Chapter 20

3K 144 26
                                    

They looked older to be her parents, ang agad na pumasok sa isipan ni Lyndon, pero binura niya muna sa kanyang isipan ang kanyang naisip at agad siyang lumapit sa mga magulang ni Isabella.
    “Magandang umaga po” ang magalang na bati niya sa mga ito na tiningnan siya na may pag-uusisa sa mga mata nito. Tila ba nagtataka at nagtatanong kung sino siya sa buhay ng anak nila.
    “Mga magulang ko si nanay Sita at tatay Mon” ang pagpapakilala ni Isabella sa mga magulang nito sa kanya.
    “Magandang umaga naman sa iyo?” ang patanong na bati ng mga ito sa kanya.
    “Lyndon po” ang mabilis niyang tanong at inilahad niya ang kanyang kamay para kamayan ang mga ito. Dama niya ang gaspang ng mga kamay nito, palatandaan na dumaan sa maraming hirap ang mga kamay nito.
     “Ah, nanay at tatay si Lyndon po, ah, ahm” ang di malaman na sasabihin ni Isabella.
     “Fiancé niya po” ang sabat ni Lyndon, at nilapitan niya si Isabella para iangat ang kamay nito at ipakita sa mga magulang ni Isabella na engaged na sila. Pero, mukhang hindi agad naintindihan ng mga magulang ni Isabella ang ibig niyang sabihin.
    “Piyansey? Ano yun? Nobyo ka ba ng anak ko?” ang takang tanong ng nanay ni Isabella.
    “Opo” ang mabilis na sagot ni Isabella, ayaw na niyang pahabain pa ang eksplinasyon ng tungkol sa pagiging fiancé ni Lyndon.
    “Hindi lang po nobyo, ibig sabihin po”-
    “Lyndon”-
    “Ay ikakasal na”-
    “Lyndon”-
    “Kami ng anak ninyo” ang sagot ni Lyndon at nakita niyang napapikit ang mga mata ni Isabella tila ba hindi nito nagustuhan ang kanyang sinabi.
    Kunot ang noo na nagkatinginan ang mga magulang ni Isabella at sandali lamang iyun dahil ang pagtataka sa mukha ng mga ito ay agad na napalitan ng tuwa.
    “Ikakasal ka na nga ba talaga anak?” ang masayang tanong ng nanay niya.
    “Ahm, matagal pa po” ang tanging sagot ni Isabella, na nahihiya sa mga magulang niya dahil sa pagsisinungaling at panloloko nila ni Lyndon sa mga ito.
    “Kaya ba kayo biglang napadalaw na dalawa ay dahil sa mamamanhikan na itong si Lyndon?” ang masayang tanong ng mga ito.
    “Parang ganun na rin po” ang sagot ni Lyndon at naramdaman niya ang tumusok na siko ni Isabella sa kanyang tagiliran.
    “Anak, sana naman ay nagpasabi ka, bago kayo pumunta rito at sana nakapaghanda kami” ang giit ng kanyang nanay.
    “Magpapakatay ako ng isang alaga kong baboy, para makapag palitson tayo” ang masayang sabi naman ng kanyang tatay.
    “Tatay, hindi na po, huwag na” ang tutol ni Isabella, at nakita niya na kumunot ang noo nito, at bumagsak ang mga balikat.
    “Kung iyun po ang gusto ninyo tatay Mon, sige po at salamat” ang sabat ni Lyndon at sinulyapan niya si Isabella at pinanlakihan ng mga mata.
   Isang tawa ang lumabas sa mga labi ng tatay ni Isabella, puno ng kagalakan ito.
   “Tatay na lang ang itawag mo sa akin, tuloy na kayo sa loob, Bella, yakagin mo na si Lyndon sa loob ng bahay” ang utos ng tatay ni Isabella.
    “Sige po tatay susunod na kami ni Lyndon, kukunin lang niya ang dala niyang bag” ang sagot ni Isabella sa kanyang ama.
    “Naku! Matutuwa ang mga kapit bahay natin dito, magpapalitson ako ng di oras” ang narinig pa nilang sabi ng tatay niya habang naglalakad papasok ng kanilang maliit na bahay at akbay ang kanyang nanay na nagpapahid ng mga mata at alam niya na lumuluha na ito.
    Hinintay na muna ni Isabella na makapasok ng bahay ang mga magulang niya, bago niya hinawakan ang braso ni Lyndon at hinila niya ito at naglakad sila pabalik ng kanyang sasakyan.
    “Ano sa tingin mo ang mga pinagsasasabi mo Lyndon? Bakit kailangan mong sumabat at sabihin na ikakasal na tayong dalawa?” ang galit na tanong niya kay Lyndon, pero mahina ang boses niya.
    “What we’re engaged right?” ang giit ni Lyndon sa kanya.
    Kumunot ang noo niya kay Lyndon, nakalimutan ba nito na deal lang ang engagement nila? Kung makagiit ito sa kanya ng pagiging engaged nila akala mo ba totoo ang relasyon nilang dalawa, ang galit na sabi ni Isabella.
    “For now engaged tayo, pero paano kapag tapos na ang deal natin?” ang tanong niya kay Lyndon.
    “You can tell them that, we didn’t work out, na nagkaroon tayo ng mis understanding” ang simpleng sagot sa kanya ni Lyndon at ng mga sandaling iyun ay gusto niyang sapakin ang mukha ni Lyndon. Wala talaga itong pakialam sa damdamin ng iba.
     Umiling siya, “sarili mo lang kasi ang iniisip mo Lyndon, hindi mo iniisip ang damdamin ng iba” ang giit niya rito.
    “Ganun ka rin naman hindi ba? Kaya ka nga kinatatakutan ng mga empleyado mo?” ang tanong nito sa kanya.
   Muli siyang Umiling, “sa iba oo pero rito, sa mga magulang ko?” muli siyang umiling, “hindi ko kayang paasahin at saktan silang muli, ayoko ng makita pang muli ang sakit sa mga mata nila ng dahil sa akin” ang sagot niya.
    “Kunin mo na ang bag mo at sumunod ka sa loob” ang tanging nasabi niya kay Lyndon bago siya tumalikod rito at naglakad pabalik ng kanilang bahay.

Lyndon Bridge is Falling Down (completed) Self-Published Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon