Chapter 35

2.7K 139 24
                                    

Nagulat si Isabella at bigla siyang napaupo sa pagkaka recline niya sa lounger, at tiningnan niya ang nakangising mukha ni Ylmas. Bigla namang natuon ang kanyang mga mata kay Lyndon, na mabilis na naitago ang pagkagulat  na rumehistro sa mukha nito at napalitan ng galit.
     “Alam mo, I was trying to look for some ways kung paano ko makakausap si Isabella, pero itinigl ko muna sandali dahil sa I have some personal business to attend to, at hindi ko akalain na, tadhana pa rin pala ang gagawa ng paraan para sa akin” ang sabi ni Ylmas at ngumisi pa ito kay Lyndon.
     “Lyndon” ang sambit ni Isabella nang makita niyang tumayo si Lyndon at humakbang papalapit kay Ylmas. Mabilis din siyang tumayo at naglakad kasunod ni Lyndon. Humawak siya sa kamay nito at naghawak sila ng mahigpit.
     “Anong ginagawa mo rito? Talaga bang hindi mo tatantanan si Isabella?” ang galit na tanong ni Lyndon, and he was ready to put on a fight. He looked at Ylmas squarely, daring Ylmas to make a move.
    “Tsk, hindi ko talaga tatantanan si Isabella, Lyndon, and for my being here, I told you, I have some personal business here, at talagang pinagtatagpo kami ng tadhana Lyndon, itinago mo ba si Isabella sa akin? Nang sabihin ko sa iyo noong isang araw na gagawin ko ang lahat para makausap at magkaayos kami ni Isabella?” ang pangbubuska ni Ylmas kay Lyndon.
    “What was he saying?” ang nalilitong tanong ni Isabella kay Lyndon na hindi sumagot at nanatiling tikom ang bibig nito.
    “Let’s go Bella, umakyat na tayo sa kwarto natin” ang pagyaya ni Lyndon kay Isabella, mabilis na dinampot ni Lyndon ang towel ni Isabella na nasa lounger at agad na itinakip sa katawan ni Isabella na naka bikini, ayaw niya na makita ni Ylmas ang katawan ni Isabella.
     Naglakad na sila pabalik ng villa habang hila niya ang kamay nito para sumunod sa kanya.
    Dumaan sila sa gilid ni Ylmas at mabilis na hinawakan ni Ylmas ang kamay, ni Isabella at hinila ito, kaya napahinto si Isabella sa paglalakad.
   “Bella, please, give me a chance let’s talk” ang giit ni Ylmas.
   Lyndon saw what he’s done at kitang-kita ang galit sa mukha ni Lyndon, agad niyang nilapitan si Ylmas para kuwelyuhan ito.
    “I told you to leave her be! Bitiwan mo siya!”
    “Oh so you’ve met already?” ang sabi ng boses ni tatay Lyndon na hindi nila napansin na papalapit.
    “Tatay” ang sambit ni Isabella na hawak ang braso ni Lyndon.
     Kahit pa inabutan sila ni tatay Rene sa ganung sitwasyon ay di nakitaan ng galit o pagkabalisa ang mukha nito. Para bang walang nakikita na komosyon ang mga mata nito at normal lang na may lalaking kinuwelyuhan ang isa pang lalaki.
    “Excuse me?!” ang takang tanong ni Lyndon kay tatay Rene na hawak pa rin sa kwelyo si Ylmas.
     “Pwede mo na ba siyang bitiwan Lyndon?” ang nakangiting tanong ni tatay Rene kay Lyndon. His old eyes crinkling with amazement.
     Dahil sa nahiya siya kay tatay Rene, at sa pakiusap nito ay mabilis na binitiwan ni Lyndon si Ylmas, pero bahagya niyang itinulak pa ito. Saka niya inakbayan si Isabella at inilayo niya ito, ilang hakbang kay Ylmas.
     “Tulad ng sinabi ko kanina, nagkita na kayo? Nagkakilala?” ang interisadong tanong ni tatay Rene sa kanila.
    “It’s more than that tito” ang sagot ni Ylmas na nakatingin kay Isabella. Nanlaki ang mga mata ni Isabella at nagtama ang mga mata nila ni Ylmas at mabilis naman na umiwas ng tingin si Isabella rito at humawak sa braso ni Lyndon.
    “Tito?”- ang sabat ni Lyndon, no? Ang sabi niya sa sarili.
    “Ah, siya ang sinasabi kong kamag-anak ni Corazon na taga Cebu, who tried to reach me and the reason why I went to Cebu, I met Ylmas in Cebu” ang paliwanag ni tatay Rene.
     Parang binuhusan ng malamig na tubig si Lyndon. Ang realisation sa kanya ng lahat. He is Lyndon Bridge, who doesn’t break a sweat, who never gets intimidated, and who’s never afraid, was breaking down, that moment.
    Ang lalaking karibal niya sa puso ng babaeng minamahal ay karibal din niya sa isla na gusto niyang ihandog sa babaeng pinakamamahal. Naging masama ba siyang tao? Para paglaruan siya ng tadhana?
    “Ah, ganun po ba? We already met in Manila tatay Rene” ang sagot ni Lyndon.
     “And me and Isabella, met long ago sa Cebu” ang sabat ni Ylmas.
    “Really? Wow, mukhang mahabahaba at masayang kwentuhan ang pag-sasaluhan natin mamaya sa harap ng lunch table, sige na, kung magpapalit na kayo ng mga damit Lyndon, dalhin mo na sa itaas si Isabella, mukhang giniginaw na, baka magkasakit iyan, malalagot kayo sa akin na dalawa” ang banta ni tatay Rene.
    Matipid na ngiti naman ang isinagot ni Lyndon and he guided Isabella, his arms on her shoulders as that walked towards the villa.

Lyndon Bridge is Falling Down (completed) Self-Published Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon