Chapter 29

2.6K 150 24
                                    

Kitang-kita ni Isabella kung papaanong ang mga mukha na bumungad sa kanya ay nanlaki ang mga mata sa gulat, at bumuka ang mga bibig ng mga ito, bago nagsipag hiyawan ang mga ito at ang iba naman ay masayang tawanan ang lumabas sa mga bibig.
    Nanlaki rin ang mga mata ni Isabella nang parang mga excited na sisiw ang mga ito na nagsipag lapitan sa kanya. Puro babae ang mga naroon sa salas at nasa iba't-ibang edad. Pero mas nakaagaw ng kanyang pansin ay ang matandang babae, na binigyan daan ng mga ito para makalapit sa kanya.
     Nakita rin niya si Autumn na kumaway na lang sa kanya sa medyo kalayuan, dahil sa, hindi na ito makalapit sa kanya at halos dumugin siya ang mga excited na kamag-anak ni Lyndon.
     “Ahm” ang tanging nasabi ni Isabella ng hilahin na siya ng mga ito papasok sa loob.
     “Wait! Ako ang kamag-anak ninyo hindi ba? Your apo and pamangkin?" ang tanong ni Lyndon, at hinarangan pa nito si Isabella.
   " Bakit si Isabella ang binati ninyo ako hindi?” ang kunwaring pagtatampo ni Lyndon pero malapad ang pagkakangiti ng labi niya.
    “Umalis6ka diyan Lyndon!" ang giit ng matandang babae at marahan na hinawi si Lyndon.
    "Hindi kami excited sa iyo Lyndon, kundi sa magandang babae na kasama mo, hindi kami makapaniwala na may babae kang dadalhin dito sa amin, at laking pasalamat namin ngayon, at nawala na ang alalahanin namin, at isa ka ngang tunay na lalaki at hindi ka isang bakla!” ang sabi ng lola Olivia niya, at malakas na tawanan ang narinig sa salas.
    “Hindi ako bakla lola, itanong nyo pa kay Isabella at siya ang makapagpapatunay” ang mariin na sagot ni Lyndon sa mga ito.
     "Siyanga? Eh dapat matulis ka rin, baka you're shooting blank bullets? Aba, kailangan na matesting na iyan kung makakabuo" ang pilyang sagot ng lola ni Lyndon at kita ang pamumula ng mga pisngi ni Isabella. Yup, ang naughtiness, really runs in his family, ang sabi ni Isabella sa sarili.
    “So Isabella pala ang pangalan mo?” ang tanong ng lola ni Lyndon sa kanya.
    “O-opo Mrs.”-
    “Just call me lola Olivia, and I’ll call you Bella, tama ang name mo sa iyo, you’re so pretty, nadagdagan na naman ang magaganda sa lahi natin” ang sagot nito.
    Lumapit si Autumn sa kanila at masayang binati si Isabella
    “Its good to see you again Bella, alam mo bang hirap na hirap akong itago na may dadalhin na girl si Lyndon, gusto ko kasing makita ang surprised look sa mga ito” ang paliwanag ni Autumn "kaya pigil na pigil talaga ako, muntik6oa ngang madulas ang dila nitong si Ace eh" ang inis na sabi ni Autumn.
    “Matagal ka na bang itinatago sa amin ni Lyndon?” ang usisa ng lola ni Lyndon sa kanya.
    “Ahm, hindi naman po” ang nahihiyang sagot ni Isabella. She was caught by surprise, hindi niya inaasahan ang magiging reaksyon ng pamilya ni Lyndon. It was soo different with Ylmas’ family.
    “Lyndon ang galing mong pumili ha, halatang mahilig ka talaga sa malaki ang dibdib ano?” ang pilyang sabi ng lola ni Lyndon, kaya na mula na naman ang mukha ni Isabella at isang malakas na tawa naman ang lumabas sa bibig ni Lyndon sabay akbay sa kanya, at hinagkan siya nito sa ibabaw ng kanyang ulo.
    "Maigi yan, maraming gatas, hindi magugutom ang anak ninyo kapag wala kang pambili ng gatas Lyndon" ang biro ng lola nito.
    "Oh I would never do that to my kids lola" ang sagot ni Lyndon.
    “You’re dad’s, already here Lyndon” ang sabat naman ni tita Minerva niya ang mama ni Ace.
    “I'm here!” ang sagot ng isang lalaki at natuon ang mga mata ni Isabella sa papalapit na may edad na lalaki. Kulay gray na ang buhok nito ngunit may tikas pa rin. Bigla na naman siyang nakaramdam ng kaba ng makita niya ang daddy ni Lyndon na papalapit sa kanila.
   Hindi inalis ni Lyndon ang pagkaka-akbay sa kanya, at naramdaman niya na pinisil nito ang kanyang balikat and she looked up to him, and they exchanged smiles.
    “Lyndon” ang bati sa kanya nito, nagyakap ang dalawa at pagkatapos ay natuon sa kanya ang mga mata nito na kulay asul din, katulad ng mga mata ni Lyndon.
    “Dad, I would like you to meet Engineer Isabella Dueñas, my fiancée” ang mariin na pagpapakilala ni Lyndon kay Isabella. At mas lalong naging maingay sa loob dahil sa hiyawan ng mga ito sa labis na tuwa dahil sa ibinalita ni Lyndon.
    Nakita niya ang gulat at tuwa sa mga mata ng daddy ni Lyndon, at nagulat siya na hindi siya kinamayan nito kundi, kinabig siya papalapit sa dibdib nito para yakapin siya ng mahigpit.
    “You’ve got a good catch here Lyndon, she’s very pretty, welcome to our loud and chaotic but a very happy family Isabella” ang nakangiting sabi sa kanya ng daddy ni Lyndon, "mabuti at nagustuhan mo ang anak ko Isabella" ang dugtong pa nito.
   “Th-thank you” ang nahihiyang sagot ni Isabella, “please, just call me Bella” ang dugtong niya.
   “And call me dad” ang giit naman nito sa kanya.
    “Madadagdagan na naman ang pamilya natin!” ang excited na sabi ni lola Olivia.
    Lyndon’s dad rubbed his hands together, because of excitement “magkakaapo na rin ako!” ang masayang sabi nito.
    “Oh, hihiramin muna namin sa inyo si Bella at ipakikilala muna namin siya sa ating pamilya” ang masayang sabi ng lola ni Lyndon at hinawakan na nito ang kamay ni Isabella at hinila na nito papalayo kay Lyndon.
   “Hindi ba dapat sa akin kayo excited? Nagseselos na ako, hindi ko na dadalhin si Bella rito ulit” ang pabirong banta ni Lyndon.
   “Subukan mo, susugurin namin ang bahay mo sa Manila” ang pagbabanta rin na sagot ni lola Olivia.
   Napalingon na lang si Isabella kay Lyndon at wala na siyang nagawa ng hilahin na siya ng mga excited na kamag-anak ni Lyndon. Nagkapalitan sila ng tingin at isang malapad na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Lyndon at hindi rin niya napigilan na ngumiti.

  
    Lyndon watched Isabella being pulled away by his loving famiy. Yup, he insisted Isabella to come here, para maipakita niya rito na hindi lahat ng mayaman na pamilya ay katulad ng sa ex nito, gusto niyang matulungan si Isabella na maaalis ang insecurity nito of not fitting in. Pero, yun nga lang ba talaga ang dahilan? Ang tanong niya sa sarili habang pinagmamasdan si Isabella na ipakikilala ng kanyang lola sa malaking pamilya nila.
   She definitely fits in his family, ang sabi ni Lyndon. And it made him realised, na, isinama niya si Isabella rito, hindi para sa tulungan niya ito na maaalis ang insecurity, hindi para sa isla at hindi para sa CEO seat, kundi sa gusto niyang ipakilala si Isabella sa kanyang pamilya bilang fiancée niya.
   Oh-oh, Lyndon Bridge is Falling Down, ang sabi niya sa sarili.


    Hindi na halos matandaan ni Isabella ang mga pangalan ng kamag-anak na ipinakilala sa kanya ng lola ni Lyndon. Sa dami ng mga ito, nalito na siya, pero, hindi man niya matandaan ang pangalan ng mga ito, ay hindi naman mabubura sa isipan at damdamin niya ang mainit na pagtanggap sa kanya ng pamilya ni Lyndon.
    At mas lalo pa siyang natuwa ng mameet niya ang mga anak ni Autumn. Ang mga ito lang kasi ang mga natatanging bata sa pamilya. Mukhang si Ace palang ang may mga anak at asawa sa mga apo ni lola Olivia.
    “Mommy! She looks like a doll” ang humahangang sabi ni Brooke na panganay na anak nina Autumn at Ace.
    “Yes honey, she is, isn’t she?” ang nakangiting sagot ni Autumn sa anak, at namula naman ang mga pisngi ni Isabella dahil sa papuri ng anak ni Autumn.
     “Will you come to our house? I wanted to show you my dolls, you looked like one of them and she’s my favorite” ang hiling nito kay Isabella.
    “Sure Brooke, I would love to see your dolls” ang masayang sagot ni Isabella.
    “You have to ask Tito Lyndon first” ang sabat naman ni Lyndon mula sa likuran ni Isabella.
    “Tito!” ang masayang bati ng pamangkin ni Lyndon na si Brooke. Agad na yumakap ito at humalik sa pisngi ni Lyndon. Mukhang isang mabait na tito si Lyndon, ang sabi ni Isabella sa sarili.
    “Tito can I borrow tita Bella from you? Please?” ang pakiusap nito kay Lyndon, at namungay pa ang mga mata nito.
    “But she’s my doll?” ang sagot ni Lyndon sabay akbay kay Isabella.
   “Ibang laro naman nilalaro ninyo” ang sabat naman ni Ace sa tabi ni Autumn.
    “Oh yeah” ang pilyong sagot ni Lyndon.
    “We’ll visit you okey? We promise” ang pangako ni Lyndon sa pamangkin na labis ang saya na namutawi sa mukha nito.
    “Thanks tito, you’re the best” ang masayang sabi ni Brooke bago ito umalis.
    “Ahm Lyndon” ang mahinang sabi ni Isabella at idinikit ni Lyndon ang tenga sa bibig ni Isabella.
    “Naiihi na naman ako” ang mahinang sabi ni Isabella kay Lyndon.
    “Oh, excuse us, sasamahan ko lang si Bella sa toilet” ang pamamaalam ni Lyndon kina Autumn at Ace.
    “Oh sure, diretso na kayo sa likod sa may beach side, doon ang lunch natin” ang paalala ni Autumn sa kanila.
    “Tsk, Lyndon, mabilis lang ha” ang sabi ni Ace sabay kindat rito. At isang pilyong ngiti lang ang isinagot ni Lyndon sa pinsan.


    Napaka daming pagkain ang nakahain sa mahabang lamesa. Buffet style ang ginawang lunch ng pamilya para self-service na lang at less hassle.
   Hindi naman makapag desisyon si Isabella ng kakainin. Para kasing hindi maganda sa pang-amoy niya ang ibang pagkain.
    “Bella, alin ang napili mo?” ang tanong ni Lyndon sa kanyang tabi.
    “Hindi ko alam Lyndon, hindi pa kasi maganda ang sikmura ko” ang mahinang sagot niya.
    Kumunot ang noo ni Lyndon, at nag-alala ito.
    “Nasusuka ka ba?” ang bulong nito sa kanyang tenga.
    Umiling siya, “hindi naman, hindi ko lang gusto ang ibang pagkain, hindi sa, maarte ako, kinakain ko lahat iyan, hindi lang ngayon at, medyo hindi pa maganda ang sikmura ko” ang sagot ni Isabella.
    “You want me to buy something to eat sa labas?” ang offer ni Lyndon.
    Hindi niya napigilan ang ngumiti, dahil sa pag-aalala ni Lyndon.
    “No, may nagustuhan na ako” ang sabi ni Isabella at kumuha siya ng tatlong deviled egg, at inilagay niya iyun sa kanyang plato, saka tatlong slice ng tomato and cheese quiche.
   “Was that okey already?” ang tanong ni Lyndon sa kanya, habang hawak nito ang mga plato nilang dalawa. Nakapili na rin ito ng sariling pagkain.
    Tumangu-tango siya at umalis sa sila sa buffet table at nagtungo na sila sa mga hilera ng lamesa, naupo sila sa lamesa nina Autumn at Ace.
    “Iyan lang ba kakainin mo Bella?” ang tanong ni Autumn sa kanya.
    “Ah oo” ang sagot ni Isabella.
    “She’s not feeling well lately, lalo na sa umaga” ang sagot ni Lyndon, and it made Autumn and Ace looked at each other and they exchanged knowing looks.
    Nasarapan naman si Isabella sa pagkain kaya naubos niya itong agad at nagpaalam siya na muli siyang kukuha ng pagkain.
    “Gusto mo bang ikuha kita?” ang tanong ni Lyndon.
   “No ako na, excuse me” ang sabi niya sa mga kasama nila sa lamesa.
   “Kailan pa siya may sakit?” ang usisa ni Autumn kay Lyndon.
   “Hmm, mga two weeks ago pa, then, nahinto lang noong ako naman ang nakaranas ng pagkahilo at you know, noong gumaling naman ako, siya naman ulit” ang paliwanag ni Lyndon. At muling nagkatinginan sina Autumn at Ace.
 
 
  They stayed outside for a long while para mag kwentuhan, at sa mga sandaling iyun ay ilang beses na nag-excuse si Isabella para magpunta S toilet. At sa pagkakataon naman na iyun, ay nag-offer si Autumn na samahan niya si Isabella sa loob. Pero sa pagkakataon na iyun, Autumn took her in one of the rooms upstairs that has its own toilet. Matiyaga siyang hinintay ni Autumn at naupo ito sa kama habang nasa loob siya ng toilet.
   Pagkatapos niya ay lumabas na siya ng banyo.
   “Thank you Autumn” ang sabi niya rito.
    “You’re pregnant, aren’t you?” ang biglang tanong sa kanya ni Autumn.

Lyndon Bridge is Falling Down (completed) Self-Published Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon