Hindi na naalis ang kaba sa puso ni Isabella, buhat ng umalis sila ng Maynila kaninang madaling araw, hanggang sa maabot nila ang Chez Corazon. Nabunutan man ng tinik ang dibdib na nakabalik sila ng isla ay hindi pa rin naalis ang bigat sa kanyang dibdib. Unti-unti na kasi na nanghihina si tatay Rene. At kahit pa ayaw siya nito na pasamahin pabalik ay nagmatigas siya at siya pa rin ang nasunod.
At nang mga sandaling iyun, habang nasa tabi ni si Ylmas ay binabantayan nila si tatay Rene na nakapikit at sa palagay nila ay natutulog na.
“Isabella, magpahinga ka na, ako na muna rito” ang sabi ni Ylmas sa kanya.
Dahan-dahan siyang siyang umiling, “hindi naman ako napagod Ylmas, dito muna ako” ang pagtanggi niya rito.
“Ylmas… pwede… bang… iwan mo.. Muna.. Kami” ang mabagal at mahina na pakiusap ni tatay Rene kay Ylmas.
Tumangu-tango si Ylmas at dahan-dahan itong naglakad palabas ng kwarto at marahan nitong isinara ang pinto.
“Bella?” ang mahinang pagtawag nito sa kanyang pangalan.
Lumipat siya ng upuan, mula sa upuan na nasa tabi ng kama nito ay naupo siya sa gilid ng kama at hinawakan niya ang kamay nito.
“Nandito ako” ang malambing na sagot ni Isabella at hinimas niya ang noo nito.
“Patawarin mo.. sana ako kung… , ibinigay.. ko sa iyo ang.. Chez Corazon.. pero may kundisyon pa.. rin ito” ang sabi nito sa kanya.
Umiling siya, “hindi mo kailangan na humingi na tawad tatay, naintindihan kita” ang malumanay na sagot niya.
“Kailangan ninyo na, pagdaanan ang pinadaanan namin ni Corazon, at kailangan na gumawa ng sakripisyo” ang sabi ni tatay Rene.
Hindi naging madali ang lahat sa amin noon ni Corazon, at gusto ko na, madaanan ninyo ito para masukat ang pagmamahalan ninyo” ang sabi ni tatay Rene sa kanya.
“Noong… kausapin ko.. Si Ylmas.. Tungkol sa aking.. Desisyon.. Na sa iyo ko ibibigay ang isla… at.. Ipinaliwanag ko sa kanya ang lahat.. Ay naintindihan niya ako. At sinabi nga niya.. Na handa.. Ka niya na gabayan.. At tulungan” ang sabi ni tatay sa kanya.
“Ang Chez Corazon ay isla ng nagmamahalan, at nararapat lamang sa inyong dalawa.. sana…mapagtanto agad.. Ni Lyndon ang lahat.. Para.. Magkasama nankayo” ang mahinang sabi ni tatay Rene, na unti-unti ng nanghihina.
“Sayang lang at… hindi ko na kayo makikita na ikasal na dalawa… at ang magiging apo ko sa inyo” ang pahina na pahina na sabi ni tatay Rene.
Itinaas ni Isabella ang nanghihina na kamay ni tatay Rene na kanyang hawak at inilapat niya ito sa kanyang pisngi, habang tumutulo ang kanyang mga luha.
“I can see her Bella, I can see Corazon” ang nakangiti at mahinang sabi nito at mas lalong umagos ang kanyang mga luha.
“Bella, ang bilin… ko.. Sa iyo.. Sa tabi ako ni Corazon.. Mahihimlay” ang sabi ni tatay Rene sa kanya at pumikit na ito at umagos na ang luha sa mga mata niya na hindi na huminto hanggang sa magpakita na ang bukang liwayway at ang mabagal na hininga ni tatay Rene ay unti-unti ng huminto.Nakaupo si Bella sa tabi ng bagong tabon na lupa sa tabi ng puntod ni Corazon. Nagsindi siya ng kandila at naglatag ng bulaklak sa puntod ni tatay Rene. Inilibing nila ito sa oras din kung kailan, laging dinadalaw ni tatay ang asawa nito.
“Alam ko masaya ka na tatay at kasama mo na ang pinakamamahal mo, marami kayong pagkukwentuhan sa langit, siguro, tungkol sa amin ni Lyndon ang pinag-uusapan ninyo ngayon” ang nakangiti at mahina sa sabi niya.
Dahan-dahan siyang tumayo at napalingon siya sa kanyang likuran at pinagmasdan niya si Ylmas na papalapit sa kanya.
“Naihatid ko na si father sa bangka, at ihahatid na siya ni kuya Tino, at nagpasabi rin ako kay kuya Tino na magpagawa ng mga maliit na lapida para kay tito, katulad ng kay tita Corazon.
Tumangu-tango si Isabella, “ahm Ylmas?”
Mabilis na tumangu-tango si Ylmas, “nagawa ko na Isabella, I called his secretary at pinasabi ko na ang pasya mo” ang sagot ni Ylmas sa kanya.
“Salamat” ang mahinang sabi niya at natutuwa siya dahil nasa tabi niya ngayon si Ylmas, na nangako na tutulungan siya. Kung hindi umayon ang lahat sa plano niya, ay nakapagdesisyun na siya na hindi na gagawin pa na resort ang kalahati ng isla, at pananatilihin niya ang villa at ang pamilya ni kuya Tino at ang mga puntod nina tatay Rene at Corazon. Wala na siyang balak pa na magtayo ng resort. Pananatilihin niya ang villa at sa natural nitong ganda.
“Paano kung, hindi masunod ang inaasahan mo Bella na kasagutan kay Lyndon? Anong, balak mo?” ang alalang tanong ni Ylmas sa kanya.
Huminga ng malalim si Isabella, “then, madudurog ng tuluyan ang puso ko” ang malungkot na sagot ni Isabella, “pero, talagang para sa kanya ang kalahati ng isla, iyun naman ang napag-usapan namin” ang dugtong pa niya.
Bumalik na sila sa villa at nagtungo si Isabella sa kwarto ni tatay Rene at nagsimula na siyang ayusin ang mga naiwan na gamit nito. Nang mayron siyang isang box na nakuha sa tabi ng kama nito. Maliit lamang ang kahon. She got curious at naupo siya sa kama at binuksan niya iyun. At nakita niya ang mga sulat. Lumang-luma na ang mga iyun, dinampot niya ang isang sulat at maingat niyang hinawakan iyun, at dahan-dahan na binuklat.
At napagtanto niya na mga sulat iyun ni Corazon para kay tatay Rene. Isa-isa niyang binasa ang mga sulat na naging palitan ng pagmamahalan sa noon ay mga bata na sina Corazon at tatay Rene. Nakasaad doon ang kasiyahan nila, kalungkutan nila, at ang pagmamahalan nilang dalawa. Hindi naiwasan ni Isabella ang maluha, dahil sa nadama niya ang masidhi na damdamin na namagitan sa dalawa sa pamamagitan ng sulat.
At may napansin siya na isang papel na nakatupi na kaiba sa lahat dahil sa bago ito. Binuklat niya iyun at binasa ang sulat. Hindi iyun sulat ni Corazon, iyun ay sulat ni tatay Rene sa namayapa nitong asawa at ang nakasulat doon ay patungkol sa kanila ni Lyndon.
Ikinuwento ni tatay Rene ang tungkol sa kanila ni Lyndon, ang pagiging aso’t pusa nila, ang pagkaroon nila ng interest sa Chez Corazon, kaya naisip nito na gumawa ng kundisyon sa kanila ni Lyndon, para maglapit silang dalawa.
“Kitang-kita ko na may gusto sila sa isa’t isa, kaya nakaisip ako ng paraan para maglapit ang dalawang ito, nakita ko ang mga sarili natin kina Isabella at Lyndon at alam ko na konting tulak lang ay isang pagmamahalan na wagas ang mamamayani sa dalawang ito” ang nakalagay sa sulat ni tatay Rene.
At hindi na niya napigilan ang lumuha, at naabutan siya ni Ylmas sa ganun na sitwasyon.
“Isabella?” ang alalang tanong sa kanya ni Ylmas at naupo ito sa kanyang tabi at pumaloob siya sa mga braso nito at niyakap siya ng mahigpit habang patuloy siya na lumuluha.
BINABASA MO ANG
Lyndon Bridge is Falling Down (completed) Self-Published
RomanceSelf published Strictly for mature readers only 18 and up!! Everyone has an achilles heel, and someone is finally going down. Lyndon DuPont Bridge, was known for being stern and strict. When it comes to work and with women. Kilala siya bilang supl...