He stopped talking and his blue gazed was locked on Isabella, she entered the coffee shop at sandaling luminga at kita niya na ngumiti ito at naglakad papalapit sa lamesa malapit sa entrance ng coffee shop.
“Uh, Lyndon?” ang takang tanong ng kasama niyang babae, para kunin ang atensyon niya.
“Uh yes” ang tanging sagot niya, habang pinagmamasdan si Isabella na lumapit sa isang lamesa na pandalawahan at nilapitan ang lalaking nakaupo roon.
The man stood up quickly para salubungin ito, nakita niya na inilapat ng lalaki ang palad nito sa likod ni Isabella at hinalikan ito sa pisngi. He pulled a chair for her and she took the seat na nakatalikod sa kanila, kaya hindi siya nito nakita.
And he felt something inside him. An emotion so strong, na parang pinipiga ang dibdib niya.
There was closeness and familiarity sa dalawa, na nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso.
“Lyndon” ang mariin na sabi ni Hailey sa kanya.
“Uh, yes, where was I?” ang tanong niya.
“Is everything okey?” ang alalang tanong nito sa kanya.
“Of course, why not, kasama na kita eh” ang sagot niya na pinilit niyang lagyan ng lambing ang kanyang boses.
“Ako na kaya ang oorder ng drinks natin?” ang tanong nito sa kanya.
“No, I won’t allow that, what will you be having?” ang tanong niya sa kasamang babae, ngunit ang mga mata niya ay patuloy sa pagsulyap sa lamesa nina Isabella, at napansin niya na lumipat na ng upuan ang lalaki.
Inilipat nito ang upuan sa tabi ni Isabella, at ang braso nito ay nakaakbay kay Isabella, at napansin niya ang kamay nito na hinihimas ang litaw na balat ng braso ni Isabella mula sa suot nitong sleeveless top.
He started gritting his teeth, para bang nangingilo siya sa kanyang nakikita. Naalala niya kung gaano kakinis at kalambot ng balat nito, when he ran his hand all over her body. Walang, parte ng katawan ni Bella ang hindi pinadaanan ng kanyang kamay at labi.
“The usual, hindi mo ba natatandaan?” ang tanong nito sa kanya.
“Of course, the usual” ang sagot niya kahit pa, wala siyang idea kung ano nga ba ang paborito nitong kape.
He remembered, Isabella, drinking her coffee black, noong nandoon sila sa isla.
At nang tumayo siya ay nakita niya na inilapit ng lalaki ang labi nito sa gilid ng ulo ni Isabella para hagkan at bumulong ito sa tenga ni Isabella, and their image was so intimate for him.
Mabilis siyang tumayo at naglakad..
Isabella kept on reminding herself that she’s doing this for the sake of her company’s future. Her FUTURE. Kaya gagawin niya ang ultimate sacrifice sa buhay niya at iyun ay ang makipag relasyon.
Kaya naman ng pagkagaling niya sa opisina ni Lyndon kahapon na nagbigay sa kanya ng tunay na kaligayahan ay bumalik siya sa hotel room na tinutuluyan niya. Nagkulong lang siya sa loob ng kanyang kwarto, lumabas lang siya nang makaramdam na siya ng gutom, at nang tinamad na siyang lumabas, dahil na rin sa nararamdaman niyang pangangalay ng kanyang balakang ay nahiga na lang siya sa kama at nagpa room service. Nagsimula na rin siyang makaramdam ng saglit na pagkahilo. Napapadalas na rin ang pananakit at pangangalay ng kanyang balakang, at bago lang para sa kanya ito.
Dapat siguro ay magpatingin na siya sa doctor, pagbalik niya sa Cebu, ang sabi niya sa sarili. Mababalewala ang pagpapaguran niya kung magkakasakit naman siya.
At nang nakapagplano na nga siya ng mga sasabihin kay Kit, ay tinawagan niya ito. Halata sa boses nito ang gulat at labis na tuwa ng marinig nito ang boses niya at mas lalo pa ng sabihin niyang nasa Manila rin siya at gusto niyang makipagkita rito.
Sobrang excited nito, at nagpumilit pa nga ito na magkita na sila kagabi pa lang, at pupuntahan siya nito sa kanyang hotel. Pero, tinaggihan niya ito, sinabi niya lang na kararating lang niya at pagod siya at gusto muna niyang magpahinga.
Ayaw niya muna na makipagkita rito, hindi pa siya handa. She has to plan everything she has to say.
She’ll tell him na, she realised that she.. Like, lov-! Piste! Ang galit na sabi pa niya sa sarili. Kung hindi niya maisip na sasabihin niya ang mga salitang iyun kay Kit, mas lalo pa siguro, kung sasabihin na niya ito ng harapan! Ang inis na sabi niya sa sarili.
BINABASA MO ANG
Lyndon Bridge is Falling Down (completed) Self-Published
RomanceSelf published Strictly for mature readers only 18 and up!! Everyone has an achilles heel, and someone is finally going down. Lyndon DuPont Bridge, was known for being stern and strict. When it comes to work and with women. Kilala siya bilang supl...