“I’m not good enough, I'm not good enough” ang paulit-ulit na sambit niya sa sarili, pero mas mahina na ito.
"Please, don't say that" ang pakiusap ni Lyndon, na nagulat sa sinabi niya.
Tumalikod siyang muli kay Lyndon at humarap siya sa kitchen counter. Inilapat niya ang kanyang dalawang palad sa makinis na granite at itinukod niya ang kanyang mga braso habang nakayuko siya.
Naramdaman niya ang presensiya ni Lyndon sa kanyang likuran, at naramdaman na lang niya ang mga kamay nito sa kanyang mga balikat. Napapikit siya habang nakayuko. Sampung taon na ang lumipas pero, hanggang ngayon ay sariwa pa rin ang nakaraan sa kanya at hanggang ngayon ay takot pa rin siya.
“Tell me Bella” ang mahinang sabi ni Lyndon habang nakatayo ito sa kanyang tabi at hawak ang mga balikat niya.
“You will never understand” ang mariin na sagot ni Isabella, papaano na ang isang katulad ni Lyndon ay maiintindihan ang katulad niya?
“I will just tell me” ang giit ni Lyndon sa kanya at marahan nitong pinisil ang mga balikat niya.
Galit na tiningnan ni Isabella si Lyndon at hinawi nito ang mga kamay na nakahawak sa kanyang balikat, at humakbang siya paatras, papalayo lay Lyndon.
Umiling siya, “Understand?!” she snorted, “YOU will never understand, because you’re born with a silver spoon in your mouth, figuratively and literally speaking! Habang ako? Kailangan kong mamulot ng basura sa kalsada, magkalkal sa mga basurahan para hindi na ako aasa sa mga magulang ko ng ilalaman ko sa aking sikmura” ang sigaw ni Isabella kay Lyndon, na nanatiling nakatayo sa tabi ng kitchen counter, at pinagmasdan ang paglabas niya ng emosyon. Pero kita niya ang hinanakit sa mga mata nito.
“Habang ang pihikan mo na dila ay namimili sa lamesa kung anong kakainin, kami? Nagdidildil ng asin, swerte na kung may talbos sa aming hapag. Habang ikaw ay natutulog sa malambot na kama na busog ang tiyan at kailangan na luwagan ang butones sa damit, ako? natutulog sa karton na tinatalian ang sikmura para hindi sumakit dahil walang itong laman” ang halos naluluha na sabi ni Isabella.
“Habang ang mga magulang mo ay namamahala ng sarili ninyong negosyo, ang mga magulang ko ay halos mabali ang mga likod sa pagsasaka sa lupa na hindi naman sa amin at kung magkano lang ang iabot na pera ay pagkakasyahin namin para sa pambili namin ng bigas”.
“Isabella” ang bulong ni Lyndon, na ramdam ang hinanakit niya.
“Isabella, may lalaki bang nanakit sa puso mo? Ang lalaking dapat na ikakasal ka?” ang malumanay na tanong ni Lyndon.
Pinahid ni Isabella ang luha sa kanyang mga mata, at ngumiti siya ng malungkot. After ten years, ngayon lang niya ito sasabihin. Ni ang mga magulang niya ay hindi nalaman ang mga pinadaanan niya sa pamilya at kay Ylmas.
Naglakad patungo sa kitchen isle si Isabella, at naupo siya sa barstool. Sumunod sa kanya si Lyndon at naupo sa barstool sa tabi niya.
“Graduating student ako sa kursong engineering, nang makilala ko siya at nag plano na kaming ikasal, sa kabila ng kahirapan na dinanas ko, ang tanging pangarap ko lang ay ang maikasal sa lalaking pinakamamahal ko, ang bumuo ng pamilya, at iyun ang pangarap namin na dalawa” ang panimula ni Isabella.
“Alam ko na, mahal na mahal niya ako, dahil sa kabila ng malaking pagkakaiba ng estado namin sa buhay ay nakuha niya akong mahalin. Nagpunta siya sa bahay namin na barong-barong pa noon para ipagpaalam ang kasal namin. At pagkatapos ay ako naman ang dinala niya sa kanilang mansyon” ang sabi ni Isabella, at nanatili siyang tahimik ng ilang sandali.
“May isang pagdiriwang sa kanilang mansion sa Cebu, at isinama niya ako, sa unang pagkakataon ay, ipakikilala na niya ako sa mga magulang niya at kamag-anak, at sasabihin na rin sa ikakasal na kami, kinakabahan man na humarap sa pamilya niya ay, napuno ng kagalakan ang puso ko, dahil sa, ipakikilala na niya ako bilang mapapangasawa niya”.
Sandaling tumigil sa pagsasalita si Isabella at tumingin ito sa kawalan, tila ba bumalik siya sa mga sandaling, tumatak sa kanyang puso.
“Nagulat ang mga magulang niya ng makita ako, harap-harapan na ipinakita nila ang disgusto sa akin. Harap-harapan nilang pinagsabihan ang aking nobyo na, iwan at layuan ang isang babaeng katulad ko na isang kahig, isang tuka, isang oportunista na gustong makabingwit ng malaking isda. The girl who used her… pussy.. to trap a rich boy” ang masakit na sambit ni Isabella.
Nakita niya ang galit sa mukha ni Lyndon, halata na nagpipigil ito ng galit, ang mga kamao na nakapatong sa ibabaw ng kitchen isle ay nakakuyom. Parang anuman sandali ay gusto nitong manuntok.
“Kulang na lang ay duraan ako ng pamilya niya, tapakan at durugin ng husto. He did fight for me, ipinagtanggol niya ako sa mga magulang niya, at nilisan na lang namin ang bahay nila ng mga sandaling iyun”.
“Kinabukasan ay sinundo ako ng mama niya sa unibersidad na pinapasukan ko, kinausap ako ng mama niya sa loob ng sasakyan nito at.. Inalok ako nito ng malaking halaga, para layuan ko na ang anak nito” ang mariin na sabi ni Isabella at tiningnan niya ng diretso ang mga asul na mata ni Lyndon, at alam niya, na, naalala ni Lyndon ang ginawa nito sa kanya noon sa loob ng kanyang opisina.
“Para sa katulad kong hikahos sa buhay? Napakalaking halaga nito, napakalaking tulong nito para sa aking pamilya, oo, nag-isip ako na tanggapin ang pera para sa mga magulang ko, pero.. Naalala ko kung paano ako ipinaglaban ng nobyo ko sa mga magulang nito, kaya, mas pinili ko ang pag-ibig”
“Isang sampal ang dumapo sa aking pisngi, isa raw akong ingrata, isang linta, isang langaw na dadapo sa kalabaw…. Masakit, para sa akin pero, tinanggap kong lahat, para sa aming dalawa”.
Napabuntong-hininga si Isabella, “isang linggo ko na hindi nakita ang nobyo ko, wala kaming contact, at parang sampal sa aking mukha, katulad ng ginawa sa akin ng kanyang mama, nakita ko na lang sa local newspaper sa amin na, ikinasal na siya, not to me, obviously, but to the daughter of one of the richest family in Cebu” ang sabi niya at isang pagak na tawa ang lumabas sa kanyang bibig.
“Ngayon, Lyndon, na hindi nakaranas ng kahit anuman na hirap sa buhay, na hindi nakatikim kailanman ng masasakit na salita, ng pang-aalipusta? Sabihin mo na, na naintindihan ma ako” ang hamon ni Isabella kay Lyndon.
“I’m sorry” ang mahinang sabi ni Lyndon.
She looked straight in his eyes and their gaze held for a long while.
"I studied hard, worked hard, halos ikamatay ko ang pagkayod para lang maabot ko ang pangarap ko, I removed all the unnecessary feelings in my heart na alam kong makakasakit lang sa akin, it was my defense mechanism, ang saktan ang iba kaysa ako ang masaktan" ang pag-amin ni Isabella.
"But all this facade, I'm still that young girl, who's afraid to mingle with other people, afraid of rejection, afraid of insults, and afraid of not fitting in" ang dugtong na pag-amin ni Isabella.
“I’m sorry Isabella, but, please, give me a chance,gusto talaga kitang ipakilala sa pamilya ko, but I can guarantee you, na kung may isa man, isa man, na magsasabi ng masakit na salita sa iyo, ng pang-iinsulto sa iyo, ako mismo ang babasag sa bibig nito kahit pamilya ko pa siya” ang pangako ni Lyndon.
“I don’t know Lyndon”
“Kahit isang minuto lang, kapag ayaw mo, sabihin mo lang at aalis tayo agad, please, just, I want you to meet them and I want them to meet you” ang giit ni Lyndon, “I will never, ever, leave your side Isabella” ang pangako ni Lyndon.
“Promise?” ang tanong niya kay Lyndon.
“I promise” ang pangako nito.
Isang ngiti ang dahan-dahan na gumuhit sa pisngi ni Isabella.
“Isabella?”
“Hmm?”
“Thank you for, telling me” ang sabi ni Lyndon.
“Thank you for listening Lyndon, ikaw lang ang napagsabihan nito, kahit kailan ay di ko ito na ikwento sa mga magulang ko, ang alam lang nila na, hindi lang kami nagka unawaan na dalawa at marami kaming pagkakaiba sa buhay na hindi na namin pa maayos” ang malungkot na sabi niya.
“And Isabella, whoever broke your heart, was a fucking jerk, he doesn’t deserves you” ang sinserong sabi ni Lyndon sa kanya.“Lyndon, diyan sa may fast-food ihinto mo muna” ang utos ni Isabella ng makakita sila ng fast food restaurant sa kalsada.
“Again?” ang takang tanong ni Lyndon kay Isabella.
“Yes, again, o gusto mo, umihi ako rito sa leathered seat ng Audi mo?” ang hamon ni Isabella.
“Ikaw itong gustong isama ako tapos, nagrereklamo ka?” ang giit ni Isabella.
“Sinong maysabi na galit ako?” ang nakangiting tanong na sagot ni Lyndon.
Inirapan lang ito ni Isabella pero hindi naman napigilan ni Isabella ang ngumiti. Simula kagabi ng magkwento si Isabella ng tungkol sa nakaraan niya, ay naging mas mapang unawa si Lyndon sa kanya.
“Pang-ilan mo na yan?” ang tanong ni Lyndon sa kanya habang ipinaparada ang sasakyan sa parking lot.
“Binibilang ko ba?” ang inis na sagot ni Isabella, “sasama ka ba sa akin sa loob o maghihintay ka na lang dito?”
“I’ll wait here, iihi ka ka lang naman hindi ba?” ang tanong ni Lyndon.
“Ahm, oo” ang di siguradong sagot ni Isabella.
“Magdiaper ka na kaya?” ang biro ni Lyndon.
Inabot ni Isabella ang pisngi ni Lyndon at pinisil iyun, pinanggigilan pa niya ito.
“Ang cute mo talaga, pati mga idea mo” ang sabi ni Isabella habang nanggigigil kay sa pisngi ni Lyndon.
“Ako magsusuot sa iyo ng diaper” ang sagot pa ni Lyndon sabay kindat.
“Aw!” ang hiyaw ni Lyndon ng marahang sinampal ni Isabella ang pisngi nito na kanina lang ay pinanggigilan ni Isabella. Sabay bukas niya ng pinto, at lumabas na siya ng sasakyan.Sinundan ni Lyndon ng tingin si Isabella na naglalakad papasok sa loob ng fast food restaurant.
Naalala niya ang mga sinabi nito kagabi, at hanggang ngayon sa tuwing naiisip niya ang ginawa ng pamilya at mismong nobyo nito ay nanggigigil siya sa galit. Kapag nakita niya ang lalaking iyun, ay siguradong sasapakin niya sa mukha.
At kagabi, ay minura rin niya ang sarili, dahil sa naging kapareho niya ang mama ng lalaking iyun, ng alukin niya ng pera si Isabella, para isuko ang isla.
Pero, kahit papaano ay may parte ng puso niya na nagpasalamat at hindi natuloy ang kasal ng dalawa, dahil sa, kung naging asawa nito si Isabella, ay hindi niya ito, makikilala at hindi niya makakasama ito ng mga sandaling iyun. Yes, he didn’t know what to call what he was feeling that moment, but, he’s very sure that he cares for her.
Hindi katulad ng pamilya ng nobyo nito ang kanyang pamilya, ang sabi ni Lyndon. Siguradong, magugustuhan nila si Isabella at magugustuhan ni Isabella ang kanyang pamilya lalo na si lola Olivia, ang nangingiting sabi ni Lyndon sa sarili.
Kumunot ang noo ni Lyndon, nang makita niya si Isabella na papalabas ng fast food, iihi lang ito, pero may bitbit na ito na large fries na nilalantakan na nito at isang paperbag at sigurado siya na burger ang laman niyun.
Binuksan niya ang passenger seat at napailing siya na may ngiti sa labi.
“Sabi mo, umph”- hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil sinubuan na siya ni Isabella ng fries.
“Gusto mo?” ang nakangiting sagot ni Isabella.Ilang oras pa silang bumiyahe, nadagdagan pa ito dahil nga sa patigil-tigil sila sa highway, dahil sa laging pag-ihi ni Isabella.
“We’re here” ang sabi ni Lyndon kay Isabella nang matanaw na nila ang malaking bahay.
Nakaramdam na ng kaba si Isabella at hinila niya ang laylayan ng suot niya na blouse. At napansin iyun ni Lyndon.
Inabot ni Lyndon ang isa niyang kamay at pinisil iyun.
“You’re great Isabella, they were the ones who weren’t good enough, not you” ang giit ni Lyndon sa kanya.
Isang matipid na ngiti ang isinagot ni Isabella at hinayaan niya na magdaop ang kanilang kamay hanggang sa maiparada ni Lyndon ang sasakyan.
Napansin niya ang maraming sasakyan na nakaparada sa labas ng malaking bahay. Hinintay ni Isabella na makalabas si Lyndon, at pagbuksan siya nito ng pinto.
Lumabas siya ng sasakyan at inayos ang suot niya na blouse at maong na pantalon. Ito lang kasi ang nadala niyang damit.
Huminga si Isabella ng malalim at muli ay kinuha ni Lyndon ang kanyang kamay. Naglakad sila papalapit sa main door ng bahay na magkadaop ang mga kamay.
“Ready?” ang nakangiting tanong ni Lyndon sa kanya.
Huminga siya ng malalim at tumangu-tango siya.
Pagbukas ni Lyndon ng pinto ay bumungad sa kanila ang maraming mukha ng kanyang mga kamag-anak.
Kitang-kita ni Isabella ang gulat na reaksyon ng mga ito, nanlaki ang mga mata, kasunod ng malakas na hiyawan.
BINABASA MO ANG
Lyndon Bridge is Falling Down (completed) Self-Published
RomanceSelf published Strictly for mature readers only 18 and up!! Everyone has an achilles heel, and someone is finally going down. Lyndon DuPont Bridge, was known for being stern and strict. When it comes to work and with women. Kilala siya bilang supl...