CHAPTER #19 |SECRET|

104 6 0
                                    

Jade Point Of View

.

Natapos na agad namin kahapon ang mga dapat tapusin dahil bukas na ang night event at tulad nga ng sinabi ko. Sobrang excited ang mga eatudyante at sympre kami rin naman. Mas lalo akong nacurious nung banggitin nila na pupunta ang mga matataas na rangko sa skwelahan na to. Sino kaya sila? Hindi ko pa kasi sila nakikita bukod kay natalia, luke at vice lee. Sila lang ang alam kung matataas sa paaralang to.

"Jade"lumingon ako sa harapan ko at nakita ko si tian, ang lawak ng ngiti niya kaya nginitian ko rin siya pabalik sabay lapit.

"Bakit? May kailangan ka?"tanong ko agad.

Umiling ito habang nakangiti parin sakin."Sinong partner mo bukas?"ay! Nakalimotan kung by partner pala ang event bukas.

"Si daniel"mukhang nagulat pa siya nung pagkabanggit ko sa pangalan ng kapatid ko, sino paba ang inaasahan niyang magiging partner ko? Siya? Ah! Alam ko na, pagti tripan ko nalang tong lalaking to kasi mukhang tama naman ang nasa isipan kung akala niya siya ang magiging partner ko.

Kinamot niya ang ulo niya habang nakatingin sa sahig."Wa-wala akong kapares"alam ko! Ay teka! Si bella wala din atang partner, edi silang dalawa nalang.

"Meron"nilingon niya ako agad habang nakataas ang kilay.

"Sino naman?"

Lumapit pa ako ng kunti sa kaniya hanggang magtama ang tenga niya at ang bibig ko."Si bella"bulong ko. Nilayo niya agad ang sarili niya sakin sabay ayos sa damit niya.

Tssk! Painosente pa tong lalaking to akala mo naman di halata na mukhang nagkakamabutihan na silang dalawa. Crush ko lang si tian pero wala akong balak maging girlfriend niya kasi nga ayokong masira ang pagkakaibigan namin at isa pa supportive akong kaibigan no.

"No way!"ang arte ah! Ang ganda kaya ni bella lalo na kapag nag ayos siya.

Sinamaan ko siya ng tingin habang nakacrossarm."Alam mo! Napaka arte mo akala mo naman kung sinong gwapo"nilakihan niya ako ng mata habang nakatingin ng diretso sakin.

"Hindi mo ba to nakikita?"tinuro niya pa ang mukha niya. Nakikita malamang, hindi ako bulag no." Maraming nagkakagusto sa itsurang to dahil sa sobrang kagwapuhan"ang lakas ng hangin bess! Oo, solid! Ang lakas, tatangayin na ako.

Ngumiti ako ng pilit sa kaniya sabay ayos ng tayo."Dati yun pero ngayon"I rolled my eyeballs then I gave him smirk."Mukhang nawala na dahil nandito si luke"pabulong kung wika pero alam kung rinig niya yun.

Tinapik ko ang likoran niya bago umalis sa harapan niya. Ramdam ko paring tulala siya dahil sa sinabi ko. Haha! Totoo naman kasi, mukhang adik kasi tong si tian pero hindi ko maikakailang hot at gwapo din naman siya kumpara sa ibang lalaking nag aaral dito.

Papunta ako ngayon sa milktea shop, wala pa man ako sa kalagitnaan ng pupuntahan ko ng nakita ko si natalia. Ang sama ng tingin niya sakin at sanay na ako dun, napalunok ako bigla ng makitang papunta siya ngayon sa pwesto ko.

"Pwede ba tayo mag usap?"huminto siya sa harapan ko, tumingin ako sa mala grey niyang mata. Tumango ako dahil wala din naman akong choice at isa pa hindi ko siya matatakasan. Sasabihin lang ng gagong to na takot ako sa kaniya kahit hindi naman talaga.

Nakapunta na ako sa lugar na to, nung binisita namin si luke sa bahay nila. Huminto siya sa malaking puno at umupo sa malaking ugat. Tumingin siya sakin ng may ngiti sa labi at alam kung peke lang yun, hindi ako manhid para hindi yun maramdaman.

"Anong kailangan mo?"seryosong tanong ko. Sa tuwing magkakausap kaming dalawa, ayokong pinapahaba ang pag uusapan namin dahil walang matinong sasabihin tong bruhang babaeng to.

"Narinig kung nagkita na kayo ni zoey."parang virus lang talaga ang mga tao dito, gabi na yun ah! Pero mukhang may nakabantay parin sa bawat kilos ko.

"Oo"maikling sagot ko.

Tumayo siya at humarap sakin."Si zoey ang isa sa mga matalik na kaibigan ni luke simula ng napunta kami sa lugar na to"hindi ako tumingin sa kaniya, nakikinig lang ako sa bawat salita niya. Bat niya to sinasabi lahat? May gusto nanaman ba siyang gawin ko para sa kaniya sa kapatid niya?

Base sa nakikita ko sa kaniya, mukhang gusto niyang protektahan ang kapatid niya kaya niya ako nilalayo kay luke ngunit ano namang ibig sabihin ni zoey? Bakit niya sasabihin sakin lahat ng yun? Fvck! Ang gulo.

"Hindi ko lulubayan si luke kung wala kang matinong rason sakin, alam kung yun ang gusto mong marinig sakin natalia"sabay lingon sa kaniya, tumayo siya at hinarap ako.

Ngumisi lang ito sakin bago magsalita."Hindi ko na kailangan sabihin ang side ko para maliwanagan ka, ang nais ko lang ay lubayan mo ang kapatid ko"mas lalo akong nacurious kung gaano nga ba kahalaga ang tinatago niya at ayaw niyang sabihin sakin.Oh! May tinatago nga ba sila kaya niya pinapalayo si luke sakin?

Kailangan kung malaman kung anong tinatago ng babaeng to. Hindi ako matatahimik hanggat lagi nalang niya akong binabalaang wag lumapit sa kapatid niya. Ayoko rin namang mapalapit kay luke kung hindi dahil sa sinabi ni zoey sakin. Wala akong balak magkaroon ng jowa sa pesteng lugar na to, sadyang gusto ko lang humingi ng tawad sa lahat ng nagawa ko sa kaniya.

"Okay"maikling sagot ko at binitawan ko siya ng pekeng ngiti."Lalayuan ko na ang kapatid mo kapalit ng katahimikan naming lima"dugtong ko.

"What do you mean?"kailangan niyang ituro samin kung saan nakatago ang sekretong pintuan para makalabas sa university na to.

Naging seryoso ang tingin ko sa kaniya."Kailangan mo kaming ilabas sa lugar na to kung gusto mong tumahimik ang buhay ng kapatid mo"nakikita ko kung gaano siya nagulat dahil sa sinabi ko. Alam kung alam niya nag labasan sa pesteng lugar na to dahil kapatid niya ang principal sa eskwelahan. Bobo niya naman kung hindi niya alam, diba?

Tumalikod siya sakin pero ramdam ko ang panginginig ng katawan niya. So weird! "Susubukan ko"mahina ngunit rinig na rinig ng dalawa kung tenga.

"Good"tumalikod na ako at nagsimulang maglakad palayo sa kaniya, wala na kaming dapat pang pag usapan.

Huminto ako at muling tumingin kay natalia, nakatayo parin siya dun habang nakatalikod sakin."Anong sekretong meron kayo? Bat ganyan ka umasta?"nakakapagtaka din na parehong may tattoo si luke at gab ngunit hindi pareho ng drawing. Dragon ang kay gab at cobra naman kay luke. Anong meron sa tattoong nasa leeg nila pareho?

Nagiging open nanaman ang pagiging curiosity ko. Hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nalalaman ang kasagotan sa mga tanong na nasa isipan ko ngayon. Isa lang ang nasa utak ko, sundan si natalia kung saan man siya mag punta dahil siya lang ang magtuturo sakin sa mga sagot na kailangan ko ngayon, siya nga kaya?

"Damn!"mura ko ng bigla siyang nawala sa paningin ko, fvck! Nasa kaniya ang attention ko at tutok ang mata ko sa kaniya ngunit bakit siya nawala na parang bula? Hindi ko siya napansin na umalis. Anong nangyayare?

Nanlalambot ako. Nanginginig ang parehong tuhod ko. Bumibilis ang tibok ng puso ko at naghahabol ako ng hininga ko. Pa-paano nangyare yun? Paano siya nawala ng ganun kabilis? Paano ko siya masusundan kung nakalayo na pala siya sakin?

Tumingin ako sa paligid at muling bumalik sa pwesto namin kanina pero wala na talaga akong makita ni anino niya. Napaka weird! Sobra! Paano niya nagawa yun? Paano nangyare lahat ng yun? Anong nangyare?

May lihim silang hindi namin alam?

Mysterious University |complete|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon