Chapter 46

2.9K 131 21
                                    

Pinagmasdan ni Ace ang nakahilerang mga lata ng walang laman na lata ng beer sa ibabaw ng lamesa sa harapan ni Lyndon, at kumunot ang noo nito ng tawagin pa nito ang waiter at umorder pa ulit ng isang bucket.

“Hindi ba magagalit si Isabella sa iyo at ilang linggo ka nang hindi umuuwi ng maaga?” ang tanong ni Ace sa kanya habang uminom sila ng beer sa isang club. Its been like this for him, ito na ang naging routine niya sa buhay, simula ng umalis si Isabella sa kanyang bahay.
     Pagkatapos sa opisina, sa club or bar siya dumidiretso, minsan kasama niya si Ace pero madalas na siya lang mag-isa. Kung dati kasi, nakatutulong ang isang beer na iniinom niya sa bahay bago matulog para marelax ang kanyang katawan at makatulog siyang agad, ngayon? Kailangan na lasingin na muna niya ang kanyang sarili sa club. Hindi niya kayang umuwi sa kanyang bahay. Mas gusto niyang lasing na siya bago siya umuwi para pagdating niya ay tulog na siya agad, na ilang beses na nangyari sa kanya, andyan yung nakatulog na siya sa loob ng kanyang kotse sa parking ng bar, sa sahig sa kanyang salas o minsan sa kusina.
    Mas gugustuhin niyang matulog na lang sa kalsada kaysa matulog sa kanyang kama na tanging mukha at imahe lang ni Isabella ang nakikita niya.
    Tumungga muna siya ng beer bago sumagot, “huh, wala naman siya rito Ace para pagalitan ako, saka, matagal ko naman na ginagawa ito, kaya wala na siyang pakialam pa sa mga gagawin ko” ang galit na sagot niya.
   Pinagmasdan siya ni Ace, si Ace na ilang beses ng nalagay sa alanganin ang relasyon sa asawa, at lagi siyang naroon para tulungan ito. Naisip nito na, mukhang siya naman ang nangangailangan ng tulong.
    “What’s the real score between you and Isabella Lyndon?” ang usisa ni Ace sa kanya.
    Pinagmasdan lang ni Lyndon ang bote sa kanyang kamay, pinadaanan ng kanyang hinlalaki ang lata para punasan ang hamog ng tubig ng namuo rito.
    “Lyndon!” ang pagtawag ni Ace para kunin ang kanyang atensyon, at bahagya niyang ipinaling ang kanyang ulo para sulyapan ang pinsan.
    “You know you can tell me, hindi mo kailangan na sarilinin kung may problema ka Lyndon, nahihiya ka bang aminin na si Lyndon Bridge, met its downfall?” ang pabirong sabi ni Ace sa kanya.
    Napabuntong-hininga na lang siya at napailing sabay muling tungga ng beer sa lata.
    Napabuntong-hininga rin si Ace, “no seriously Lyndon, anong problema, nag-away ba kayo ni Isabella kaya umalis ito?” ang usisa ni Ace sa kanya.
    Tumikom muli ang bibig niya at pinag-isipan na muna niya kung magsasabi ba siya sa pinsan. Pero sa pinagdaanan nilang dalawa, sa tingin niya ay, walang masama at mas makabubuti sa kanya ang magsabi rito.
    Napabuntong-hininga siya at nagsimula siyang magkwento kay Ace, kung paano sila nagkakilala, ang tungkol sa deal at sa paghihiwalay nila. Habang nagsasalita siya ay taimtim naman na nakikinig si Ace habang uminom ng beer sa lata.
    “How can she not understand na ang lahat ng ginagawa ko ay para sa pangarap niya? Para sa pangarap namin na dalawa?” ang naguguluhan na tanong ni Lyndon.
    “But still ang sagot niya sa akin na magkaiba ang pangarap namin sa buhay” ang sabi ni Lyndon, “ang priority namin sa buhay” ang dugtong pa niya.
    “Maybe she’s right, maybe you’re very much different, but, hindi ba, different poles attracts?” ang sabi ni Ace sa kanya.
    Napabuntong-hininga si Lyndon, “that’s what I thought to, but, I guess we’re too different with each other, na hindi na namin kaya na intindihin ang bawat isa” ang malungkot na sabi niya kay Ace.
    “I don’t think so, kitang-kita kay Isabella na mahal na mahal ka niya” ang sagot ni Ace.
    “Then, bakit niya ako iniwan? Kung mahal niya ako, maintindihan niya ako” ang pakikipagtalo niya.
   “Maybe she wanted you to realised something” ang giit ni Ace, “we’re the same Lyndon” ang dugtong pa ni Ace.
    He snorted and grimaced when he heard what Ace’s said, “magkapareho? Huh, lasing ka na ba?”
    “Hindi ako lasing, oo magkapareho tayo Lydon, pareho natin na inakala na ginagawa natin ang mas makabubuti sa mga taong mahal natin, and we were so blinded with this thinking that, we didn’t realised na, sila pala ang mga taong minamahal natin ang gumagawa ng mas ikabubuti natin” ang paliwanag ni Ace sa kanya, and he just stared at him. Hindi niya inakala na may maririnig siyang mga matinong payo mula sa bibig ng pinsan na puro kapilyuhan lang ang nalalaman.
   Hindi siya sumagot at itinuon niya ang kanyang atensyon sa lata na hawak ng kanyang kamay, ayaw niya na malaman na nagkamali siya.
   “I did it Lyndon, with Selena, I thought that I was doing something good for my family, not realising that I’m hurting the woman I love and my kids, and it’s too late for me to realised what I did, and I was in deep shit already, if not for Autumn, who despite of what I’ve done to her helped me and rescued me from the mistakes that I have done” ang paalala ni Ace sa kanya.
    “I just, wanted to gave her, her dreams and my dreams” ang mahinang sagot ni Lyndon kay Ace.
    “Lyndon, life is not fair, you can’t have everything, you only have to choose one, and sacrifice the other, that’s the reality” ang giit ni Ace sa kanya.

     Pag-uwi niya sa kanyang bahay ay bumungad na naman sa kanya ang malungkot at madilim na bahay niya. Binuksan niya ang ilaw at mas lalo niyang nakita ang nadama ang kahungkagan ng kanyang bahay. This was his normal life before and he that’s how he preferred it, he liked the sound of silence of his big and empty house.
   But that was before, before Isabella lived in his house and before she made his house a home. Now, everything felt sad and empty, katulad ng kanyang puso. Malungkot at walang laman.
   Pinagmasdan niya ang sofa, kung saan, they will both snuggled with each other, habang nanunuod ng palabas sa television. At ng magawi ang mga mata niya sa kusina, kung saan madalas na namamalagi si Isabella, para magluto, he can still see her, her back to him while she face the kitchen counter, busy preparing their food.
    Hindi pa niya napigilan ang isang mahinang tawa na lumabas sa bibig niya nang maalala niya, noong pag-uwi niya ay naabutan niya itong nagluluto ng bagoong. Kung paanong galit na galit siya rito, iyun pala ay naglilihi na ito.
   Naglakad na siya paakyat ng hagdan at pagpasok niya sa kwarto ay mas lalong bumigat ang kanyang pakiramdam. Napakaraming ala-ala nila ni Isabella sa kwarto na iyun, kaya nga mas gugustuhin pa niya na matulog o mag stay na lang sa ibang parte ng kanilang bahay kaysa sa kanyang kwarto.
   Hindi na naman niya napigilan ang sarili na makaramdam ng labis na kalungkutan. Hindi na niya alam kung hanggang kailan niya ito kakayanin, ang sabi niya sa sarili.
   Naisip niya ang sinabi sa kanya ni Ace, to make the right decision, na hindi lahat ng sa tingin nila ay makabubuti sa taong minamahal nila. He has to make his priority straight and he has to choose and he has to give up one.
    “You can’t have everything” ang bulong niya sa sarili.

    Madaling araw pa lang ay umalis na siya ng bahay para magpunta sa domestic airport para bumili ng ticket sa unang biyahe ng eroplano patungo sa Cebu. Gusto niyang makita si Isabella at kamustahin ang baby nila. Hindi man sila magkabalikan agad, pero, step na ito para unti-unti niyang suyuin si Isabella.
    At pagdating nga niya ay agad niyang pinuntahan si Isabella sa opisina nito ngunit pagdating niya ay wala si Isabella at tanging secretary nito ang nandoon at ang assistant manager nito na ayon din sa lalaking engineer ay bago pa lang sa posisyon dahil na rin sa nag leave si Isabella. Bigla siyang kinabahan ng marinig niya ang sinabi ng secretary na nag leave ito. Baka kasi kung ano na ang nangyari kay Isabella at sa anak nila, at kapag nagkaganun ay hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili.
   “Anong reason kung bakit nag leave si Isabella?” ang tanong niya sa assistant manager.
   “Wala po siyang sinabi na reason sir, basta nag leave po siya at, indefinite po ang ginawa niya, the company is quite struggling right now, without her guidance, but, kinakaya pa naman po namin” ang sabi ng assistant manager sa kanya.
    Oh my God! Anong nangyari kay Isabella? Hindi nito hahayaan na magkaganun o malagay sa alanganin ang kumpanya nito, bakit bigla na lang nito iiwan ang kumpanya nito na halos tulad niya, ay dugo at pawis ang ipinuhunan ni Isabella at sa literal na salita. Nagpasalamat siya sa engineer at mabilis na siyang umalis ng building at sumakay ng nirentahan niyang sasakyan.
   Agad siyang nagmaneho patungo sa bahay ni Isabella sa bayan, na may kaba sa kanyang dibdib. Paano kung napasama ang baby niya? Ang baby nila? Ang kinakabahan na tanong ni Lyndon, at napakapit siya ng mahigpit sa manibela.
   Bumilis ang tibok ng puso niya ng huminto na ang kanyang sasakyan sa harapan ng bahay ni Isabella, pero. Agad siyang lumabas at napansin niya ang nakaparada na sasakyan ni Isabella sa parking lot nito.  Pero paglapit niya sa bahay ay napansin niya agad ang mga nakapinid na bintana. Naalala niya noong nagpunta siya rito ay binubuksan ni Isabella ang mga bintana, dahil nga sa hindi naka aircon ang bahay nito at hinayaan nito na pumasok sa loob ng bahay ang natural at sariwang hangin.
    “Isabella!” ang malakas na pagtawag at pagkatok niya sa labas ng bahay nito, kahit pa alam niya na walang tao sa loob ay nagbakasali pa rin siya. Baka naman tulog pa ito sa loob ng kwarto nito kaya nakapinid pa ang mga bintana at pinto.
    “Isabella!” ang muling pagtawag niya na may kasama na pagkatok, pero wala pa rin na nagbubukas sa kanya.
    “Ay ikaw pala, Lyndon hindi ba?” ang sabi ng matandang babae na kapitbahay ni Isabella.
    Humakbang siya papalapit sa gate ng matandang babae at magiliw niyang binati ito.
   “Ahm, maayo.. Magandang umaga po, napansin ninyo po ba kung nasaan si Isabella, kung umalis po ito ng bahay niya?” ang magalang na tanong niya.
    “Umalis siya noong nakaraan pa, hindi ko na natandaan kung dalawang araw o tatlong araw na ang nakaraan, hindi ko pa siya napansin na bumalik” ang sagot ng matandang babae sa kanya.
   “Nagpunta po kaya sa bahay ng mga magulang nito?” ang tanong niya sa matandang babae.
   “Hindi ko lang sigurado, puntahan mo na lang ang bahay ng mga magulang niya sa bukid, alam mo ba kung saan?” ang balik tanong ng matandang babae sa kanya.
    “Nakapunta na po ako, pero hindi ko po matandaan kung anong pangalan ng lugar” ang sagot niya.
    “Hindi ko rin alam ang eksaktong address, pero ang alam ko lang, sa tuwing nagsasabi si Isabella, ay sa Sta. Rita ang lugat ng mga magulang nito” ang sagot ng matanda.
   Tumangu-tango si Lyndon, “marami pong salamat!” ang mabilis na pagpapasalamat niya sa matanda at sumakay siya sa sasakyan.
   At sa tulong ng pagtatanong sa mga taong nadaraanan kapag nalilito na siya ay laking pasalamat niya ng lumiko na ang kanyang sasakyan sa rough road na daan na pamilyar sa kanya na daan patungo sa bahay ng mga magulang ni Isabella.
   “Isabella please, sana nandito ka” ang bulong niya sa kanyang sarili, habang papalapit ng papalapit ang sasakyan niya sa bahay nina Isabella.
   Nakita niya agad ang mga magulang ni Isabella na nakatayo sa may harapan ng bahay at tiningnan ng maigi kung sino ang paparating. Inihinto niya ang sasakyan malapit sa bahay at mabilis siyang bumaba at nakita nila ang gulat sa mga mukha nito ng makita siya.
   Alam na kaya ng mga ito ang tunay na kalagayan nila ni Isabella? Muli na naman bang nasaktan nila ni Isabella ang mga magulang nito na hindi na naman natuloy ang kasal ng anak nila. Nakaramdam tuloy ng konsyensiya si Lyndon.
     “Lyndon, biglaan ang dalaw mo?” ang gulat na tanong ng nanay ni Isabella sa kanya.
    “Opo, pasensiya na po kayo kung, biglaan po ang punta ko at wala po akong pasabi” ang sagot niya.
    “Eh, ano bang sadya mo anak?” ang tanong ng tatay ni Isabella, at kung bakit natuwa siya ng marinig niyang tawagin siya nito na anak.
   “Si, si Isabella po, nandito po ba?” ang umaasang tanong niya sa mga ito.
   “Si Bella? Ay wala rito, kahapon pa umalis” ang sagot ng tatay ni Isabella.

Lyndon Bridge is Falling Down (completed) Self-Published Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon