Chapter 27

2.7K 133 19
                                    

Lyndon woke up the next morning feeling like his old self again. Alam niya agad na bumalik na ang kanyang pakiramdam dahil nagising na siya agad, without even waiting na mag buzz ang alarm niya. His body felt light too, tila ba wala na ang pakiramdam na mabigat na nakadagan sa kanya. Mukhang nakatulong sa kanya ang pagpapakonsulta niya sa doctor kagabi. At napatingin siya sa kanyang tabi, ang dating pwesto ni Isabella.
O kaya dahil sa hindi na niya katabi si Isabella kaya gumaling na siya? Mukhang may virus talaga ang babaeng iyun, ang sabi niya sa sarili. O kaya naman, totoo ang sinabi ng nanay nito na nausog siya nito? Naalala niya na sa tuwing hahawakan siya ni Isabella, bukod sa tinitigasan siya, oo, given na iyun, dahil talagang, hanggang ngayon ay matindi ang pagnanasa niya sa babaeng iyun. Anyway, ang sabi niya, sumasama ang pakiramdam niya pagkatapos siyang, panggigilan o lambingin nito.
Tumayo na siya at mabilis na pumasok sa loob ng banyo para magshower. Naghanda na siya at papasok siya sa opisina.
Bukas, na nga pala ang family gathering nila, ang sabi niya sa sarili. He would also, take that opportunity, na makausap ang kanyang daddy at maibigay na rin ang proposal niya. Its better na mauna na niyang maibigay ang proposal, tutal, kumpiyansa naman siya na makukuha niya ang isla. Half of it yes, but still, makukuha niya.
Lumabas na siya ng kanyang kwarto at napadaan siya sa kwarto na inokupahan ni Isabella, napansin niya na bahagyang nakabukas ang pinto.
Huh, nakalimutan yata na ilock ni Bella ang pinto ng kwarto nito, hinawakan niya ang doorknob, pero sa halip na hilahin ang pinto para isara. Dahan-dahan niya itong itinulak para buksan at inilusot niya ang kanyang ulo.
Napansin niya agad ang bakanteng kama, gulo-gulo pa ang bedsheet at kumot, may unan pa na nasa sahig. Bumaba na kaya si Isabella? Ang tanong niya sa sarili. Isasara na sana niya ang pinto ng marinig niya ang sunod-sunod na pagduwal ni Isabella, at nasa banyo ito.
Mabilis siya na pumasok sa loob ng kwarto at halos tumakbo siya papasok sa loob patungo sa banyo. At naabutan nga niya si Isabella na halos isuksok na ang ulo sa lababo.
"Bella?"

Nagising si Isabella dahil sa nakaramdam siya ng pag-ihi. Tinatamad man dahil sa inaantok ay pilit niya na bumangon, ayaw naman niya na maihi sa kama. Pag-upo niya sa kama ay nakaramdam na agad ng pagkahilo si Isabella.
Mukhang bumalik na naman ang sakit niya, ang sabi niya sa sarili. Hindi ba hiniling niya ito kagabi? Mukhang tinupad ang kahilingan niya, ang matamlay na sabi niya sa sarili.
Dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang paa sa sahig at matamlay siya sa tumayo. Kumapit din siya sa mga pwedeng niyang kapitan, habang humahakbang siya patungo sa banyo.
Pagkaihi ay naghugas na siya ng kamay sa sink, lumabas na siya ng banyo at tiningnan niya ang oras. Six thirty na ng umaga.
"Gising na kaya si Lyndon?" ang malakas na tanong niya sa sarili. Naalala niya ang nangyari rito kahapon, baka masama na naman ang pakiramdam nito, ang sabi niya.
Kahit pa masama ang pakiramdam, at hinahalukay na naman ang sikmura niya ay napagdesisyunan niya na silipin na lang muna si Lyndon, para icheck ang kalagayan nito. Pinihit na niya ang door knob ng maramdaman niya ang bile sa kanyang sikmura na umakyat na sa kanyang lalamunan, kaya nagmamadali siyang naglakad pabalik ng banyo at saka niya idinuwal ang laman ng kanyang sikmura.
Sunud-sunod ang pagduwal niya na halos hindi na siya makahinga, at nanginginig na ang kanyang katawan at nanghihina na siya.

"Bella?" ang alalang tanong sa kanya ni Lyndon at nilapitan siya nito at sinimulan na hagurin ang kanyang likod.
Hindi sumagot si Bella, dahil sa panghihina, hinayaan niya na hawakan siya ni Lyndon para alalayan siya nito. Hinayaan niya na ang bigat niya ay saluhin lahat ni Lyndon habang nakahilig ang katawan niya rito. Nang malinaw na ang kanyang sikmura, ay hinugasan na niya ang kanyang bibig.
Inalalayan siya ni Lyndon palabas ng banyo at tinulungan siya nito na makaupo muna sa kama. Isinandal siya ni Lyndon sa headboard at nilagyan pa nito ng unan ang likod niya.
Pumikit muna siya para mawala ang umiikot na paningin niya, dahil sa nahihilo pa siya. Si Lyndon naman ay nakapamewang na pinagmamasdan siya.
"Buntis ka ba?" ang tanong ni Lyndon sa kanya at bigla siyang dumilat para tingnan ito.
"Sinabi ko na, na hindi ako buntis!" ang giit niya, "hindi sa ibang lalaki, and mas lalo na na hindi sa iyo"
"Kung buntis ka man, sa AKIN yan" ang mariin na sabi ni Lyndon, na kung bakit ba, umaasa siya na buntis nga si Isabella.
Oo, noon, ay nagalit siya sa pag-aakala niya na kaya nagkita silang muli ay dahil sa buntis ito. But, this time, for some reason, he wanted her to be pregnant.
Nagtama ang kanilang mga mata at napako ito, she could feel the intensity of his words, and she swallowed hard.
"Hindi ako, buntis Lyndon" ang malumanay na sabi niya, "I'm into, injectable, and it could last for three months, I took it, not because I'm sexually active, but because, convenient sa akin, dahil wala akong monthly period, that caused me headaches and abdominal pain" ang paliwanag niya kay Lyndon.
Tumangu-tango si Lyndon, "kailan ka huling nagpa inject?" ang tanong ni Lyndon, na nakaramdam ng tuwa ng malaman niya, na hindi sexually active si Isabella, somehow, he has that feeling of possessiveness kay Bella, hindi siya papayag na may iba pang lalaki na aangkin sa katawan nito, kundi siya.
Biglang kinabahan si Isabella, iyun din kasi ang mga tanong niya noong gabi na magkasama sila ni Lyndon. Hindi niya matandaan kung kailan siya nag pa inject.
She cleared her throat, "two months ago" ang pagsisinungaling niya kay Lyndon dahil nga sa hindi na niya matandaan kung kailan.
Lyndon just looked at her, for a long while, at medyo nawala na rin naman ang pagkahilo niya kaya nakaupo na siya ng diretso.
"Hindi na muna siguro ako papasok" ang sabi ni Lyndon at naupo ito sa kanyang tabi.
"What? Why?" ang takang tanong ni Isabella.
"Wala kang kasama rito, baka bigla ka na lang mag collapse ikaw lang mag-isa rito" ang alalang sabi ni Lyndon.
Hindi napigilan ni Isabella ang mapangiti, totoo kasing ang pag-aalala na ipinapakita ni Lyndon sa kanya.
"No okey na ako, may mga commitments ka, hindi gaya ko na tengga ang mga plano dahil sa Chez Corazon" ang sagot ni Isabella.
Chez Corazon, ang nag-iisang dahilan kung bakit magkasama sila ng mga sandali na iyun, ang parehong sumagi sa mga isip nila.
"Sumama ka na lang kaya ulit sa opisina?" ang tanong ni Lyndon at mabilis siya na umiling.
"Ayoko, mas gusto ko rito, pwede akong humiga kapag di na maganda ang pakiramdam ko, saka may mga tatapusin din ako na plano, mahirap na baka makita mo pa gayahin mo" ang biro niya kay Lyndon, na hindi napigilan ang umismid sa kanya at umiling.
"Tawagan mo ako kapag pakiramdam mo ay kailangan mo ng magpunta sa hospital ha" ang bilin sa kanya ni Lyndon at tumayo na ito.
He looked at her and she could sense that he wanted to hold her that moment, but he refrain himself from doing so. At tumangu-tango na lang ito at mabilis na lumabas ng kanyang silid.

Lyndon Bridge is Falling Down (completed) Self-Published Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon