3weeks later.
JADE POINT OF VIEW.
Ilang lingo na palang wala si bryan at yana pero parang kompleto parin kaming magkakaibigan, nakakalungkot lang dahil hanggang ngayon hindi parin matanggap ng dalawa na wala na ang taong minahal nila. Ginawa naming lahat ang makakaya namin ngunit sadyang hindi parin yun sapat kaya binawian na sila ng buhay.
YANA THOMSON, BRYAN CHEN! Gusto ko lang sabihin sa inyo na sobrang proud akong nakilala ko kayong dalawa. Ang tapang niyo para gawin yun, napahamak pa tuloy kayo at nawalan ng buhay. Sana gabayan niyo nalang ang mga taong minsan na rin kayong minahal ng husto at pinagkatiwalaan kayo ng sobra. Yana, sana mapatawad mo din kami ni luke dahil hindi ka namin nagawang iligtas.
|FLASHBACK|
Nagsimula ng magbarilan sa paligid namin, nagtago ako para kung sakaling may magtangkang bumaril sakin hindi ako matatamaan.
"Totoo nga ang sinabi ni benjie na buhay ka"masayang wika sakin ni bry.
Ngumiti ako sabay tingin sa kaniya."Hindi madaling mamatay ang pusa, siyam kaya buhay nun"biro ko naman sabay putok sa baril dahil may kalaban sa likod niya.
Nagpalit kami ng pwesto habang magkatalikod kaming dalawa. Maya maya nung wala na kaming narinig na putokan dumating si luke, niyakap niya ako kaagad at ganun din ako. Sobrang namiss ko ang taong to.
"Salamat sa diyos at buhay ka"wika niya habang yakap parin ako.
"Hindi ako madaling mamatay, marami pa akong mission sa mundong to"wika ko naman.
"Alam kung miss na miss niyo ang isat isa pero kailangan muna nating makasigurado na ligtas na tayong lahat"singit ni bry kaya napahiwalay kaming dalawa sa pagyayakapan.
Inikot namin ang nasa loob, dahan dahan lang kami. Hindi pa kasi namin sigurado kung buhay paba yung demonyong lalaking yun. Habang unti unti kaming napapalayo sa may pintuan sa totoo lang kinakabahan ako baka mamaya isa samin ang mamatay o mabaril dito.
"Ibaba niyo ang baril niyo"napatigil ako ng may marinig ako sa likoran.
Nasa unahan ko si luke, si bry naman sa likoran. Possibleng nasa kapahamakan ngayon si bry, hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko at ganun din si luke.
"Sabing, ibaba niyo ang baril niyo!"sigaw niya samin, wala na akong ibang nagawa kundi ang sumunod pero si luke nanatiling hindi gumalaw sa kinatatayuan niya, nakataas lang ang pareho niyang mga kamay.
"Nagsisisi akong nakilala pa kita luke"halatang si gab ang nagsasalita.
Unti unti kung nililingon ang ulo ko sa kanila at kasabay nun pareho kung itinaas ang kamay ko."Hindi kaba magkakaroon ng utang na loob dahil hindi ka niya binaril?"wika ko.
May pagkakataon na sanang barilin ni luke si gab pero mas pinili niyang sapakin nalang kesa sa mamatay si gab. Wala ba talaga siyang pakiramdam na ang turing ni luke sa kaniya at isang matalik na kaibigan?
"Wala!"sagot niya.
Umikot narin pala si luke kaya magkaharap na silang dalawa ngayon."Namatay din ang magulang ko kaya hindi ko alam na may ginawa pala sila bago sila mabawian ng buhay"mahinang wika nito.
Yung baril ni gab nakatutok sa ulo ni bry, kunting uto pa luke ako ng bahalang dumiskarte kung panu makawala si bry sa kaniya.Habang di ako napapansin ni gab, unti unti akong naglalakad papunta sa likoran niya.
"Kasalanan ko bang tanga ang magulang mo kaya namatay din sila? Kasalanan koba??!"sigaw nito kay luke.
Natigilan ako dahil biglang gumalaw si gab, nakita naman ata ni luke yun kaya nag drama siya."Sa lahat ng nagawa ng magulang ko sa pamilya niyo gab, ako na mismo ang humihingi ng tawad"
BINABASA MO ANG
Mysterious University |complete|
Mistero / ThrillerA school full of lies,scary, bloody, secret and mystery. Handa kana bang pasukin ang pinaka nakatagong university sa buong mundo? Halina't samahan ang kakaibang mundong pinasukan ng isang estudyante... . . MYSTERIOUS UNIVERSITY writter:pusakoH DATE...