Tahimik ang biyahe pabalik nila ni tatay Rene sa villa. Pareho silang naapektuhan sa masinsinan at madamdamin nilang usapan nito sa harapan ng puntod ni Corazon. Naalala pa ni Isabella na hindi niya napigilan ang mga luha na namuo sa kanyang mga mata na pumatak. At pinahid iyun ni tatay Rene at nagpalitan sila ng malungkot na mga ngiti bago sila nagyakap na dalawa.
Matagal pa sila na nag-usap na dalawa sa harapan ng puntod, ikinuwento ni tatay Rene ang mga nakaraan nila ni Corazon, ang masasaya, ang malulungkot, pati na rin ang mga pag-aaway nilang dalawa at isang matapang daw na babae si Corazon at siya ang laging tumitiklop.
Nagpasya silang bumalik sa villa dahil sa oras na rin para kay tatay Rene na kumain ng agahan. Pero dahil sa mga napag-usapan nila kanina ay nanatili na silang tahimik pabalik ng villa. At pagkarating nga nila ay inalok siya ni tatay Rene na saluhan siya nito na kumain ng agahan. Pero, magalang niya itong tinaggihan.
“Halika muna sa loob Bella, saluhan mo ako na kumain” ang alok ni tatay Rene.
Marahan siyang umiling at ngumiti, “hihintayin ko po si Lyndon, nangako po kasi ako na hihintayin ko siya” ang sagot niya kay tatay Rene.
“O siya sige pero, baka sakali na magbago ang isip mo, punta ka lang sa loob para saluhan ako, danggit na dala ni Ylmas at sinangag ang almusal ko” ang nakangiting sabi nito sa kanya.
Isang mahina na tawa ang lumabas sa bibig niya, pero umiling siya.
“Hintayin ko po si Lyndon, dito lang po muna ako” ang sagot niya.
“O siya sige” ang sagot ni tatay Rene but they exchanged knowing glances, they speak with their eyes. Bago tumango si tatay Rene at tumalikod sa kanya at naglakad na ito papasok ng villa.
Pinagmasdan ni Isabella ang papalayo na si tatay Rene, napabuntong-hininga si Isabella, at saka siya naglakad patungo naman sa may dalampasigan para doon ay maghintay kay Lyndon.
Habang papalapit ay nakita niya ang nakadaong na isa pang bangka sa may mababaw na parte ng tubig. Walang tao ito, ito ang isa pang bangka ng villa, mas maliit ito kaysa sa isang bangka. Ang mas malaki siguro na bangka ang ginagamit sa paghatid at pagsundo sa mga bisita.
Tumayo siya sa may dalampasigan at hinayaan niyang mabasa ang kanyang mga paa ng marahan na alon ng malinaw na dagat. Isang malalim na hininga na naman ang pinakawalan niya.
Ang bigat ng isipin na ibinigay sa kanya ni tatay Rene, hindi niya alam kung anong gagawin niya, ang naguguluhan na sabi niya sa sarili.
“Lyndon” ang tanging nasambit niya habang nakatanaw siya sa kalayuan, at hinihintay ang bangka ni kuya Tino kung saan lulan si Lyndon.
“Mukhang mabigat ang isipin mo ah?” ang tanong ni Ylmas sa kanya mula sa kanyang likuran.
Mariin na napapikit ang kanyang mga mata, pilit niya itong iniiwasan, pero, alam niya na hindi ito mangyayari dahil na rin sa magkasama sila sa isang maliit na isla. Hindi siya lumingon at nanatili na lang siyang nakapako sa kanyang kinatatayuan at hinayaan niyang nakatuon pa rin ang kanyang mga mata sa kalayuan, at umaasa siya na dumating na si Lyndon.
Naramdaman niya ang paghakbang nito papalapit sa kanya, hanggang sa mapansin na lang niya ang presensiya nito sa kanyang tabi. Gayunpaman, nanatili siyang nakatingin sa malayo at hanggat maaari ay hindi kibuin si Ylmas.
“Kamusta na?” ang bati nito sa kanya. Pero nanatili na tikom ang kanyang mga labi.
“Alam ko na galit ka pa rin sa akin Bella, pero, sana, bigyan mo naman ako ng pagkakataon na makapag paliwanag at makahingi ng tawad Bella, pareho lang tayo na biktima ni mama” ang giit nito sa kanya.
“Please, hindi ako titigil hangga’t hindi mo ako kinakausap at pinakinggan ang paliwanag ko” ang banta nito sa kanya.
Muli siyang napapikit at napakagat ng kanyang labi, ayaw na niya na guluhin pa siya ni Ylmas, ayaw niya na guluhin pa sila ni Ylmas, lalo pa at may mabigat siyang dinadala na isipin ngayon, ang sabi niya sa sarili, at ayaw niyang dagdagan pa iyun ni Ylmas, na nalaman niya na naghahangad din sa Chez Corazon.
Wala pa naman si Lyndon, at saka sandali lang naman ang pag-uusap nila, hindi naman aabutin ng isang oras ong kalahating oras ang pag-uusap nila, bago pa dumating si Lyndon ay nakapag-usap na sila at hindi malalaman ni Lyndon na nakapag-usap na sila ni Ylmas, ang sabi niya sa sarili.
“Alright mag-usap tayo” ang sabi niya at saka lang niya tiningnan sa mukha si Ylmas at bumati sa kanya ang gwapong mukha nito na may malapad na pagkakangiti, na noon ay nagpapakilig ng kanyang buong katauhan.
“Salamat Bella” ang sinserong sabi nito. Luminga-linga ito at saka ito nagsalita na muli.
“Pwede bang sa may bangka tayo maupo?” ang tanong nito sa kanya.
Kumunot naman ang kanyang noo, “Bakit doon pa?” ang balik na tanong niya kay Ylmas, na napakamot sa batok nito.
“Para.. Para maiba lang” ang nakangiting sabi nito sa kanya.
Tiningnan ni Isabella ang bangka na nasa tabi, wala namang masama kung doon sila mauupo, hindi naman kalabisan kung mauupo sila bangka.
Napabuntong-hininga muna siya bago sumagot, “sige” ang matipid na sagot niya.
Ngumiti naman si Ylmas at inilapat nito ang kaliwang palad nito sa kanyang likod para marahan siyang igiya nito papalapit sa bangka. Nang makalapit na sila ay nagulat na lang siya ng maramdaman niya ang dalawang kamay nito na humawak sa kanyang bewang at iniangat siya nito para maisakay siya sa bangka, agad naman na napahawak ang kanyang mga kamay sa mga braso nito at dumikit din ang kanyang harapan na katawan sa katawan ni Ylmas.
Nang mailapag na niya ang kanyang mga paa sa sahig ng bangka ay mabilis siyang humakbang papalayo lay Ylmas na humakbang paakyat ng bangka.
Lumayo siya kay Ylmas at naupo siya sa gilid ng bangka, pero ng humakbang si Ylmas papalapit sa pwesto niya ay muli siyang tumayo at hinintay ito na makalapit. Para muling umiwas rito kaya nagpalit na ang kanilang pwesto.
“Maupo ka please” ang sabi ni Ylmas sa kanya at itinuro ang mababang upuan sa bangka.
Tiningnan niya ang mababa na upuan at agad naman siya na naupo at naghalukipkip ang kanyang mga braso. At hinintay na rin niya na maupo si Ylmas bago siya nagsalita.
“Naalala mo ba noong sumakay tayo ng bangka? Umarkila ako ng bangka at ako ang nagpaandar?” ang tanong ni Ylmas sa kanya.
“Yun ba ang pag-uusapan natin?” ang kunot noo na tanong niya.
“Naalala mo rin ba noong nasa laot na tayo? At yung nangyari sa bangka?” ang tanong ni Ylmas sa kanya. At naalala niya iyun, kaya namula ang kanyang mga pisngi.
“So, you wanted to talk? You may start talking huwag mo sayangin ang panahon ko Ylmas, dahil ayoko na abutan ako ni Lyndon na magkausap tayo” ang sabi niya kay Ylmas.
Natawa ito sa kanyang sinabi, “Bakit? Pinagbawalan ka b ang fiance mo na kausapin ako? Was he threatened by me?” ang natatawang tanong ni Ylmas.
Umirap si Isabella, “Hindi Ylmas, hindi kailangan ni Lyndon na matakot o mangamba sa iyo, dahil, walang itong dahilan” ang sagot ni Isabella na nagpabura ng ngiti ni Ylmas.
“Kung ayaw mo na makita tayo ng fiancé mo, let’s talk somewhere else” ang sabi ni Ylmas na nagpakunot ng noo niya.
“What are you talking about?” ang mariin na tanong niya kay Ylmas, pero hindi ito sumagot, sa halip ay naramdaman na lang niya na tumunog ang makina ng bangka. At nagsimula itong umikot papunta sa kabilang direksyon patungo sa laot.
Agad na napakapit si Isabella sa gilid ng bangka at nanlaki ang mga mata niya, at tiningnan niya si Ylmas na iginigiya ang bangka.
“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Ylmas?” ang galit na tanong niya.
“Mag-uusap tayo, doon sa hindi tayo makikita ng fiance mo” ang sagot nito sa kanya.
“Ibalik mo ako!” ang galit na utos niya at unti-unting lumalayo na sila. Pwede siyang tumalon para languyin ang pabalik ng isla na unti unti ng lumalayo sa kanyang paningin. Pero, natakot siyang tumalon, dahil baka, mapasama sa mga anak niya ang pagtalon at ang impact niya sa tubig. Hindi niya alam kung susubukan niya pero nakaramdam siya ng takot, kaya hindi siya nakatalon at saka malayo na sila sa isla, hindi niya alam kung kakayanin pa niya na languyin patungo roon lalo pa at nakamaong siya na pantalon.
“Lyndon” ang salitang lumabas sa bibig niya.
BINABASA MO ANG
Lyndon Bridge is Falling Down (completed) Self-Published
RomanceSelf published Strictly for mature readers only 18 and up!! Everyone has an achilles heel, and someone is finally going down. Lyndon DuPont Bridge, was known for being stern and strict. When it comes to work and with women. Kilala siya bilang supl...