Dumilat si Lyndon, mula sa kanyang pagkakatulog, tiningnan niya ang oras sa kanyang relo at nakita niya na alas kwatro na ng hapon. Wala na si Isabella sa kanyang tabi, natandaan pa niya na katabi niya ito kanina.
Pinakiramdaman niya ang sarili, wala na ang pananakit ng kanyang tiyan. Marahil gumana na ang gamot na ininom niya, o yung ipinahid ni Isabella sa kanyang tiyan kanina.
Nasaan na kaya si Isabella? Ang tanong niya sa sarili. Pinakinggan niya ang mga tunog sa labas ng kwarto, ang mahina na tunog ng telebisyon sa may sala at ang mga tahimik na galaw sa labas.
Nasa labas siguro si Isabella, ang sabi niya, tatayo na sana siya ng bumukas ang pinto at pumasok sa loob si Isabella.
“You’re awake, are you feeling okey now?” ang alalang tanong sa kanya ni Isabella at humakbang ito papalapit sa kanya. Naupo ito sa kanyang tabi at ipinatong nito ang kanan na kamay nito sa kanyang balikat.
“How’s your tummy?” ang tanong nito sa kanya at halata ang pag-aalala sa boses nito.
“Hindi na masyadong masakit” ang sagot niya.
Kumunot ang noo ni Isabella, naisip niya na tumalab na siguro ang gamot o ang paglaway niya sa tiyan ni Lyndon, pero kahit ano pa man ang dahilan ay ang mahalaga ay magaling na ito.
“Gutom ka na ba? Hindi ka masyadong kumain kanina” ang sabi ni Isabella.
“Hmmm, medyo” ang sagot ni Lyndon na medyo na aalangan pang kumain na muli dahil baka saktan na naman siya ng tiyan.
“Saan mo ba gustong kumain? Dito sa loob? O sa may lamesa sa kusina?” ang tanong ni Isabella sa kanya at tumayo na ito, habang hinihintay ang sagot niya.
“Sa labas na lang nakakahiya naman sa mga magulang mo at masyado akong pababy” ang nahihiyang sagot niya.
“Oww, then you’ll be my baby now?” ang pabiro at malambing na sabi ni Isabella sa kanya na lumapit pa sa kanya at marahan na pinisil ang dalawa niyang pisngi.
Kumunot lang ang kanyang noo at ngumiti sa iginawi ni Isabella, tumayo na siya para sumunod kay Isabella palabas ng kwarto.
“Lyndon, kamusta na ang pakiramdam mo?” ang alalang tanong ng tatay ni Isabella sa kanya na nakaupo sa may lamesa at may mug ng kape na nakapatong sa lamesa sa harapan nito.
“Mabuti-buti na po tatay” ang sagot niya at sumunod siya kay Isabella na pinaupo siya sa mahabang silya.
“Nilawayan mo ba ang tiyan niya Bella?” ang tanong ng kanyang nanay na nakaupo sa kawayan na upuan sa maliit na sala at nanunuod ito ng palabas sa maliit nilang telebisyon.
“Opo nanay pero pinainom ko rin siya ng gamot” ang sagot niya, habang kumukuha ng plato at mga kubyertos sa lalagyan ng plato.
“Baka nausog mo siya Isabella” ang giit ng kanyang nanay, habang nanunuod ng palabas.
Hindi na siya sumagot at naging abala siya sa pagsisilbi kay Lyndon.
“Gusto mo ba ng kape? Nilaga ito, hindi ito yung tinitimpla na instant” ang alok ng tatay ni Isabella.
“Ah, sige po, mukhang masarap, amoy pa lang” ang sagot ni Lyndon.
“Tay, mamaya na po, ako na po ang magbibigay sa kanya, pakakainin ko po muna si Lyndon at hindi masyadong kumain kanina” ang sabat ni Isabella.
“Kaunting kape lang? Please?” ang tanong ni Lyndon kay Isabella na abala sa paglagay ng plato sa harapan niya. Tumingala siya rito at ngumiti.
Yumuko si Isabella sa kanya at ngumiti rin, “hindi” ang mariin na sabi nito, “kumain ka muna mamaya saktan ka na naman ng tiyan, para ka na namang bulate na nilagyan ng asin” ang sagot nito.
Kumunot na lang ang kanyang noo at nagpalitan sila ng tingin ng tatay ni Isabella, na nagtaas lang ng dalawang kilay at siya naman ay napailing.
Pinagmasdan niya ito habang abala sa ginagawa, hanggang sa nakita niya ang isang paper bag na dala na ipinatong nito sa may lamesa. At kilala niya ang logo na nakatatak sa paperbag. Isa itong kilalang restaurant o steakhouse. Mabilis na napatingin si Lyndon kay Isabella pero nanatili itong nakayuko habang isa-isa nitong inilalabas ang laman ng paperbag na nakabalot ng foil.
Saka nito isinalin sa isang malaking plato, may salad, baked potato at steak. Hindi makapaniwala si Lyndon sa nakikita niya.
Inilapag ni Isabella ang plato sa kanyang harapan at binigyan siya nito ng knife at fork.
“Kumain ka na” ang sabi nito sa kanya. Habang inililigpit na nito ang mga pinagbalutan na foil at ibinalik sa loob ng paper bag para itapon.
“Paanong?” ang takang tanong niya.
“Bumalik si Isabella sa bayan ng makatulog ka na, eh, nag-alala kasi siya ng husto sa iyo at hindi ka pa nakakain ng husto at sumakit pa ang tiyan mo, hindi naman namin alam na maselan ka pala sa pagkain, hindi sa minamasama namin ano? Naintindihan ka naman namin, kaya bumalik si Isabella sa bayan para bilhan ka ng makakain mo” ang paliwanag ng tatay ni Isabella.
Hindi makapaniwala si Lyndon sa narinig, nag-abala pa si Isabella na magdrive ng ilang oras papunta at pabalik, mula sa bayan at bahay nito. Naisip din niya ang kondisyon nito na nahihilo, pero nakuha pa rin nito na mag-alala sa kanya at bilhan siya ng makakain.
Nag-umpisa na naman na lumagabog ang puso niya sa loob ng kanyang dibdib. Hindi niya pa ito naranasan, ang pagsilbihan ng isang babae, dahil na rin siguro sa, hindi naman siya interisado at hindi niya nabibigyan ng pagkakataon ang iba na gawin ito sa kanya, dahil sa abala siya at nakatuon lang sa sarili niya ang kanyang buhay.
Pero sila? Ang sabi ni Lyndon, si Isabella at ang mga magulang nito ay nagpakita ng pag-aalala sa kanya, and he was so touched with so much gratitude and love?
“Ah, thank you, Isabella, hindi ka na sana nag-abala” ang sabi niya rito.
“Naku, eh, ayokong magutuman ka rito, saka, hindi mo magugustuhan ang ulam namin mamaya, nilagang talbos ng kamote na isasawsaw sa suka na may calamansi at sili na may patis, ooh sarap” ang sagot ni Isabella.
“Ikaw talaga Bella, baka mawalan ng gana itong si Lyndon, di pa nga nakasimula na kumain” ang sabi ng tatay ni Isabella.
“Saluhan nyo po ako, masyado pong marami ang binili ni Bella” ang alok niya sa tatay ni Isabella.
“Ay, naku, naku, kami ay hindi sanay sa ganyan na pagkain, sige lang iho at ako ay nagkakape lang” ang pagtanggi ng tatay ni Isabella.
“Saka bukas, masarap ang pagkain bago kayo umalis at maglilitson na kami bago pa pumutok ang araw” ang dugtong pa ng tatay ni Isabella.
Naupo na si Isabella sa tabi ni Lyndon na nagsimula ng kumain, at inalok ni Lyndon si Isabella.
“Tulungan mo akong ubusin ito” ang giit ni Lyndon.
“Ayaw ko, mas gusto ko yung ulam mamaya” ang pagtanggi ni Isabella na ngumuso pa at kumunot ang noo.
“Sige na ah” ang sabi ni Lyndon sa kanya at pinanganga siya nito habang nakalapit sa kanyang bibig ang tinidor na may hiwa ng steak.
Isinubo naman iyun ni Isabella at nginuya ang malambot na laman ng baka, pero, hindi niya iyun nagustuhan. Kumakain siya ng steak, pero, sa mga sandaling iyun parang karton ng papel ang kinakain niya.
“Ayoko na” ang sabi niya kay Lyndon.
“Oo nga pala, kailan nyo ba balak na ikasal?” ang masayang tanong ng tatay ni Isabella at natigilan silang dalawa. Agad naman na lumapit ang nanay ni Isabella sa kanila at naupo sa tabi ng kanyang tatay.
“Oo nga Isabella, ay naku, ang tagal din namin na naghintay ulit at umaasa kami na matuloy na, na maikasal ka, at sa tamang lalaki” ang sabi ng kanyang nanay.
Nanlamig ang buong katawan ni Isabella lalo pa at narinig iyun ni Lyndon. Ayaw niyang maungkat pa ang masakit na nakaraan niya.
Mukhang napansin ni Lyndon ang pagkabalisa niya dahil sa hinawakan nito ang isa niyang kamay na nakapatong sa kanyang hita. Napatingin siya kay Lyndon at isang ngiti ang isinagot sa kanya nito at ang marahan na pagpisil ni Lyndon sa kanyang kamay.
“Nanay, malayo pa naman po na maikasal kami, kasi abala pa po kami sa mga proyekto namin” ang marahan niyang sagot sa kanyang ina, at nakita niya na nawala ang malapad na ngiti nito sa labi at ganun na rin ang sa tatay niya.
“Huwag po kayong mag-alala, kapag nabuntis na po si Isabella, ay magpapakasal po kami agad” ang sabat ni Lyndon, at ang kaninang hawak na kamay niya ay hinawi ni Isabella at pinanlakihan niya ng mga mata si Lyndon at pinisil lang nito ang dulo ng kanyang ilong.
“Eh, kahit na malayo pa ay magdiriwang pa rin kami bukas”, ang masayang sabi ng tatay ni Isabella.
“Siya nga pala nanay, tatay, mawawala po ako ng ilang linggo, doon po muna ako sa bahay ni Lyndon sa Maynila” ang pagpapaalam niya sa kanyang mga magulang.
“Eh, paano ang trabaho mo rito sa Cebu?” ang tanong ng tatay niya na hindi naman nabahiran ng pagtutol o pag-alaala sa boses nito.
“Bakante naman po ako ng isang buwan may dalawa akong proyekto sa may Carcar at patuloy pa rin po iyun, may head engineer naman po ako doon kaya, kahit naman nasa malayo ako pwede naman po akong magtrabaho” ang paliwanag niya sa kanyang tatay.
“Bukas na rin ba ang pa Maynila ninyo?” ang tanong ng nanay niya.
“Opo, nanay, mag-iiwan po ako sa inyo”-
“Naku, kahit hindi anak, at kami naman ay hindi magugutom rito at kami ay kaya pang magbanat ng buto” ang tanggi ng tatay niya.
“Pero, iyun na nga po ang gusto kong hindi ninyo gawin, sana, magpahinga lang kayo rito” ang giit ni Isabella.
“Hahanap-hanapin ng katawan namin ang pagtatrabaho Bella, yung mga ibinigay mo sa amin ay nakatabi sa aparador at hindi rin namin nagagastos” ang sagot ng tatay niya.
“Kahit na po, itabi na lang po ninyo kung gusto ninyo pero mag-iiwan pa rin ako ng panggastos ninyo, hindi po ako matatahimik sa Maynila kapag may isipin ako sa inyo rito” ang malumanay niyang sagot sa mga magulang niya.
“O siya sige” ang tanging naisagot ng mga magulang niya.
“You know, I admire your parents” ang sabi ni Lyndon kay Isabella, habang nasa loob na sila ng kanyang kwarto at naghahanda na silang matulog. Nakapaligo na si Lyndon at nakapagpalit na rin ng damit. Ang maduming damit naman nito ay nilabhan na agad ni Isabella sa washing machine na may dryer, na isa sa kaunting modernong gamit na meron sa bahay nila. Isinabit niya ang mga damit ni Lyndon sa may likod bahay.
“Really why?” ang tanong naman ni Isabella na katatapos lang maligo at nagpupunas na ng buhok nito. Naupo na rin si Isabella sa gilid ng kama at sinimulan na suklayin ang mahaba nitong buhok.
“Kasi, sa edad nilang iyun, mas pinili pa rin nila na kumayod para kumain, hindi sa, magtrabaho, pero mas gusto nila yung paghihirapan nila yung kakainin nila” ang paliwanag ni Lyndon.
“Nasanay na kasi sila Lyndon, mahirap na maalis sa sistema nila iyun” ang sagot ni Isabella.
Nahiga na si Lyndon, naka gartered shorts lang ito at walang pang-itaas na damit. Nag-aalangan tuloy na tumabi si Isabella rito.
“Dito ako sa gilid, sa tabi ng pader para hindi mo na ako maihuhulog, ikaw ang mahuhulog kapag nag-ala ninja ka na naman” ang nakangiting sabi ni Lyndon sa kanya.
Pinatay na ni Isabella ang ilaw at nahiga sa tabi ni Lyndon, at napansin ni Lyndon na tumutunog ang katre na kawayan sa tuwing kikilos sila.
Tumalikod si Isabella kay Lyndon at nakahiga patagilid, kinumutan na rin niya ang kanyang sarili.
“Bella?” ang pabulong na sabi ni Lyndon, napaka tahimik na kasi ng buong paligid, at may mga huni pa ng insekto na maririnig.
“Hmm?” ang tanging sagot ni Bella na nakapikit na ang mga mata.
“Hindi kaya magtaka ang mga magulang mo?” ang tanong ni Lyndon.
Dumilat ang mga mata ni Isabella at kahit pa hindi kita ni Lyndon ay pumihit siya ng pagkakahiga at humiga siya na nakalapat ang likod sa kutson.
“Bakit magtataka?” ang takang tanong niya lay Lyndon at kapwa sila bumubulong.
“Kasi, hindi tumutunog ang kama” ang sagot ni Lyndon na lalong ipinagtaka ni Isabella.
“Ano? Hindi kita maintindihan” ang naguguluhan na tanong niya.
“Siyempre magkatabi tayo tapos, hindi tumutunog yung kama ibig sabihin wala tayong ginagawa na, you know, baka magtaka mga magulang mo?” ang paliwanag ni Lyndon.
Nag-init ang mga pisngi niya, “hindi magtataka ang mga magulang ko matulog ka na nga” ang pabulong pero mariin na sagot ni Isabella.
“Pshh, ikaw lang iniisip ko, baka magtaka ang mga iyun, isipin pa na nagpapanggap lang tayo na dalawa” ang sagot pa ni Lyndon.
“Tumahimik ka na Lyndon at matulog ka na, walang pagtataka na mangyayari” ang giit ni Isabella. Sandaling tumahimik ang paligid, nang muling magsalita na naman si Lyndon.
“Bella?”
“Anoo?”
“Masakit na naman tiyan ko, pwede mo bang lawayan ulit?” ang sabi ni Lyndon.
Hindi alam ni Isabella kung nagloloko o nagsasabi ng totoo si Lyndon, pero dahil nga sa nakita niya ito kanina kung paanong sakitan ng tiyan.
“Sigurado ka ba?” ang seryosong tanong ni Isabella.
“Oo nga, baka may mikrobyo ka, kasi yung sinubuan mo ako ng waffle na pagkain mo sumakit tiyan ko nung sinubuan naman kita kanina, sumakit na naman tiyan ko” ang giit ni Lyndon.
“Hoy kapal mo Lyndon, wala akong sakit, masyado ka lang maarte at maselan, ikukuha kita ng gamot sandali” ang sabi niya at babangon na sana siya ng hawakan ni Lyndon ang kanyang braso.
“Tsk, hindi nga gamot lawayan mo na lang ako, parang mas effective yun eh” ang giit ni Lyndon sa kanya.
Kumunot ang noo ni Isabella, hindi siya makapaniwala na ang isang taga Maynila ay naniniwala sa pamahiin. Nilawayan niya ang kanyang hinlalaki at ipinahid sa matigas na tiyan ni Lyndon, pero ng lumapat ang kanyang daliri ay hinawakan ni Lyndon ang kanyang kamay, kaya nanatili ito sa ibabaw ng tiyan ni Lyndon. At biglang bumilis ang paghinga niya.
“Lyndon”
“Hayaan mo lang diyan” ang sagot nito. Nahiga ng muli si Isabella at nakaharap na siya kay Lyndon, dahil nga sa ang kamay niya ay nakapatong sa tiyan nito.
“Bella?”
“Uhhh?”
“Ayaw mo bang lawayan?”
“Nilawayan ko na diba?”
“Dilaan mo kaya?”
Mabilis na inalis ni Isabella ang kanyang kamay dahil sa inis, alam niyang inaasar na naman siya ni Lyndon.
“Ewan ko sa iyo Lyndon, matulog ka na nga” ang inis na sabi niya sabay talikod dito.
“Bakit mo inalis, masakit pa” ang nakangiting sagot ni Lyndon.
“Magaling ka na Lyndon, bumalik na ang kapilyuhan mo, bakit ba kinatatakutan ka sa pagiging suplado mo? E nuknukan ka ng kalokohan?”
“Siyempre fiancée na kita, uy, dito ka humarap”
“Matutulog na ako” ang sagot niya at nagulat siya at halos di siya makahinga ng maramdaman ang braso at hita ni Lyndon na dumagan sa kanya.
“Lyn – Don, hindi.. Na.. Ako.. Makahinga!” ang giit niya at pilit niyang inaalis ang braso at hita nito sa kanya.
“Para hindi ka umikot sa kama” ang sagot ni Lyndon, na may ngiti sa mga labi.
Ilang beses pang sinubukan ni Isabella na makawala o maalis ang pagkakadagan ni Lyndon pero mas lalo lang binibigatan nito ang pagkakadagan ng hita at braso nito, kaya sumuko na lang siya. Hanggang sa siya ay makatulog.
Lyndon felt Isabella started to relax, pero hindi niya pa rin inalis ang pagkakadantay at pagkakayakap niya rito. Deep inside it felt so good. Then bigla niyang naisip ang mga nangyari kanina, ang paghubad nito ng kanyang sapatos, ang pamimitas nila ng mga gulay, ang nakakatawa at para silang mga bata na pangunguha ng mangga, at ang pag-aasikaso nito, noong masakit ang kanyang tiyan. Naalala niya ang abala na ginawa nito, na bumiyahe ito pabalik ng bayan para lang bilhan siya ng makakain para lang masigurado na hindi siya magugutom.
His heart started to race inside his chest, “Oh shit” ang bulong niya. Lyndon Bridge is falling... Ang kinakabahan na sabi niya sa sarili.
BINABASA MO ANG
Lyndon Bridge is Falling Down (completed) Self-Published
RomanceSelf published Strictly for mature readers only 18 and up!! Everyone has an achilles heel, and someone is finally going down. Lyndon DuPont Bridge, was known for being stern and strict. When it comes to work and with women. Kilala siya bilang supl...