Sunod nilang pinuntahan ay ang Halea Nature Park, isa rin itong maliit na isla na protektado ng gobyerno kaya mahigpit din ang pagbabantay sa pagpapanatili ng ganda ng isla.
At dahil sa inabutan na sila ng tanghali pagdating nila sa Halea ay nagdesisyun na muna silang mananghalian. At dahil nga sa protected area na rin ito at dahil na rin sa ayaw na nila na maghakot ng mga gamit ay sa bangka na sila kumain ng tanghalian habang nakadaong ito sa mababaw na parte ng tubig.
Pero, habang kumakain ay di pa rin nila maiwasan ang pagmasdan ang napakagandang tanawin ng Halea, at ang tubig ng dagat ay napakalinaw, kagaya ng tubig sa may villa. Kung hindi nga lang nature reserve ang isla baka naisipan na rin pareho nina Lyndon at Bella na magtayo ng negosyo nila rito.
At nagsimula na nga silang kumain sa may bangka kasabay ng masarap na pagkain ay ang masayang kwentuhan nilang makakasama.
Muling pinagmasdan ni Lyndon ang mga pagkain na nasa baunan at laking pasalamat niya ng makakita siya ng hipon. Hindi ito buttered tulad ng nakasanayan niyang luto pero dahil sa sariwa ang hipon ay lasang – lasa niya ang manamis-namis na laman nito.
At dahil sa halos lahat ay kumakain ng nakakamay ay napilitan na rin si Lyndon na kumain gaya ng mga kasama nila. Hindi niya alam na palihim siyang sinusulyapan ni Bella.
“Lyndon, pwedeng gumamit ng kutsara kung di ka marunong magkamay kaysa pahirapan mo sarili mo” ang mahinang sabi ni Bella sa kanya.
Umiling si Lyndon, “baka mamaya may marinig na naman ako diyan sa bibig mo” ang sagot ni Lyndon na may bahid ng pag-aakusa.
“Sus! Ano naman ang gusto mong marinig sa bibig ko?” ang walang malay na tanong ni Bella sa kanya habang sumusubo ng kanin sabay kagat ng hipon at ensaladang gulay.
I want to hear you moan, ang biglang pumasok sa kanyang isipan, na mabilis niyang pinawi. Shit, this can’t be serious, kung anu-ano na ang pumapasok s isipan niya. Was this because of him being celibate for a years?
Hindi na siya sumagot at hinayaan na pinalagpas na lang niya ang sinabi ni Bella, nagpatuloy naman sila sa pagkain habang nakikinig sa mga kwento ng bumabangkang si kuya Tino.
At nang muntik ng mabilaukan si Lyndon dahil sa ginawa ni Bella, kumakain ito ng hipon at wala namang masama sa pagkain nito. Pero nang simulan nitong sipsipin ang ulo ng hipon ay nagtayuan ang mga balahibo niya ng marinig ang tunog na gawa ng bibig nito.
“Hmm, uhmm” ang mga tunog na namutawi sa labi ni Bella habang sarap na sarap sa pagsipsip sa ulo ng hipon.
Of course, wala namang malisya sa ginagawa nito, tila ba ang isip niya ng mga sandaling iyun ay punong-puno ng malisya. Talaga bang ganuon na siya katigang kaya ultimo pagkain at pagsipsip ng hipon ay erotic ang dating sa kanya? At hindi lang isipan niya ang may reaksyon ng mga sandaling iyun dahil pati ang pagkalalaki niya ay napukaw ang pansin nito.
Oh shit! This is great! Ang sabi niya sa sarili, he was having a hard on, habang nakasuot ng basang board shorts at siguradong babakat ang junior niya. Agad niyang ipinatong ang hawak na plato sa kanyang mga hita, para matakpan ang kanyang hinaharap.
Pero dahil sa patuloy pa rin sa pagsipsip si Bella, he started to get annoyed again, at si Bella ang napag diskitahan niya.
“Will you stop that?” ang mariin pero mahinang sabi ni Lyndon kay Bella na natigilan sa ginagawa nito at kumunot ang noo na tumingin sa kanya.
Nagtaka na naman si Bella sa galit na tono ng pananalita nito, ano bang problema nito ngayon? Masama na ba ang kumain? Ang galit na sabi ni Bella sa sarili. Kanina ay okey na silang dalawa.
“Bakit ba?” ang taka na tanong ni Bella rito, ano na naman ba ang problema ng lalaki na ito? Nandidiri ba ito sa paraan ng pagkain niya ng naka kamay? Huh, mayayaman talaga! Bayot! Ang inis na sabi ni Bella sa isipan niya.
Wala siya sa mood na makipagtalo ng mga sandaling iyun, gusto niyang maenjoy ang pagkain at ganda ng tanawin, dahil bukas, balik na naman siya sa abalang buhay niya sa Cebu. Kaya, hindi na niya hahayaan pa na sirain ng maarteng lalaki na ito ang bakasyon niya.
Tinalikuran na lang niya ito at nagpatuloy sa pagkain at ng maubos na niya ang pagkain ay inilagay na nila ang mga natirang pinagkainan sa isang kaldero. Saka na sila nagsipagbaba ng bangka at naiwan pa si Lyndon na kumakain.
Habang ang lahat ay abala sa pag kuha ng mga litrato, sina Mico at Lea naman ay nagpalipad pa ng drone, siya naman ay naupo sa may dalampasigan at pinagmasdan ang mga ito. Nakuha rin ng kanilang pansin ang isang malaking angkla ng barko na nakabaon sa may buhanginan.
Naalala niya ang kanyang buhay sa Cebu, ang tagal ng panahon na muli siyang tumigil para magpahinga. Simula noon, simula ng mangako siya sa sarili na di na muling paaalipusta ay ang buhay niya ay para ng roller coaster na hindi na humihinto. Parang jeep sa highway na hindi na pumapara. Ngayon lang muli. At tulad kagabi, habang naglalakad siya sa may dalampasigan sa villa, ay naalala niya ang mga pinadaanan niya sa buhay. At hanggang ngayon ay may kirot at hapdi itong dulot sa kanyang puso. Kaya naman, para di niya ito maramdaman ay ginawa niyang abala ng husto ang sarili.
“Sorry” ang sabi ng isang boses mula sa kanyang likuran, na pumutol sa kanyang pagmumunimuni. Mabilis niyang nilingon ang pinanggalingan ng boses at nakita niya na nakatayo si Lyndon sa kanyang likuran.
“Pwede bang umupo sa tabi mo?” ang tanong nito sa kanya. Napabuntong-hininga siya at nagkibit-balikat, at muling itinuon ang mga mata sa malawak at kulay asul na dagat, na sing kulay ng mga mata ng lalaking katabi niya ng mga sandaling iyun.
“Sorry.. Nga pala.. Sa.. Sinabi ko kanina” ang nahihiyang sabi ni Lyndon sa kanya na naupo sa kanyang tabi habang nilalaro ng mahahabang daliri nito ang pinong buhangin.
Napabuntong-hininga na lang si Isabella, “kalimutan na natin iyun, pasensiya ka na rin kung, di ka sanay na makakita ng barbarong paraan ng pagkain” ang sagot ni Isabella na nangingiti.
Napailing si Lyndon, “hindi naman sa ganun” ang kanyang pagtanggi, dahil sa totoo lang naman ay hindi naman talaga ang paraan ng pagkain nito ang problema.
“Hayaan mo na yun” ang muling sagot nito sa kanya. At tahimik na silang naupo sa may dalampasigan, at pinanuod na lang nila ang mga kasamahan na enjoy na enjoy sa paglanggoy at pagkuha ng mga litrato at videos.
“Masarap din pala na mag time-out paminsan-minsan” ang biglang sambit ni Lyndon, na ibinaluktot ang mga tuhod pataas para ipatong ang mga braso niya sa ibabaw ng kanyang tuhod.
“Hmm, oo, busy rin ba ang buhay mo sa Maynila?” ang tanong ni Bella, na naka indian seat naman sa buhanginan.
“Hmm, medyo” ang matipid na sagot niya, hindi niya alam kung dapat ba niyang ikwento ang personal na buhay niya, “ikaw? Busy ka rin ba sa Cebu?” ang balik tanong naman niya.
“Oo, pero, masaya ako sa kung anong buhay meron ako” ang sagot nito sa kanya. He wanted to asked more, to know more, pero, ayaw din naman niya na mausisa ang buhay niya, kaya hinayaan na lang nila na hanggang sa ganun kaliit na detalye na lang ang alam nila sa mga buhay nila. Tutal, bukas ay maghihiwalay na rin naman sila ng mga ito, at mawawalan na rin ng komunikasyon.
“Halika” ang yaya ni Bella kay Lyndon sabay tayo nito at pagpag ng mga buhangin na dumikit sa kanyang suot na shorts at hita.
Sumunod din si Lyndon at tumayo, nagpagpag din ito ng mga buhangin sa shorts at binti nito.
“Saan?” ang tanong ni Lyndon habang inaalis ang dumikit na puting buhangin sa hita niya.
“Akyatin natin yun” ang sagot ni Bella sabay turo sa mataas na batuhan sa likuran nila.
Kunot ang noo na tiningnan ni Lyndon ang matarik na mga batuhan, at medyo may pag-aalangan siya, he’s not the adventurous type.
“Delikado yata na umakyat dun” ang alangan na sagot ni Lyndon.
“Ano ka ba” ang nakangiting sagot ni Bella, “may daan pataas, ayun oh” sabay turo nito sa isang daan na natatakpan ng mga puno ng niyog at halaman.
“Baka madulas ang batuhan” ang sagot pa rin ni Lyndon.
“Bayot talaga” ang bulong ni Isabella na napakamot sa kilay nito.
“Ano yun?” ang tanong ni Lyndon nang hindi masyado naintindihan ang sinabi ni Isabella.
“Wala! Halika na” ang yaya ni Isabella at hinawakan niya ang kamay ni Lyndon at hinila niya ito para sumunod sa kanya, at walang nagawa si Lyndon kundi ang sumunod dito.
He could say no, pwede niya itong tanggihan ng mga sandaling iyun, pero nang magdaop ang kanilang mga palad ay hindi na niya nagawa. Their entwined hands felt good together.
Inakyat nila ang mabato at matarik na daan patungo sa tuktok, may mga sandaling tumitigil sila para hintayin sa pag-akyat si Lyndon.
Isang ngiti ang napako na sa mga labi ni Isabella habang pinagmamasdan si Lyndon paakyat. Hindi siguro talaga ito sanay sa mga ganitong lakarin, ang sabi niya sa sarili.
“Kaya pa?” ang nakangiting tanong niya rito, tumingala ito sa kanya at nagtaas ng isang kilay. Magkahawak pa rin ang kanilang kamay, hanggang sa maabot na nila ang pinakatuktok, at halos tumigil ang kanilang paghinga ng tumambad ang magandang tanawin mula sa itaas.
“Wow” ang sambit ni Lyndon habang nakatanaw sa malawak na dagat.
“Gi-ingnan ta ka” ang sagot niya kay Lyndon, na may ngiti sa mga labi.
“Wha-at” ang takang tanong ni Lyndon at di niya mapigilan na hindi tingnan sa mukha ang babaeng katabi, na hanggang sa mga sandaling iyun ay magkahawak pa rin ang kanilang mga kamay.
Pero hindi ito sumagot at isang malapad lang na ngiti ang isinagot sa kanya nito, tahimik lang sila na dalawa, hinayaan nila ang sandali na dumaan kasabay ng malakas na ihip ng hangin.
Maya-maya pa ay natanaw na sila ng iba pa nilang mga kasama at mga nagsipag akyatan na rin ang mga ito, kaya mabilis silang nagbitaw ng mga kamay mula sa pagkakadaop nito kanina.
“Wow! Ang ganda pala rito!” ang mangha na sabi ng mga ito ng maakyat ang tuktok. At napuno na muli ng ingay ng usapan at tawanan ang mga sandaling iyun. Hanggang sa magdesisyun na silang bumaba para bumalik sa bangka at bumalik na sa villa, dahil nga balak pa nila ang mag-inuman sa may poolside bago pa sila mag hiwa-hiwalay.
Pagdating nila ay agad na nag-abot ng pera si Lyndon kay kuya Tino para pambili ng beer at pulutan nila.
“Wow! Ang generous! May pa beer si mayor” ang panloloko nila kay Lyndon.
“Wala eh, natalo ako kanina” ang sagot lang ni Lyndon.
“Hindi ba sabi mo ako sa pulutan?” ang tanong ni Bella, “kasi nandaya ako?” ang nakangiting tanong nito.
Nagkibit-balikat lang si Lyndon at sumagot din ng ngiti.
“Ano po ba ang gusto ninyo?” ang tanong ni kuya Tino.
“Kayo na po bahala kuya, yung madaling lutuin o kaya kahit yung luto na, basta kayo po” ang sagot ni Lyndon.
“Ay, lechon manok na lang at may alam din akong bilihan ng crispy pats sa bayan, initin na lang natin dito” ang sagot ni kuya Tino.
“Kahit ano po kuya, mukhang masarap po” ang sagot muli ni Lyndon.
“Sige, kita-kits na lang tayo mamaya at kailangan na natin na magshower” ang sagot ni Isabella at nauna na siyang naglakad paakyat ng hagdan.Inilabas ni kuya Tino ang portable speaker nila sa bahay at nagpatugtog sila ng musika habang sila ay nakaupo na sa may poolside at may mga hawak ng tig-iisang bote ng beer.
Ibinigay ni Lyndon ang dalawang crispy pata sa pamilya ni kuya Tino para ulam ng mga ito, habang sa kanila ang dalawang lechon manok, at isang crispy pata, at nakasalang sa ihawan ang dalawang malalaking isda na iniihaw ni kuya Tino, na kahit abala sa pag-iihaw ay makwento pa rin ito.
Mamimiss ni Isabella ang ganitong buhay, kahit panandalian lang ay nahubad niya ang maskarang suot niya ng matagal na panahon at masaya siya dahil sa mga taong ito niya naipakita muli ang tunay na katauhan niya. Ang masayahin at ang simpleng si Isabella.
Lingid sa kaalaman ni Isabella ay taimtim naman siyang pinagmamasdan ni Lyndon, na kunwari na nakikinig sa mga kwento ni kuya Tino. She really piqued his interest, parang may itinatago itong katauhan. Dahil minsan ay tahimik at parang malungkot ito, at minsan naman ay bigla itong magpapakita ng kasiyahan.
Tumagal din ng ilang oras ang masaya nilang goodbye party, ika nga nila, nang unti-unti ng magkayayaan ang iba para umakyat at matulog.
“Paano, hanggang bukas na lang muli sa huli nating pamamaalam at kami ay matutulog na” ang pamamaalam ni Mico na nag-inat pa muna ng tumayo ito, kasabay niya ang kanyang fiancee na si Lea.
“Para namang matutulog na kayo” ang pabirong sagot ni Pia.
“Tsk, kasama na yun” ang natatawang sagot naman ni Mico.
“Congrats ha Mico at Lea” ang bati ni Isabella, na sinsero ang pagbati ni Isabella sa dalawang magkasintahan.
“Thank you, sana magkita-kita pa tayo ulit para maimbitahan ko kayo” ang sagot ni Lea.
“Sa honeymoon nyo na lang kami imbitahan” ang biro ni Pia at isang malakas na tawanan ang narinig sa poolside. Bago umalis ang dalawang magkasintahan.
“Ako rin ay magpapaalam na sa inyo at maaga pa ako bukas” ang sagot naman ni kuya Tino.
“Tulungan na po namin kayo sa pagliligpit” ang alok nila.
“Hindi na at ang misis ko na nag bahala diyan” ang pagtutol ni kuya Tino.
“Naku naman, madali lang naman ito” ang sagot ni Isabella at sinimulan na nilang hakutin ang mga tirang pagkain sa loob ng bahay, habang si Lyndon ang nagbalik ng mga bote sa case. Sa kusina naman ay naroon na ang misis ni kuya Tino at ito na ang naghugas ng mga plato na ginamit nila.
“Paano? See you tomorrow, mamimiss ko kayo pagbalik ko ng Davao” ang sabi ni Pia.
“Ikaw rin” ang sagot ni Isabella at pinagmasdan nila si Pia na pumasok sa loob ng villa.
“Beer pa?” ang mahinang tanong ni Isabella kay Lyndon na nakaupo sa isang lounger sa kanyang tabi.
“Sure” ang matipid na sagot nito.
Iniabot niya ang isa dalawang bote ng beer na nasa cooler at binuksan iyun ni Lyndon at ibinalik sa kanya ang isang bote.
“Thank you” ang mahinang sabi ni Isabella. Tahimik lang sila na uminom ng beer, hindi nila alam kung anong sasabihin sa isa’t isa. Nang makalahati na ni Isabella ang laman ng kanyang bote ay nagdesisyun na siya na umakyat para bumalik sa kanyang kwarto. She needed to get back to reality, as soon as possible. Hindi niya nagugustuhan ang kakaibang damdamin na nararamdaman niya ng mga sandaling iyun.
“So, mauna na ako, maaga pa ang biyahe bukas” ang sabi niya sabay tayo niya sa kanyang kinauupuan.
“Sige, I’ll stay here for a while” ang sagot ni Lyndon, “goodnight” ang bating pamamaalam niya.
“Goodnight my bayot” ang pabirong sabi ni Isabella sabay lakad nito papasok ng villa. At pinagmasdan niya si Isabella na papasok sa loob ng villa. Napailing siya at kumunot ang kanyang noo, dahil sa mga huling sinabi nito na hindi niya naintindihan.
Kinuha niya ang kanyang telepono at tiningnan ang ibig sabihin ng sinabi nito, at nanlaki ang butas ng kanyang ilong ng malaman ang ibig sabihin ng mga huling salita na sinabi nito sa kanya. Mabilis niyang tinungga ang laman ng bote ng kanyang beer at galit na pumasok sa loob ng villa para sundan si Bella.
BINABASA MO ANG
Lyndon Bridge is Falling Down (completed) Self-Published
RomanceSelf published Strictly for mature readers only 18 and up!! Everyone has an achilles heel, and someone is finally going down. Lyndon DuPont Bridge, was known for being stern and strict. When it comes to work and with women. Kilala siya bilang supl...