Chapter 23

3K 143 26
                                    

Nakaupo na sila sa loob ng eroplano at ilang minuto na lang ay maglalanding na ito. She was seated next to the window at nakatanaw siya sa view sa labas. May kadiliman na, dahil na rin sa hapon na sila nakaalis, ng Cebu. At muli na namang sumagi sa kanyang isipan ang mga nangyari kaninang umaga sa kanilang bahay sa bukid. Napasulyap siya kay Lyndon na abala sa pagtinggin sa phone nito. Mukhang bumalik na ito sa pagiging Lyndon Bridge ang president ng Build Bridges Corporation. Pero, kanina lang sa bukid? Isa itong, parang batang maliit, at hindi niya maiwasan ang mapangiti habang nakatanaw sa labas.

 
     Kapag sa tuwing nasa bukid siya ay di na niya kailangan pa ng alarm clock. Tila ba kilala ng sistema niya ang pamilyar na lugar ng bukid. Pero hindi lang iyun, nakailang ihi na naman kasi siya mula ng makatulog siya na yakap siya at dantay ni Lyndon. At mukhang, effective nga ang ginawa nito, dahil sa hindi siya nahulog sa kama at nanatili siya sa kanyang pwesto.
    Pagbangon nga niya kanina ay nagpunta na naman siya ng banyo para umihi. At dahil sa naabutan na niya ang mga magulang na gising na ay hindi na rin siya natulog. Bumalik lang siya sa kwarto para magpalit ng damit at saka siya lumabas na muli. Ang dating mabango na nilagang kape sa kanyang pang-amoy ay nakakasuka sa kanya ng mga sandaling iyun.
    Kailangan pa niyang lagyan ng gatas ang kanyang kape maiba lang ng lasa at amoy. Pagkatapos niyang mag kape ay sumama na siya sa kanyang tatay sa kanilang babuyan. Medyo malayo ito sa kanilang bahay, pero, kaya naman na lakarin. Iniwan na muna niya ang parang baby na natutulog na si Lyndon.
    Inabutan na sila ng liwanag at hindi naman niya akalain na susunod pala si Lyndon sa kanya, at sakto naman na kinakatay na ang baboy ng bigla na lang itong bumulaga sa kanyang likod at pagharap niya rito ay kitang-kita niya ang shock sa mukha nito habang nakatuon ang mga mata sa baboy.
    Nanlaki ang mga mata nito, kasabay ang pagkawala ng dugo sa mukha nito at bigla na lang itong napaatras at tumakbo patungo sa isang sulok, na agad naman niyang sinundan. At doon niya ito naabutan na sumusuka sa gilid ng mga talahib.
     At mag hapon na itong tila wala sa sarili, medyo nahimasmasan na lang ito ng bumalik na sila sa kanyang bahay, para kumuha ng kanyang mga damit, kasabay ng pagpatay ng main switch ng electricity niya, at wala nga siya ng halos ilang linggo, hanggang sa matapos ang misyon nila ni Lyndon.
    Kukunin na rin niya ang opportunity na ito, na makapag transact at makapag close ng isang deal dito sa Manila.
   
    Bahagya na naman siyang natawa ng maalala ang lahat, at napansin siya ni Lyndon.
    “What are you laughing at?” ang mahina at interisadong tanong nito sa kanya, habang sumulyap lang ito sa kanya at nagpatuloy sa pagtingin sa cellphone nito.
     “I just remembered what happened this morning” ang nakangiting sagot niya at sinulyapan niya si Lyndon.
   “Oh God please” ang sagot ni Lyndon na napabuntong-hinga pa, “don’t ever mention it again, that was so humiliating” ang dugtong pa nito.
     “Natural lang naman ang reaksyon mo at hindi ka sanay na makakita ng ganun” ang giit niya.
    Umiling si Lyndon, “nakakahiya pa rin, I love lechon, pero hindi ako nakakain kanina, nakakahiya na sa mga magulang mo at para akong baby sa sobrang selan, ano na lang ang sasabihin nila?” ang giit ni Lyndon.
     “Don’t worry, that would be your first and last visit sa bahay, hindi ka naman na babalik pa doon at wala ng dahilan pa kapag tapos na ang deal natin” ang sagot ni Isabella, at para bang nakaramdam siya ng lungkot sa kanyang sinabi. Pero, hindi lang siya ang nakaramdam ng kirot sa dibdib, kundi si Lyndon din.
     Para itong natigilan sa sinabi ni Isabella at ang realisation na hindi nga pala totoo ang relasyon nilang dalawa. After ng deal nila, they would be back to being strangers again. Pero, at least nakamit nila ang kanilang mga pangarap, si Isabella sa dream project nito para sa kanyang construction firm, at siya naman ang pagiging CEO. That was his dream right? So hindi siya dapat makaramdam ng lungkot kung magkahiwalay man sila ni Bella, ang giit nito sa sarili.

    
     Lumabas na sila ng domestic airport, hila ni Lyndon ang kanyang luggage habang bitbit naman niya ang kanyang satchel. She planned to continue working, kahit sa bahay lang. Sumunod siya kay Lyndon, na bumalik na ang authoritative stance at aura nito. Marahil dahil sa, nasa pamilyar na itong lugar, kaya bumalik na sa normal ang lahat para rito. Habang siya? Mukhang ngayon pa lang magsisimula ang bagong hamon sa kanya. Ito na ang simula ng pagpapanggap nila sa maraming tao.
    Ang simula ng kanilang deal, at wala pa rin siyang idea sa magiging extent ng pagpapanggap nila. Sumunod siya kay Lyndon na naglakad papalapit sa isang sasakyan. Nagbook na pala ito ng grab para ihatid sila sa bahay nito.
    Lyndon held the door open for her tulad ng napagkasunduan nila, pumasok siya sa loob habang ang luggage naman niya ay inilagay niya sa likod ng suv. Pagkatapos ay sumunod na ito at pumasok sa sasakyan at naupo sa kanyang tabi.
    Isabella felt that, something was different. Parang biglang nagbago na si Lyndon. Hindi na ito ang mapagbiro at malambing na Lyndon na nagpunta ng Cebu. Ito na ang kilalang Lyndon ng Manila.
     Nakaramdam ng lungkot si Isabella, dahil sa mga sandali na nasa Cebu sila, ipinakita niya ang tunay na Isabella kay Lyndon, pero ito? Nalilito siya ngayon kung aling Lyndon ba ang totoo.
     Tahimik lang sila na magkatabi sa kanilang biyahe patungo sa bahay, nito. At para mabawasan ang awkwardness sa loob ay sumilip na lang siya sa bintana at tiningnan na lang niya ang tanawin ng abalang siyudad.
    Halos isang oras pa ang ibinyahe nila, dahil na rin sa traffic, at maya-maya ay lumiko na sila sa entrance ng isang subdivision. Pinahinto sila ng guwardya at sumilip si Lyndon sa bintana, at ng makita sila nito ay agad na binuksan nito ang malaking gate para papasukin sila.
    With amazement ay pinagmasdan niya ang mga naglalakihang bahay sa loob ng Village. Ang lalaki ng mga property kaya malalayo ang mga pagitan ng mga bahay, which gave them the privacy. Talaga namang ang mga bahay na narito ay naghuhumiyaw na mayaman ang nakatira roon.
    Lyndon started giving directions sa driver at pagkatapos ng ilang minuto ay huminto na ang sasakyan sa harapan ng isang two story gray and white na contemporary style na bahay. Agad na nagustuhan ni Isabella ang style ng bahay. Sa laki nito, tantiya ni Isabella na may lima o anim na kwarto sa loob, hindi pa kasama ang salas, dining at kusina, at kung ano pang parte ng bahay meron ito.
    Naunang bumaba si Lyndon at hinawakan nito ang pinto para makalabas siya. Kinuha na rin nito ang kanyang luggage sa likod bago nagbayad ng kanilang bill sa driver.
    Binuksan nito ang single metal gate, bigla siyang natigilan at parang nanumbalik na naman sa kanya ang lahat. Nakatayo rin siya noon sa harapan ng malaki at magarang bahay nina Ylmas.
    “Bella, come in” ang utos sa kanya ni Lyndon, at napakurap siya ng ilang beses. Para mawala ang imahe ng nakaraan sa kanyang isipan.
    Sinimulan niya ang bawat paghakbang papasok sa loob at bumungad sa kanya ang mga malawak na open space, at ang mga nakaparadang mamahalin na sasakyan. Huh, tama nga siya, sports car ang mayron si Lyndon, from Ferrari to Audi, at lahat ay lowered. What is it with men and lowered cars? Ang takang tanong niya sa sarili.
    Sumunod siya kay Lyndon, at binuksan nito ang malapad na two wooden doors, na main entrance ng bahay. Hinawakan ni Lyndon ang pinto para makapasok siya at mas lalong nanlaki ang mga mata ni Isabella sa ganda ng loob. It was so clean and modern, at minimalist ang style kaya mas lalong nagmukhang malaki ang malaki ng bahay.
    “Welcome home” ang bati ni Lyndon sa kanya, the moment na makapasok na siya sa loob. Gusto niya sanang itama ang sinabi ni Lyndon na “temporary home” ito para sa kanya, dahil lilisanin din niya ito, pero nanahimik na lang siya.
   Hinubad ni Lyndon ang sapatos nito at inilagay sa may rack na malapit sa may pinto, at isa iyun sa nagustuhan niya, ang paghuhubad ng sapatos sa loob ng bahay. Inalis din niya ang kanyang sapatos at inilagay niya sa tabi at sumunod siya kay Lyndon na nakatayo sa gitna ng living area.
    “Living area, dining at kitchen, there’s the pantry at may extra na room at the back, there’s the laundry area, sa backyard ay plain pa lang wala akong garden, its just an empty lot, hindi ko pa kasi mapag desisyunan kung magpapagawa rin ako ng pool. The rooms are all upstairs.
    Free flowing ang style ng bahay kaya mas lalo itong lumaki, at talagang nagustuhan niya ito.
    “Ang ganda ng bahay mo Lyndon, ang ganda pati ng interior” ang paghanga niya.
    “My sister in law, or.. How can I say this, ang asawa ng pinsan ko ang nag design ng bahay, you’ll love her when you meet her” ang masayang sabi nito sa kanya.
    Meet her? Does she have to meet his family? It was not necessary right? Nagkataon lang naman na na meet ni Lyndon ang pamilya niya dahil sa nagpumilit ito na sumama.
    Hindi na siya sumagot at sumunod na lang siya kay Lyndon na paakyat ng hagdan. At marami ngang kwarto sa itaas. Ipinakita ni Lyndon isa-isa ang mga kwarto, lahat ay spacious at may sariling bathrooms.
    “Can I use this room?” ang tanong niya kay Lyndon ng makita niya ang pang-apat na kwarto, na ipinakita ni Lyndon sa kanya.
    “No” ang mariin na sagot ni Lyndon, at nagpatuloy ito sa paglakad habang hila ang luggage niya, patungo sa pinaka dulong kwarto at ang pinakamalaki.
    “No?” ang takang tanong ni Isabella habang naglalakad na nakasunod kay Lyndon patungo sa pinakahuling kwarto.
    “No” ang mariin na sagot ni Lyndon sabay bukas ng kwarto nito at pumasok silang dalawa sa loob at mas lalong humanga si Isabella sa nakita. The room was very beautiful for her na mahilig sa contemporary design at malinis na interior, at ang mas lalong nakakuha ng atensyon niya ay ang malaking kama, mukhang pinasadya ang kama na iyun.
    And why was she having a thought of them, making love sa ibabaw ng napakalaking kama. Mabilis niyang inalis ang mga mata sa kama at tiningnan si Lyndon na abala sa paghuhubad ng damit nito.
    “Why can’t I use the other room?” ang muli niyang tanong.
    “Because we’re sleeping together” ang simpleng sagot ni Lyndon sa kanya habang kumukuha ng towel sa may drawer at pumasok na ito sa loob ng banyo.
    “We don’t have to sleep in the same room and bed Lyndon” ang giit niya.
    “We’re practising Bella, we should have that chemistry, para pagbalik natin sa isla, legit at genuine ang dating natin” ang sagot ni Lyndon na pumasok na sa loob ng bathroom, she could hear the shower and the splashes of water. At nagtaka na naman siya at hindi nito isinara ang pinto ng banyo. Mukhang nakasanayan na nito na hindi nagsasara ng pinto.
    “You didn’t close the door” ang malakas na sabi niya.
    Maya-maya pa ay pinatay na nito ang shower, dahil sa tumigil na ang tunog ng lagaslas ng tubig. Ilang sandali pa ay lumabas na ito na nakatapis ng towel.
    “Hindi ko talaga sinara kasi” ang sabi ni Lyndon at inilapit pa nito ang mukha sa kanya, “baka gusto mong sumunod sa loob” ang sabi pa nito sabay pisil sa dulo ng kanyang ilong.
    Umismid naman si Isabella at nanlaki pa ang butas ng ilong, “hindi ko gagawin yun no” ang mataray na sabi niya.
    Isang tawa naman ang lumabas sa bibig ni Lyndon, mukhang bumalik na ang pagiging pilyo nito, ang sabi ni Isabella sa sarili.
    “You want to take a shower? Mamaya mo na ayusin ang mga damit mo, let’s go out para kumain, hindi ako nakakain kanina, at kumukulo a ang tiyan ko” ang sabi ni Lyndon.
    “Here” ang sabi nito sa kanya sabay abot ng bagong towel.
    “Thanks” ang sagot niya at papasok na siya sa loob ng banyo ng may maalala siya, wala nga pala siyang toiletries sa loob.
    “Lyndon?”
    “Yes?” ang sagot nito habang nagsusuot ng pantalon na maong.
    “Can I use your toiletries? Wala nga pala akong shampoo at sabon na dala” ang sabi niya rito.
    “Sure, kuha ka na lang ng bagong sabon sa drawer, and toothbrush” ang sagot nito sa kanya.
    “Thanks” ang sagot niya at papasok na siya sa loob ng magsalita si Lyndon.
    “Bella?”
    “Yes?”
    “Huwag mong kalimutan na ilock ang pinto, baka sumunod ako” ang sabi ni Lyndon na ikinapula ng mga pisngi ni Isabella, at isinara niya ng malakas ang pinto at ni lock ito.

    After nilang mag dinner sa isang restaurant ay dumaan pa muna sila sa isang drugstore para mamili si Isabella ng mga kailangan niya. Pagkatapos ay umuwi na sila at nagpasya ng matulog at pagod na rin sila sa biyahe. Ipinagpabukas na rin ni Isabella ang pag-aayos ng kanyang mga gamit.
    Nahiga na siya sa tabi ni Lyndon na abala na nakaupo sa kama, nakasandal ito sa headboard at kandong nito ang laptop.
    “Nagtatrabaho ka na agad?” ang tanong niya kay Lyndon pagkahiga niya sa kama.
    “Hmm, no, actually, this is my plan para sa proposal ko sa daddy ko” ang sagot ni Lyndon.
    “Iyan ba yung isla?” ang interisado na tanong niya.
    “Uh-hmm” ang matipid na sagot nito, kaya di na siya nagtanong pa. Maya-maya ay pinatay na nito ang laptop at inilapag sa may tabing side table. Tumayo ito para patayin ang ilaw at ang dim light na lang ang natira.
    “Bukas pala anong gagawin mo?” ang tanong ni Lyndon pagkahiga nito.
    “Hmm, bukod sa mag-aayos ng gamit, baka tatawagan ko ang head engineer ko sa site at titingan ko ang progress ng construction, mag video chat na lang kami, then, mukhang wala namang laman ang ref mo dahil kumakain ka sa labas, at ayokong laging kumakain sa labas kaya, mag grocery muna ako para may ulam tayo bukas.
    “I’ll try to eat kung anuman ang lulutuin mo, but please nothing exotic” ang pakiusap ni Lyndon.
    “Kailangan ko pala ng susi sa bahay Lyndon” ang sabi niya.
    “Bibigyan kita ng spare keys, you can also use one of my cars” ang sagot ni Lyndon.
     “Noo!” ang mabilis na pagtanggi niya.
     “Why not?”
    “Napaka mahal ng mga sasakyan mo, baka masira ko pa” ang sagot niya.
    “Edi palitan” ang simpleng sagot ni Lyndon. At nahiga na ito sa kanyang tabi, at kinuha nito ang isang kamay niya at ipinatong sa tiyan nito.
    “Don’t tell me masakit na naman ang tiyan mo, hindi tayo nagsalo sa pagkain kanina” ang giit ni Isabella, pero hindi niya inalis ang kamay niya na nasa ibabaw ng tiyan ni Lyndon.
    “No, gusto ko lang na nakapatong ang kamay mo” ang sagot ni Lyndon na nakapikit na ang mga mata.
    Hinimas-himas ni Isabella ang tiyan ni Lyndon at biniro ito, “alam mo ba ang mga baboy hinihimas ang tiyan para makatulog?” ang natatawang sabi ni Isabella.
    “Oh please” ang natatawang sagot ni Lyndon.
    At itinuloy ni Isabella ang paghimas sa tiyan nito, at biglang hinawakan ni Lyndon ang kanyang kamay para ihinto ang ginagawa niya.
    “Bella, stop, or you’ll start something that’s not part of our deal” ang banta ni Lyndon. Naintindihan ni Isabella ang ibig sabihin ni Lyndon kaya mabilis niyang inalis ang kamay niya sa ibabaw ng tiyan nito. But, this time, tulad ng sa bukid, Lyndon reached for her, at inilapit nito ang sarili sa kanya. Ang braso nito ay nakayakap sa kanyang tiyan, sa ilalim ng kanyang dibdib at muli siya nitong dinantayan.
    “Was that necessary Lyndon malaki naman ang kama mo? Kahit pa umikot ako hindi ka mahuhulog” ang sabi niya rito.
    “Yayakapin kita o gusto mong... Itali na lang kita?” ang mahinang sabi nito. At kung bakit ba, ang sinabi nito painted erotic thoughts in her wild imagination.
    She cleared her throat at sumagot siya, “mas okey na ang ganito” ang sagot niya.

    She didn’t want to get up, she was so sleepy, pero nagising siya at na alerto ng marinig niya ang pagsusuka ni Lyndon sa may banyo.

Lyndon Bridge is Falling Down (completed) Self-Published Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon