Gustuhin man niya na siya ang magmaneho ng kanyang sasakyan papunta sa destinasyon nila ay pinaubaya na lang niya Kay Lyndon ang pagmamaneho. Lalo pa at hindi ito patitinag hangga’t sa hindi ito masusunod.
Kaya niyang makipag matigasan rito, hanggang sa sumuko ito pero, sa pagkakataon na iyun ay pinagbigyan niya si Lyndon. At dahil lang iyun sa kumukuha na sila ng atensyon ng kanyang mga kapit-bahay.
“Ako na ang magdidrive” ang sabi nito paglabas nila ng gate ng kanyang bahay.
“Ako na, ako ang nakakaalam ng daan, kaya ako ang dapat na magdrive” ang sagot niya.
“Marunong ako sumunod at umintindi ng direksyon, sabihin mo sa akin ang daan” ang giit nito.
“Sinabing ako na, mas mapapadali tayo kapag ako na ang magmaneho at hindi na ako kailangan pang magbigay ng mga direksyon” ang giit niya.
Pareho silang nakatayo sa may tabi ng drivers side at medyo tumataas na rin ang mga boses nila kaya napansin ni Isabella na tinitingnan na sila ng kanyang matandang kapit-bahay.
Nahihiya niya itong tiningnan at nginitian, at halata sa mga mata nito na curious ito sa lalaking kasama niya, dahil sa ngayon lang din naman siya nakita ng mga ito na may kasama sa bahay niya, lalo pa at isang lalaki.
“Ah, maayong buntag, lola Fe” ang masaya niyang bati at pinilit niya ang ngumiti ng malapad, dahil sa alam niya na interisado ito na malaman kung sino ang lalaki na katabi niya ng mga sandaling iyun. Si lola Fe ay isa sa matagal na niyang kapit-bahay at mausisa ito at makwento.
“Bella, sino ang kasama mo?” ang agad na tanong nito.
“Ah”
“Good morning po!” ang masayang bati ni Lyndon, sabay akbay nito sa kanya, “fiancé po ako ni Bella” ang pagpapakilala nito.
Naloko na, ang sabi ni Isabella sa sarili, parang apoy na kakalat ang balita, isang araw lang sigurado na buong baranggay nila ang makakaalam ng tungkol rito.
Nakita niya na nagliwanag ang mukha ng eighty one years old na matanda. At napahawak pa ang mga kamay nito sa dibdib.
“Talaga? Naku, ang gwapo naman ng fiancé mo Bella, marunong kang pumili” ang nakangiting sabi nito sa kanya.
“Oh I like her” ang bulong ni Lyndon at kumunot ang noo niya rito.
Lumapit si Lyndon sa matandang babae na nasa loob ng bakuran nito at iniabot niya ang kanyang kamay sa matanda.
“Pwede ko po bang malaman ang pangalan ng isa sa pinakamagandang babae na nakita ko?” ang malambing na sabi ni Lyndon sa matandang babae na natawa sa sinabi nito at halatang kinilig.
“Hi hi hi, may pagkapilyo ka pala, ako si lola Fe” ang sagot nito sabay abot ng kamay nito kay Lyndon.
“Ako po si Lyndon” ang malambing niyang sagot, “kung alam ko lang na may mas maganda pala na babae na nakatira sa tabi ng bahay ni Bella, siguradong ikaw ang niligawan ko” ang sagot ni Lyndon, at isang tawa ang lumabas sa mga labi ni lola Fe.
“Siguradong hindi kayo malikot matulog gaya ni Bella” ang dugtong pa ni Lyndon na nagpatawa ng malakas sa matandang babae.
Ang sinabing iyun ay ikinapula ng mga pisngi ni Isabella, ano na lang ang iisipin ng matandang babae, kung anong ginawa nila sa kanyang bahay? Siguradong hindi malayo na mapabalitang buntis na siya, ang sabi niya sa sarili.
“Lyndon, kailangan na nating umalis” ang malakas na pagtawag niya kay Lyndon, at bigla siyang napakapit sa kotse ng makaramdam siya ng pagkahilo.
Mabilis na lumapit sa kanya si Lyndon at mukhang napansin nito ang nangyari sa kanya dahil sa nakakapit siya sa sasakyan.
“Are you okey?” ang alalang tanong sa kanya ni Lyndon at hinawakan siya nito sa kanyang bewang.
“I’m okey, I think you better drive” ang sabi niya kay Lyndon.
“I think we both needed some coffee” ang sabi ni Lyndon sa kanya, inalalayan siya nito papasok sa passenger side.
Her stomach began to feel queasy, dahil siguro sa gutom na siya. But, she’s used to not eating breakfast, kape lang talaga ang iniinom niya sa umaga. Pero, dahil na rin siguro sa stress niya nitong mga nakaraan na araw ay nag-iba ang sistema ng katawan niya at nakakaramdam na siya ng gutom.
“I think you better eat something” ang sabi ni Lyndon sa kanya, habang nagmamaneho na ito. She watched him maneuvered the steering wheel. He is a good driver ang sabi niya sa sarili. Ano kayang kotse ang minamaneho ng isang Lyndon Bridge? Malamang sports car, iyun ang mga minamaneho ng mga mayayaman na lalaki, ang sabi niya sa sarili. At naalala niya si Ylmas, ang magarang sasakyan na gamit nito noong sinusundo siya nito sa kolehiyo. At ang nangyari sa backseat ng sasakyan nito, kung saan ibinagay niya ang kanyang pagkabirhen.
Pilit niyang inalis sa kanyang isipan ang lalaking yumurak sa puso niya, at muli niyang itinuon ang atensyon sa labas ng bintana at tinanaw ang tanawin sa labas.
“Coffee and bread, okey na ba sa iyo?” ang tanong sa kanya ni Lyndon.
“Oo” ang matipid niyang sagot, kahit pa parang hinahalukay ang kanyang sikmura.
He maneuvered the car sa parking lot ng isang coffee shop na una nilang nakita, he parked the car and turned of the engine.
“Wait, I’ll open the door for you” ang sabi ni Lyndon sa kanya, but she refused, she’s not an invalid, hindi nito kailangan na gawin ang lahat para sa kanya. She’s used to doing things by herself, kung di lang masama ang pakiramdam niya. Lumabas ng kotse si Lyndon pero hindi na niya ito hinintay pa at binuksan niya ang passenger door. Nakita niya ang disgusto sa mukha nito.
“Can’t you wait?” ang inis na tanong ni Lyndon sa kanya.
“What?” ang inis din na tanong niya with what her feeling right now, she’s irritated with anything.
“Hindi ba sabi ko pagbubuksan kita ng pinto?” ang sabi sa kanya ni Lyndon, who’s giving a big deal sa pagbubukas nito ng pinto para sa kanya.
“It’s just a door” ang mariin na sabi niya.
“I’m the man, and I’m supposed to open the door for you” ang giit nito sa kanya.
“Oh please, I’ve been opening the door for myself for so many years now” ang inis niyang sabi kay Lyndon.
“Well starting today I’m your fiance and I will open the door for you, lalo na kapag nasa Manila na tayo” ang giit nito sa kanya.
“Why? Because of some stupid male ego?” ang inis na sagot niya. Hindi siya makapaniwala na nagtatalo sila sa labas ng coffee shop ng dahil lang sa pagbubukas ng pintuan ng kotse. Mukhang hindi talaga sila makakasundo ni Lyndon, marami silang hindi pagkakasunduan. With them living together it is going to be hell.
“It’s not about my ego, its about me being your fiancé” ang giit ni Lyndon. And he stopped short, he realised that, masyado na niyang dinidibdib ang pagiging fiancé ni Isabella. He was acting like his true boyfriend. He’s getting out of hand ang sabi niya sa sarili.
Tumangu-tango siya, “I’m sorry, I shouldn’t have pushed it to you, alam ko na sanay ka na gawin ang lahat mag-isa” ang sabi niya.
“No its okey, we can compromise” ang sagot ni Isabella na pilit na inintindi ang side ni Lyndon, na bago para rito. Kadalasan na masusunod ang gusto niya, kahit pa humantong sa pakikipagtalo, but with Lyndon, she was ready to meet him in the middle.
“OK, if its part of our charade then, you can do that for me, now, can we have some coffee and eat something, or any moment now I’m going to collapse here in the parking lot” ang sabi niya kay Lyndon.
Lyndon sighed, and shook his head, mabilis siyang hinawakan nito sa kanyang balikat at inalalayan siyang pumasok sa loob ng coffee shop.
She’s really not feeling well again that morning, and the smell of the freshly brewed coffee didn’t help to lessen the queasy feeling in her stomach. Usually ang masarap na amoy ng bagong lagang kape ay nagpapagising sa kanya, pero ngayon ang amoy nito ay gusto niyang masuka.
“Do you want to eat something heavy? Mayron silang English and Filipino breakfast?” ang tanong ni Lyndon sa kanya.
“No, sandwich lang” ang sagot niya habang naupo siya sa upuan na hinila para sa kanya ni Lyndon.
“Coffee would be usual right?” ang tanong nito sa kanya, at tanging pagtango na lang ang isinagot niya.
Naghintay siya at pinagmasdan niya si Lyndon na nakatayo sa may counter, pinagmasdan niya ang profile nito. Napaka gwapo nito at tikas ang sabi ni Isabella sa sarili. With his height, he drew a lot of attention lalo na sa mga babae. And, napaka maasikaso nito, ang sabi pa niya. Alam niya na hindi palabas ang pag-asikaso nito sa kanya, marahil na ladies man lang talaga ito, at tulad ng sinabi niya ladies. Hindi lang siya ang nag-iisa. Marahil nga na may magugustuhan itong iba, pero dahil lang sa gusto nito na makuha ang isla ay napilitan ito na magkunwaring fiancé niya.
Nakapa niya ang singsing na nasa kanyang kaliwang kamay, at pinaalala nito na ang lahat ay deal lang para sa kanila. Habang suot niya ang diamond ring, may deal pa rin sila.
Isang ngiti ang binati niya kay Lyndon, habang papalapit ito sa kanya bitbit ang tray ng kanilang kape at pagkain.
Inilapag ni Lyndon ang kape sa kanyang harapan, ito ang gusto niyang kape at natandaan ni Lyndon ito. Espresso, but the moment, the coffee’s aroma whiffed her nostrils, biglang bumaligtad ang sikmura niya.
“I-I don’t like it Lyndon” ang sabi niya kay Lyndon na naupo na sa kabilang side ng lamesa sa kanyang harapan.
“Pero, hindi ba espresso ang gusto mo?” ang tanong nito sa kanya.
Tumangu-tango siya, “oo, pero, hindi ito gusto ngayon ng sikmura ko, I’ll get something new” ang sabi niya at tatayo na sana siya pero pinigilan siya ni Lyndon.
“Maupo ka lang, I’ll get you something new, ano ba ang gusto mo?” ang tanong nito sa kanya at pansin niya na he’s patient with her.
“Ahm, anything with cream please” ang sagot niya, “and I saw a waffle, can you get me some?” ang tanong niya rito.
Isang ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Lyndon at tumangu-tango ito.
“Of course” ang sagot nito sa kanya, bago ito tumayo para maglakad patungo sa counter. At ilang minuto pa ay bumalik ito dala ang bagong order niya.
“Ooh looks good” ang sambit niya at para naman naglaway ang bibig niya ng maamoy ang makrema na kape at waffle na may whipped cream at chocolate syrup.
Pagkalapag pa lang ni Lyndon ng waffle ay agad niyang dinampot ang kutsilyo at hinati ang waffle at tinusok niya ito ng tinidor, kinuskos pa niya ito sa whipped cream bago isinubo ang waffle.
“Hmmm” ang sambit niya, at magana niyang nginuya ang tinapay.
“I’m glad you like it” ang nangingiting sabi sa kanya ni Lyndon habang hinihigop nito ang sariling kape.
“It’s good you should try it” ang sabi niya kay Lyndon sabay lapit ng tinidor niya na may waffle. Agad naman na isinubo ni Lyndon ang waffle at nginuya iyun.
“Hmm, you’re right it is good” ang sabi ni Lyndon sa kanya.
“What coffee is this?” ang tanong niya at bumalik na rin ang gana niya sa pagkain.
“Flat white” ang sagot ni Lyndon bago ito kumagat sa ham sandwich nito.
Hunigop niya ang masarap na kape, “I like it, siguro ito na ang bagong paborito ko” ang sabi niya bago muling pinagtuunan ng pansin ang waffle niya na naubos niya sa ilang kagatan lang.
Mayron pa siyang sandwich na inorder sa kanya ni Lyndon, at dinampot niya iyun and she devoured the sandwich in three bites.
“Wow, you’re hungry” ang sabi ni Lyndon sa kanya, while he sipped his coffee.
“Bakit, hindi mo na ba itutuloy ang deal dahil sa malakas kumain ang fiancée mo?” ang pang-aasar niya kay Lyndon.
“Nope, never, you can eat the whole menu for all I care but the deal is still on” ang tanggi ni Lyndon.
“Sayang yung coffee, ipasalin mo sa paper cup”ang sabi niya kay Lyndon.
“Hmm you’re right, I paid a hundred and twenty pesos for a cup of coffee” ang sabi nito sa kanya bago ito tumayo dala ang tray na laman ang mga ginamit nila na plate at cups, para ibalik ito sa counter. At pagbalik nga nito ay dala na nito ang coffee to go. Hinintay niya si Lyndon na tulungan siya nito na tumayo at hinawakan siya nito sa bewang habang papalabas sila ng coffee shop.
There was a feeling of possessiveness sa mga braso nito, ang sabi ni Isabella sa sarili, o feeling lang niya ito. He’s just being a gentleman, marahil ay ginawa na nito ang ganitong gesture sa lahat ng nakasama nitong babae.
Muli silang sumakay sa kotse at nagsimula na naman na magmaneho si Lyndon, habang si Isabella ang nag bibigay ng direksyon. Halos dalawang oras na silang bumibiyahe. At napansin ni Lyndon na medyo nagiging mas rural na ang lugar. Marami ng makakapal na halaman at mga naglalakihan na puno.
The view became more provincial at napansin din niya na magkakalayo na ang mga kabahayan.
“Saan ba tayo pupunta Bella?” ang tanong niya, without sounding impatient.
“Iliko mo sa kaliwa, diyan sa rough road” ang sabi sa kanya ni Isabella at hindi pa nito sinagot ang kanyang tanong. Halos kalahating oras pa ang dumaan, bago nila natanaw ang isang maliit na bahay sa gitna ng isang bukid.
Habang lumalapit sila ay napansin niya ang dalawang matandang babae at lalaki na nasa labas, at nang makita ang sasakyan ay tumayo ito at hinintay silang makalapit.
Inihinto ni Lyndon ang sasakyan sa isang bakanteng lote. Mabilis na bumaba si Lyndon ng sasakyan at tulad ng sinabi ni Isabella ay hinintay siya nito na pagbuksan niya ito ng pinto.
Mabilis siyang lumapit sa passenger door para hilahin iyun pabukas at mabilis na lumabas ng kotse si Isabella at lumapit sa dalawang matanda na naghihintay sa kanila.. Nagyakap ang mga ito at nanatili si Lyndon na nakatayo sa tabi6sa sasakyan at pinagmasdan niya ang mga ito.
“Lyndon!” ang pagtawag sa kanya ni Isabella at sinenyasan siya nito na lumapit siya sa mga ito.
Mabilis naman siya na lumapit sa mga ito at nakita niya na nakangiti ang mga ito sa kanya.
“Lyndon, meet my parents” ang masayang sabi nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Lyndon Bridge is Falling Down (completed) Self-Published
RomanceSelf published Strictly for mature readers only 18 and up!! Everyone has an achilles heel, and someone is finally going down. Lyndon DuPont Bridge, was known for being stern and strict. When it comes to work and with women. Kilala siya bilang supl...