Chapter 7

3.6K 149 15
                                    

Lyndon was sitting on his swivel chair, facing the windows of his office, while he looked at the busy street down the metro view from his office windows.
     This is the day, ang sabi niya sa sarili. Ang araw na pinakahihintay niya, ang company’s quarterly meeting. At tulad ng laging inaasahan ay darating ang kanyang ama mula sa London para pangunahan ang meeting, para sa overall performance ng company sa second quarter ng taon. At, ang kutob niya, dahil na rin sa pahaging na salita ng ama, ito na rin ang araw kung kailan, mamimili ang daddy niya ng susunod na CEO, dahil nga sa pahaging na pahayag nito, noong huli nilang meeting na gusto na nito na magretiro.
     He needed, no, WANTED that place, badly, that he would do anything to have the CEO seat, lalo pa at halos kalahati na ng buhay niya ay ibinuhos niya sa kumpanya. It may sound as a cliché, pero, dugo at pawis ang ipinuhunan niya sa kumpanya ng ama. Then, all of a sudden, nagkaroon siya ng kahati, ng karibal, sa katauhan ng kanyang step brother, na, ayaw man na aminin ni Lyndon ay, maganda rin ang ipinapakitang performance sa kumpanya.
    And he knows his dad, pareho ito ng papa ni Ace, they were just and unbiased, walang pakialam ang mga ito kung anak o kadugo o ibang tao ka. Para sa mga ito, performance ang pinagbabasehan at hindi ang bloodline. Kaya, kahit pa, anak siya ng CEO at kahit pa matagal na siya sa kumpanya at maganda ang performance niya, hindi magiging bulag ang kanyang ama sa magandang performance na ipinapakita ng iba.
     But, he’s ready to fight for the seat, he’ll do everything or anything to have it. Hindi siya papayag ng walang laban na magaganap para sa pwesto na iyun.
     Naputol ang kanyang pag-iisip ng may kumatok sa pinto ng kanyang opisina at ang marahan na pagbukas nito.
    “Sir?” ang mahinahon at mahina na sabi ng kanyang secretary.
    “Yes?” ang matipid na sagot niya without even turning his chair to face his secretary, habang nakatanaw pa rin sa labas ng glass walls ng kanyang opisina na nagsisilbi rin na bintana ng kanyang opisina.
     “Magsisimula na po ang meeting, your dad’s already in the lobby, paakyat na po sa conference room” ang balita nito.
     “Ang mga reports na iprepare na ba?” ang tanong niya.
     “Yes sir, one folder for every seat sir, PowerPoint presentation ready na rin po sir” ang sagot nito.
     “Alright, just wait for me sa conference room” ang matipid na sagot niya sa kanyang secretary na nanilbihan sa kanya, simula pa noong unang araw na magsimula siya sa kumpanya kaya tiwala si Lyndon na maasahan ito.
     Hindi na ito sumagot at narinig na lang niya ang marahan na pagsara ng pinto. He waited a few seconds more, he sighed and murmured to himself.
     “This is it Lyndon” ang bulong niya sa sarili bago siya tumayo sa kanyang upuan at humakbang palabas ng kanyang private office patungo sa conference room kung saan ang kanyang future ay nakasalalay ng mga sandaling iyun.

     “I’m so glad and impressed with the presentation and with the reports this quarter, it looks like that, the company is in good hands, with the both of you managing it” ang masayang sabi ng daddy ni Lyndon.
     “And.. As I have said, on my last visit here, that I’m going to announce my retirement, and that is today” ang masayang balita nito sa kanila at narinig ang mga pagbati sa loob ng conference room mula sa mga taong kasama nila sa loob.
    Pero nang mga sandaling iyun ay nanatiling tikom ang mga labi ni Lyndon at hinihintay niya ang sandali na sabihin na ng daddy niya ang balita kung kanino ibibigay ang pagiging CEO Ng kumpanya.
    “I needed to live my remaining life, spending time with my wife, having a trip all over the Philippines first, of course, and, I’m looking forward to spend time with my grandchildren, that is... If.. I do have one?” ang sabi nito at nagpapalit palit ito ng tingin sa kanilang dalawa ng step brother nito.
     “Buti pa si Bran, may mga apo na, at ang dami, ako kaya kailan?” ang umaasang tanong nito at halatang pinariringgan si Lyndon.
     “I’m already engaged Rob” ang sagot ng kanyang step brother na si George sa kanyang ama, na parang gustong iparating na malapit na nito maibigay ang kahilingan na apo ng daddy niya.
     Pero nanatili na lang siya na tahimik at napangiti, mukhang malayo pa kasing mangyari ang gusto ng ama, hanggat di nito ibinibigay ang CEO position sa kanya.
     “So, mukhang hindi naman ako makakarinig ng magandang balita mula sa inyo na ako ay magkakarun na ng manugang at apo, ako na na lang ang magbabalita sa inyo” ang sabi nito sa kanila, “Ahm ladies and gentlemen, I need to speak with my two grown boys now, privately” ang sabi ng daddy niya sa iba pang kasama nila sa loob ng kwarto at nakiusap ito na hayaan silang mag-aama na maiwan sa kwarto para makapag-usap silang tatlo ng sarilinan.
    Magalang at tahimik na nag-paalam ang mga iba pang department officers na kasama nila sa loob ng kwarto. At nang maiwan na silang tatlo sa loob, ay di na makapaghintay si Lyndon sa kung anuman ang ibabalita ng kanyang ama.
     “Alright, first, I wanted to congratulate the both of you for a job well done, sa ginawa ninyo para sa kumpanya, as I’ve said I’m so impressed” ang masayang pagbati nito sa kanilang dalawa.
    “Now, sa mga nakita ko, I can say that, both of you deserves to have the CEO position” ang sabi pa nito.
     Lyndon calmly listened to his father, kahit pa, he’s so eager to hear, at I announce ng daddy niya kung sino ang susunod na CEO.
     “But” ang mariin na sabi nito, and he emphasized his words by lifting his right hand, “I can only choose, only one, but, as I’ve seen, equal ang naging performance ninyo” ang dugtong pa nito, but Lyndon wanted to argue, he has spent almost all his years sa kumpanya at bago lang ang step brother niya. Pero, hindi siya nagsalita at nanatiling tikom ang kanyang mga labi, at hinayaan na lang na magsalita pa ang kanyang daddy. Pero kapag hindi niya narinig ang kanyang pangalan, makikipagtalo talaga siya at ipaglalaban ang karapatan niya.
     “So, para makapag decide ako, I’m going to give the both of you a task, are you up for it?” ang hamon ng kanyang daddy.
    “I’m bloody up for it” ang mabilis at mariing sagot ni Lyndon, na biglang napukaw ang adrenalin niya ng mga sandaling iyun.
    Tumangu-tango ang kanyang daddy, “that’s good to hear, so, my task, is for both of you, to came up with a new project, a new brainchild na labas sa negosyo natin na condos, but close to construction business, I want you to came up with something for me, a plan, or kung pwede nga na mismong business na, its up to you, and I want it on my table in less than three weeks but I will give you a month para maging patas at hindi ninyo madaliin ang mga plano, I’ll be spending a few months here sa Manila, hanggang sa may maipresent na kayo then kung sino ang mas feasible at mapupukaw at mapapa wow ako, he will get the seat of the CEO” ang paliwanag ng kanyang daddy.
    “Sons, do we have a deal?” ang tanong pa nito sa kanila ng kanyang step brother.
    “We have a deal sir” ang magalang nilang sagot sa kanyang daddy at nakipagkamay sila rito. At nag harap naman sila ng kanyang step brother na si George.
    “Good luck”
    “Goodluck” ang palitan nila ng mga salita bago sila nagkamay na dalawa.

Lyndon Bridge is Falling Down (completed) Self-Published Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon