“That’s my offer, tito” ang sabi ni Ylmas kay tatay Rene at tiningnan nito si Lyndon tila ba hinahamon siya nito.
Nagsimula nilang pag-usapan ang tungkol sa isla, habang nakaupo sila sa may poolside at umiinom ng kape. Kagagaling lang nila sa pag-iikot sa buong property ng Chez Corazon.
“I can top that, I can TRIPLE the amount of what he was offering you tatay Rene” ang mariin na sabi ni Lyndon sa sa matandang may-ari ng villa. At tiningnan din niya si Ylmas at tinaasan niya ng kilay.
Napabuntong-hininga si tatay Rene at itinaas nito ang mga kamay, nakarahap ang mga palad sa kanila tila ba pinapaawat muna silang dalawa.
“Awat muna, mga iho, whew, masyado kayong mainit, mas mainit pa kayo sa kape na hinihigop ko” ang natatawang sabi ni tatay Rene.
“I’m sorry tatay Rene, its just that we’re very eager to have the island, because it’s been a big part, sa relasyon namin ni Isabella” ang paliwanag ni Lyndon kay tatay Rene.
Tumangu-tango naman si tatay Rene sa sinabi niya.
“I didn’t mean to impose and be rude this but, I think I deserve the island because I’m tita Corazon’s nephew, I’ll continue the legacy that she and you have in this island” ang giit ni Ylmas.
Tumangu-tango si tatay Rene at kinabahan si Lyndon, baka masira ang lahat ng plano niya, ang sabi niya sa sarili. Si Ylmas na sumira sa pangarap ni Bella ay muling sisirain ang mga pangarap nila, ang galit na sabi niya sa sarili.
“He has a point Lyndon” ang mariin na sabi ni tatay Rene sa kanya.
Lyndon nodded and bit his lips, but he’s not going to give up easily. He’s going to give Ylmas a good fight at pahihirapan niya ito.
“Pero, you’ve said before tatay, na ibibigay mo lang ang lupa, sa bibili nito na may kabiyak o minamahal? I think, we were much qualified na makuha ang isla, kaysa sa kanya na hiwalay sa asawa” he pointed out to tatay Rene.
Tumangu-tango rin ito at napangiti, at napailing.
“You’ve got me there, Lyndon” ang nakangiting sagot ni tatay Rene at kahit papaano ay nabawasan ang isipin niya, pero panandalian lang, dahil hindi talaga titigil si Ylmas na guluhin sila.
“Madali lang naman ang kundisyon na iyun ni tito” Ylmas said casually, tila ba hindi malaking bagay ang sinabi ni Lyndon.
“I can HAVE the woman, that I love, again in my life, kaya kong punuan ang kundisyon na iyan” ang mayabang na sabi ni Ylmas, at tiningnan pa nito si Lyndon sa mga mata na puno ng paghamon.
“Again, hinay muna, I have to think this through, Boys, pero, sana kung anuman ang maging desisyon ko ay tanggapin ninyo, no hard feelings on me okey? And on each other” ang giit ni tatay Rene sa kanila.Umakyat na sa itaas ng kwarto si Lyndon, may bigat ang kanyang mga hakbang, tila kasi nagiging malabo pa na makuha niya ang isla.
Bwisit kasi na Ylmas yan! Ang galit na himutok ng damdamin niya. Lahat ay gustong agawin sa kanya.
Pero, mukhang sa pagkakataon na ito ay siya ang mang-aagaw. Aagawin niya ang isla kay Ylmas na kung tutuusin ay mas may karapatan sa lupa. At aagawin niya si Isabella, na sa umpisa pa lang ay sila naman talaga ang unang nagmahalan.
Napabuntong-hininga siya habang papalapit na siya sa pinto ng kanilang kwarto.
Pagbukas niya ay nakahiga si Isabella at natutulog ito. Marahan niyang isinara ang pinto para hindi niya ito maistorbo.
Sa tuwina ay hindi niya napipigilan ang hindi ngumiti sa tuwing nakikita niya si Isabella sa ganun na sitwasyon. There something relaxing, at the sight of her sleeping soundly.
Humakbang siya papalapit at naupo siya gilid ng kama sa paanan nito.
Naalala niya ang ginawang pag-iwas ni Isabella kay Ylmas. At ang pagtanggi nito na kumain ng ulam na pinaluto ni Ylmas, kahit pa paborito iyun ni Isabella. Para lang hindi na lumaki pa ang hidwaan nila. And he really appreciate it.
Tumayo siya at humakbang sa kabilang side ng kama at naupo siya sa tabi ni Isabella. Marahan niyang pinisil-pisil ang ilong nito para magising.
At tulad ng inaasahan niya ay kunot ang noo nito na dumilat.
“Lyndon” ang angal ni Isabella sa kanya, at tumambad dito ang mukha niyang nakangiti.
“Gutom ka na?” ang tanong niya habang hinahaplos ang buhok nito.
Umiling ito, “inaantok lang” ang nakangiting sagot nito.
“Ayaw mo magmeryenda sa ibaba? Nag-coffee na kami kanina” ang sabi niya rito.
Umiling ito, “not feeling well, gusto ko lang mahiga” ang inaantok na sagot nito.
Kumunot ang noo niya at inilapat niya ang kanyang palad sa noo nito para tingnan kung may lagnat si Isabella. A sigh of relief came out of his mouth nang maramdaman niya na normal ang init nito.
“Scoot tatabihan kita” ang sabi niya rito, at umusog ng kaunti si Isabella sa kama.
Iniangat niya ang ulo ni Isabella at ipinatong niya ito sa kanyang braso, para nakaunan si Isabella sa braso niya.
Mabuti pa na matulog na lang muna sila kaysa sa sabihin niya ang mga napag-usapan nila kanina sa ibaba, ang pasya niya.
BINABASA MO ANG
Lyndon Bridge is Falling Down (completed) Self-Published
Lãng mạnSelf published Strictly for mature readers only 18 and up!! Everyone has an achilles heel, and someone is finally going down. Lyndon DuPont Bridge, was known for being stern and strict. When it comes to work and with women. Kilala siya bilang supl...