CHAPTER #8 |Daniel is missing!|

187 12 0
                                    

Jade Point Of View

.

Hindi na ako magtataka pa kung pagkabukas ko ng apartment ko ay lahat sila nandito kasi malamang dito matutulog ang tatlo pati yung kapatid ko.

"Sinong nagsabi sa inyo na magsama-sama ang babae at lalaki sa iisang bubong?"halos mapatalon ako ng may marinig na boses sa likoran ko, buiset na luke to! Kanina niya pa ba ako sinusundan?

"Masama ba?"halata sa boses niya ang pagkainis.

"Mag asawa ba kayo?"pabalik na tanong ni luke kay tian, pumagitna ako baka kung saan pa to mapunta.

"Mga kaibigan ko sila at kapatid ko naman ang isa, so anong masama dun?"sabay tingin ng masama sa kaniya, anong problema ng lalaking to. Ngayon ko lang siya nakitang ganito.

"Im the one and only student government president here so, sa akin kayo dapat makinig"binigyan niya kami ng nakakapikon na ngiti sa labi pero agad din niyang binawi. Inisnab ko lang siya sabay lapit sa kanilang apat.

"I know, pero pwede bang kahit kapatid ko nalang ang maiiwan dito"hindi ko siya pwedeng pabayaan.

"Ate! Kaya ko naman ang sa---"binigyan ko siya ng matulis na tingin para itikom niya ang bibig niya. Hindi pa ako tapos sermonan ka kaya mas mabuting tumahimik kana lang.

"Okay"maikling sagot nito sabay labas na ng apartment ko.

"That guy is so weird!"wika ni ella sabay labas at ganun din silang dalawa ni tian at ken, napabuntong hininga nalang si niel

Pagkalabas nilang lahat sinara ko lahat ng pwedeng isara sabay tingin ulit kay niel."Tell me, kailan ka makikinig sa ate mo?"nagmamakaawa ako sayo niel kahit dito man lang makinig ka sakin. Napakatigas talaga ng bungo mo!

"Im sorry okay! Ginawa ko lang naman to para mag alala sila ni mom sayo specially daddy"tsk! Imposibleng magkaroon ng pake ang taong yun, kahit nga mawala ako sa mundong to okay lang sa kaniya e at isa pa hindi naman namin siya tunay na ama.

Haynaku jade kahit na ganun ang turing sayo nun naging tatay mo rin yun kaya wag kang ganyan. Napapaisip din ako kay mom, totoo ba talaga niya akong anak? Di ko kasi ramdam, e.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya ng maramdaman ang pananakit ng aking mata dahil gusto ng magpakawala ng luha."Ma-matulog kana maaga pa tayo bukas"niligpit ko ang makalat na gamit sa loob.

"Ate jade"naramdaman ko ang mainit niyang katawan ng yakapin niya ako patalikod. Damn! I really miss dad so much, kahit na ganun ang ugali niya hindi ko alam na mamimiss ko din pala siya.

Hindi kami masyadong close pero paminsan minsan niyayakap niya rin ako. Tumingin ako sa taas para pigilan ang pagluha ng aking mga mata pero kahit itaas ko pa ang buong katawan ko hindi ko mapipigilan ang emosyon ko.

"Please niel"humarap ako sa kaniya pero pinunasan ko muna ang luha sa mata ko."Kahit dito lang makinig ka sakin, ha. Mahal na mahal ka ni ate at ayokong may masamang mangyare sayo"napayakap siya sakin at yun ang dahilan ng pagkangiti ng labi ko.

Matigas ang ulo niya pero malambing siyang tao at yun ang pinakagusto ko sa kapatid ko. Senesermonan ko lang naman siya kasi ayokong mapahamak siya wag niya sanang dibdibin lahat ng sinabi ko.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako pagkatapos kung iligpit lahat ng pinagkainan namin. Nagising ako sa malakas na paghudyat na kailangan na naming gumising para pumasok. Tinignan ko si daniel at mukhang hindi siya nakatulog kagabi, hinayaan ko muna siya at naligo nalang sa halip.

Pagkatapos kung mag ayos, ginising ko naman siya para mag ayos na rin pero mukhang wala siyang balak na pumasok."Hindi pwede niel, bumangon kana dyan at pumasok. First day mo ngayon, ano kaba!"inis na wika ko habang hinihila ang kamay niya.

Mysterious University |complete|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon