“What the hell was that for?” ang taka at galit na tanong ni Isabella sa kanyang kaibigan for three years already.
“Bakit? Ang tagal na natin Bella, why don’t we, take a few steps further?” ang giit sa kanya nito.
“What are you talking about?!” ang galit na patanong na sagot niya sa lalaki na si Kit, he’s been her companion for three years, “anong natin ang pinagsasabi mo?”
“Relationship, ang relasyon natin Bella, three years na tayo, kaya, I made a proposal” ang giit nito sa kanya.
Isabella gritted her teeth again, ng maalala ang proposal na ginawa nito kanina sa kanilang opisina. She was so mad, just thinking of it again. Ginawa ni Kit ang mga bagay na ayaw niya.Ayaw niya ng mga surprise, dahil ayaw niyang macaught off guard sa isang situation, she doesn’t like surprises. And two, ayaw niya ng mga goofy things na ipinapakita sa kanya lalo na sa harap ng maraming tao, at pangatlo, ayaw niya ng pinangungunahan siya.
And worst of all, wala sa bokabularyo niya ang mag-asawa, ngayon pa na unti-unti ng nakikilala ang pangalan niya sa Cebu, ngayon pa siya mag-aasawa? Nope! Hindi! Marriage and love right now, was definitely not in her vocabulary. Ang kanyang career at business ang kanyang asawa. She will strive hard to be on top. Wala siyang pakialam kung tawagin siyang bitch or over achiever, its better that way, her last love made her that way.
And Kit, did, almost three of the things she hated the most. Kasama niya sa trabaho si Kit, he works for her company, as one of the engineers, they dated and had sex, yes, but they don’t live together. And she doesn’t see him as a boyfriend, a friend with benefits maybe but nothing more than that. And it looks like, Kit misinterpreted their relationship.At kanina nga pagkatapos ng kanilang meeting ay bigla na lang itong tumayo sa gitna sa kanyang tabi, hinawakan ang kanyang kamay, may dinukot ito sa bulsa ng pantalon nito.
At nang mapagtanto niya kung anong gagawin nito ay bumulong siya kay Kit, “don’t do it” ang pabulong na banta niya rito kanina, pero hindi ito nakinig. With one knee bend down, lumuhod ito sa harapan niya and said the things she didn’t want to hear.
“Isabella Dueñas, it’s been three years that you have imprisoned my heart, will you marry me?” ang sweet na sabi nito sa kanya habang nakataas ang kamay hawak ang diamond ring. Kasunod niyun ang malakas na hiyawan sa loob ng maliit na conference room.
Nag-init ang kanyang mukha ng mga sandaling iyun pakiramdam niya ay umaapoy ang ulo niya at anumang oras ay bubuga siya ng apoy. She felt like a devil right now, at mukhang ang kulang na lang sa kanya ay buntot at tinidor. Her nostrils flared, and she was trying to contain her anger. But what he said, pulled the last string.
“Baby, I love you, we can’t live without each other, babe answer me, yes?” ang giit nito sa kanya.
“Kit, I’m sorry, but, I’m not your girl in the first place” ang sagot niya rito, at pigil na pigil pa siya na hindi sigawan ang top engineer niya.
Biglang nanahimik sa loob ng conference room at kitang-kita niya ang pagbabago ng kulay sa mukha ni Kit. Mula sa pagkawala ng kulay sa mukha nito at pagbuka ng bibig nito. Hanggang sa pagkapula ng mukha nito at pagtikom ng mga labi nito.
Dahan-dahan itong tumayo at iniwasan nito ang mga mata ng mga taong nasa loob ng kwarto.
“Iwan nyo muna kami” ang huling sabi nito, at nang maglabasan na nga ang mga tao sa loob, she started blurting out.
At, binanggit nga nito ang tungkol sa relationship nila. She shook her head and gave him an incredulous look, at hindi na niya mapigilan ang matawa sa sinabi ni Kit.
“Ha ha ha, Kit, anong relationship ang sinasabi mo?” ang tanong niya kay Kit.
“Ang relasyon natin Bella” ang giit nito sa kanya at nakita na niya na nangilid ang mga luha sa mata nito dahil sa pagkapahiya.
“What? you mean, us rolling in bed? Na mabibilang lang sa kamay ko? And you already called that a relationship?” ang di makapaniwalang tanong niya kay Kit at di niya pa maiwasan na magpamewang. She despised men who were so assuming and so sure of themselves na makukuha nila ang gusto nila agad because they asked them too.
“So, so, anong tawag mo sa kung anong meron tayo?, best friend?” ang mariing sagot ni Kit sa kanya at halata ang sakit sa mukha at boses nito.
“Friends, best friend, if that’s what you want to call it” ang sagot niya sabay kibit balikat, she wanted to take things lightly, na hindi na palakihin ang issue.
“Huh, that’s not what I felt about you”-
“Kit” ang mariing sabi ni Isabella, and she sighed, she’s getting exhausted, she despised explaining herself lalo pa at sa tingin niya ay wala naman siyang dapat na iesplika. Wala siyang kasalanan, at nag assume lang ito sa relasyon na meron sila, pero dahil sa kaibigan nga niya ito, magpapaliwanag siya.
“I’m not ready Kit, wala pa sa isipan ko ang mag-asawa lalo pa at nagsisimula pa lang na maging kilala ang pangalan ko, ang aking firm, I’m sorry, but, I never see you as my partner in a romantic sort of way, sa career at business ko lang ako committed at kung gaano katagal yun, baka hanggang sa uugod-ugod na ako” ang paliwanag niya kay Kit.
Hindi sumagot si Kit at nanatili na lang itong nakatayo at nakatikom ang bibig, tila may tinitimbang ito sa isipan.
“So, let’s move on shall we? OK so by next week kailangan na natin lumipad pa Manila para sa isang bidding sa isang local government project”-
“I’m quitting” ang mahinang sagot ni Kit.
She barely look up on him habang nakatayo siya at tinitingnan ang plano na nakalatag sa may malapad na lamesa ng conference room.
“No you’re not” she said with so much confident.
“I’m quitting” ang giit ni Kit habang nakakuyom ang mga palad nito sa tagiliran nito.
She slowly lifted her head and looked at him, she looked straight into his tear filled eyes and straight lips.
“Why?” ang tanong niya kay Kit, she pressed her palms down on the table and looked at him.
Kit snorted, “why?” ang di makapaniwalang sagot nito sa kanya, na tila ba hindi ito makapaniwala na hindi man lang niya sineryoso ang mga nangyari at parang hangin lang na dumaan at lahat ay balik na sa normal.
She nodded and asked him again, “yeah, why?” ang muling tanong niya kay Kit.
“Ganun ka ba kamanhid at di mo alam ang dahilan?” ang sarkastikong tanong nito sa kanya.
“It was just a misunderstanding Kit, wag na nating palakihin pa ang mga bagay and let’s be professional” ang giit niya.
“I can’t work with you Isabella” ang sagot nito kasabay ng pag-iling ng ulo nito.
“You’re not serious” ang giit niya rito.
“I quit Isabella” ang mariing sagot ni Kit sa kanya.
“Why? Because of some stupid proposal na wala naman akong kasalanan? If you didn’t make an assumption with what we have, kung nagsabi ka muna sana sa akin privately kung ano ba talaga ang meron tayo, then you wouldn’t end up looking so stupid with you kneeling in front of me” ang galit na sagot ni Isabella, she already lost her temper.
Tumangu-tango lang si Kit, “I’m going to send my resignation letter to your office and that’s irrevocable, ayoko ng mapabilang pa sa mga casualties mo” ang sagot nito sa kanya bago ito mabilis na lumabas ng kwarto.
Isabella put her hands on her waist and gritted her teeth. So be it, kung iyun ang gusto nito hindi niya ito pipigilan. He made a choice, at hinding-hindi siya maghahabol. Yes, he was her best engineer sa kumpanya, pero, hindi niya kayang magpanggap o kayang pilitin ang sarili na makipag relasyon dahil lang sa nanghihinayang siya na mawala ang isang empleyado. It would be a minor setback for her, but, definitely can be resolve, ang sabi niya sa sarili.
Lumabas siya ng kanyang conference room at alam niya na pinag-uusapan na sila ng kanyang mga empleyado, but, she don’t give a damn kung if they do talk behind her back and she knew that they do. As long as productive sila under her rule and supervision, then she does not give a shit, kung bumula man ang mga bibig ng mga ito sa kakatsismis sa kanya.
Pumasok na siya sa loob ng kanya private office, she poured herself a cup of freshly brewed coffee, she took a seat at isinandal niya ang kanyang likod at ulo sa malambot na backrest ng office chair niya.
She held the warm mug with both her hands and she turned her chair towards the glass windows kung saan tanaw ang busy street ng metro Cebu.
She gently sipped her coffee, at napabuntong-hininga siya.
“Yawa” ang pabulong niya na sabi bago niya binuksan ang kanyang laptop at nagtingin ng mga pwedeng pagbakasyunan sa weekend.
She needed some breather, kailan niyang mag loosen up, for a while kahit dalawa o tatlong araw lang, bago pa siya magpa Maynila para makicompete sa mga major companies sa Luzon na nasa larangan ng construction. And target niya ay makisama sa bidding sa mga government projects. Nahawakan na niya ang mostly government projects ng Cebu, now she wanted to make an expansion. Although, nagsimula talaga ang kumpanya niya sa pagpapatayo ng nga resorts at villas sa buong lalawigan.
But, she needed some time to think and freshen her mind as well, at nang makita niya ang isang secluded na lugar agad siyang tumawag para magpa reserved ng kwarto sa isang villa, she booked a flight and she had done everything within thirty minutes all by herself. Hindi siya masyadong umaasa sa secretary. Kapag kaya niyang gawin siya na mismo ang gumagawa at hindi na nag-uutos pa, that way, masusunod kung anong gusto niya, ika nga, "less talk less mistake".
BINABASA MO ANG
Lyndon Bridge is Falling Down (completed) Self-Published
RomanceSelf published Strictly for mature readers only 18 and up!! Everyone has an achilles heel, and someone is finally going down. Lyndon DuPont Bridge, was known for being stern and strict. When it comes to work and with women. Kilala siya bilang supl...