kaya bat ikaw ang sisihin ko"muli niya akong sinampal ng malakas sa kabilang pisngi ko.

"Tama na please"muling pagmamakaawa ni mom.

Wala ka talagang kwentang ama. Kung halimaw si ian, demonyo ka naman. Wala kang kasing sama, akala mo naman may patutunguhan lahat ng ginagawa mo samin. Nag aaksaya ka lang ng lakas mo para gawin kaming ganito.

"Oh siya! Kayo ng bahala sa kaniya, tandaan niyo kapag sila nakawala dito. Patay kayo sa totoo master niyo"wika niya sa mga kasamahan niya.

Iniangat ko ang ulo ko at tinignan siya habang paalis sa silid aralan na to. Hindi ko alam pero parang nakita ko na siya sa MU, posible kayang siya yung tinatawag nilang master?

"Anak"natauhan ako sa boses ni mom, inalis ko ang tingin ko sa unahan pero hindi ko siya tinignan.

"Anong kailangan mo?"

"pasensya kana anak ko, hindi ko gustong maging ganito tayo ngayon"napasmirk ako sa sinabi niya.

"Hindi mo gusto? Eh, anong ginagawa natin dito kung hindi mo gusto lahat ng to?"iritang tanong ko, hindi ko namalayan na nataasan ko pala siya ng boses.

Mysterious University |complete|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon