“Hello Shen? This is Isabella, is Lyndon there already?” ang tanong niya sa sekretarya ni Lyndon.
“Yes ma’am, pero, nasa conference room po sila ngayon, kasama po ang step brother at daddy po niya, ngayon po kasi ang presentation po ng proposals nila” ang sabi ng secretary nito.
Yawa! Siguradong hindi dadalhin ni Lyndon ang proposal nito if he already gave up the island and the position, tulad ng sinabi nito sa sulat nito sa kanya. Kailangan na maabutan niya ang meeting ng mga ito bago pa matapos ang lahat.
“Shen, will you be a dove and do something for me?” ang pakiusap niya sa sekretarya.
“Of course ma’am” ang magalang na sagot nito.
“I want you to check something for me sa loob ng opisina ni Lyndon” ang sabi niya rito at ipinaliwanag niya ang hahanapin sa loob ng opisina. She waited on the line habang naghahanap sa loob ng opisina ni Lyndon.
“Paano kung wala sa opisina ni Lyndon at nasa bahay nito?” ang tanong ni Ylmas na nagmamaneho ng sasakyan at patungo na sila sa opisina ni Lyndon.
“Pupuntahan ko si Autumn, general ang daddy nun at kung kinakailangan namin na magdala ng SWAT team sa bahay ni Lyndon para mabuksan iyun gagawin ko, para makuha ko ang proposal at blueprints nito” ang sagot ni Isabella at nakita niya ang gulat na mukha ni Ylmas at nanlaki pa ang mga mata nito at bumuka ang bibig.
“Ma’am?” ang muling sabi ni Shen ang secretary sa kabilang linya.
“Yes?” ang sagot niya.
“Nasa loob ng opisina niya po maam” ang sagot ng sekretarya.
Parang nabunutan ng tinik si Isabella at nagpakawala ng malalim na hininga ang mga labi niya.
“OK thank you” ang sabi niya rito at mabilis niyang pinutol ang tawag niya.
“Nandun daw, we can’t be late Ylmas” ang sabi niya rito.
“We’re almost there” ang sagot nito sa kanya.
At ilang sandali pa nga ay nasa harapan na sila ng building ng Build Bridges Corporation, bago siya bumaba ay niyakap niya ng mahigpit si Ylmas.
“Thank you, for being here for me” ang bulong niya.
Isang ngiti naman ang gumuhit sa mga labi ni Ylmas, “I’m glad to that I’m here for you Bella” ang sagot nito sa kanya at marahan siyang itinulak nito para tingnan siya sa mga mata.
“Go get your man” ang sabi nito sa kanya.
Tumangu-tango siya at mabilis niyang hinalikan sa pisngi si Ylmas at lumabas na siya ng sasakyan at nagmamadali siyang umakyat.
At pag-abot niya sa floor kung nasaan ang opisina ni Lyndon ay mabilis siyang nagpunta sa conference room, at binuksan niya ang pinto.
“I don’t have a proposal” ang narinig niyang sagot ni Lyndon.
“I do! I have a proposal!” ang malakas na sabat niya at mabilis siyang pumasok sa loob.“Isabella?!” ang gulat na sabi ni Lyndon at bigla siyang napatayo sa kanyang kinauupuan at nagbunyi ang kanyang puso ng masilayan na muli si Isabella.
Mabilis na naglakad papalapit si Isabella sa kanya at siya man ay humakbang papalapit dito, agad niyang binalot si Isabella ng kanyang mga bisig na sabik na sabik na mayakap ito.
“Oh God! Bella! Bella!” ang paulit-ulit na sambit niya habang paulit-ulit din na hinalikan niya ang pisngi ni Isabella.
She looked up to him, and they held gazes, hindi niya akalain na muli niyang masisilayan mas lalo na, mayayakap at mahahagkan na muli si Isabella. Tila ba isang kasagutan sa kanyang panalangin ang mga sandali na iyun.
“Lyndon?” ang tanong nito sa kanya.
“Yes, babe” ang mahinang sagot niya and he caressed his hand in her soft cheek.
“I have a proposal to you” ang sabi nito sa kanya.
Isang ngiti naman ang gumuhit sa kanyang pisngi, “ano iyun?” ang tanong niya.
Nakangiti ito na may dinukot sa bulsa ng suot nito na bestida, at nahalata ni Lyndon ang umbok nito sa puson. Maya-maya pa may iniangat ito na isang singsing na gawa sa plastic. Kinuha nito ang kanyang kamay at inilusot sa hinliliit niya.
“Lyndon DuPont Bridge, will you marry me? And be my loving husband, my supportive partner, my sexy lover, and daddy of my three babies?” ang tanong nito sa kanya.
Nakaramdam ng sobrang tuwa ang puso niya, malakas ang lagabog ng kanyang puso, be her husband, partner, lover, and daddy to her three babies? Biglang nawala ang ngiti sa mga labi niya at nanlaki ang mga mata niya. Three babies? Three?
“Three babies?” ang hindi makapaniwala na tanong ni Lyndon sa kanya.
She slowly nodded her head, “I’m having triplets” ang nakangiting sabi nito sa kanya.
“Triplets? Oh god! I’m having?... Ho.. Ha ha aha! Dad! Did you hear that? I’m having triplets!” ang di makapaniwala at masayang hiyaw ni Lyndon.
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Isabella at paulit-ulit niyang hinagkan ang mga labi nito.
“Yes! Yes! Yes!” ang sambit ni Lyndon habang hinahalikan ang mga labi ni Isabella.
“Ehem” his daddy cleared his throat loudly, at nabaling ang kanilang atensyon sa daddy ni Lyndon.
“Lyndon, do you have a proposal or not?” ang tanong ng daddy ni Lyndon sa kanya ngunit may ngiti sa mga labi nito na tila ba mas nagustuhan pa nito ang narinig na magiging lolo na ito ng triplets.
“Dad, I still don’t”-
“He has, wait here” ang sagot ni Isabella at sinundan na lang siya ng tingin ng mga kasama nito sa loob ng conference room. Lumabas ito ng kwarto, napasulyap si Lyndon sa kanyang daddy at kinindatan siya nito at napailing na lang siya.
Maya-maya pa ay bumalik si Isabella na dala ang kanyang blueprint at folder na naglalaman ng kanyang proposal. Gusto niya sana na pigilan si Isabella, pero dire-diretso ito sa lamesa kung saan naroon ang daddy niya. Inilapag ni Isabella ang mga proposal niya sa lamesa.
“Those are a his proposal” ang sabi ni Isabella.
“Isabella, I can’t, I decline the island, wala akong pagtatayuan ng project at, tulad ng sinabi ko sa iyo, I already give up the island and position, kahit pa maging janitor na lang ako, basta, kasama kita sa buhay ko” ang giit niya kay Isabella.
Umiling si Isabella at ngumiti, “because you gave up everything, that’s why you gained everything” ang sagot ni Isabella, “ako ang pinili mo Lyndon, at hindi ang isla, ako.. Ako ang Chez Corazon”.
“I don’t understand” ang takang tanong ni Lyndon kay Isabella.
“Let’s go home” ang bulong ni Isabella sa kanya.
“Ah, sir, I’m going to take my pregnant wife home” ang sabi ni Lyndon sa kanyang ama. Wife, yes, Isabella is his wife at ikakasal siya sa lalong madaling panahon.
“Huh, talk! As if you’re just going to talk! Go on! Shoo! I’ll study your proposal” ang sagot ng daddy ni Lyndon na nangingiti “Lyndon?”
“Yes sir?”
“Don’t endanger my apos” ang banta ng kanyang daddy at tumangu-tango lang siya bilang sagot, at hinawakan niya sa pulsuhan si Isabella at nagmamadali silang lumabas ng kwarto.
Lyndon’s dad rubbed his his palms together “yes, mananalo ako sa pustahan namin ni Bran” ang nakangiting bulong nito.
BINABASA MO ANG
Lyndon Bridge is Falling Down (completed) Self-Published
RomanceSelf published Strictly for mature readers only 18 and up!! Everyone has an achilles heel, and someone is finally going down. Lyndon DuPont Bridge, was known for being stern and strict. When it comes to work and with women. Kilala siya bilang supl...